Nagluto talaga si Mama ng maraming pagkain para sa senior high graduation ko. She told me that I can invite my friends for the celebration.
In-invite ko na kanina sina Iredessa pati ang tropa nina Kael. I don't know kung pupunta sila dahil alam kong may kaniya-kaniya rin silang celebration.
“So kayo pala may ari nung furniture shop doon sa bayan?" Tita excitedly sat in front of Tito Ibarra after putting the plate of cake on the table.
Nagkatinginan kami ni Isaiah, nakaupo siya harap ko ngayon.
Ngumiti naman kay Tita si Tito Ibarra.
“Kakabukas lang din niyon, ilang buwan pa lang," tugon nito sa ginang.
“Pero mukhang marami na kaagad customer ano? Napadaan kasi ako roon no’ng minsan, nakikita ko ang daming pumapasok."
I don't know what's with Tita’s tone of voice. She seems really interested in Tito Ibarra’s family. Kita ko rin ang matamis na ngiti nito sa tuwing mapapatingin kay Isaiah.
Samantalang noong huling beses na pumunta rito si Isaiah, kung anu-anong sinabi niya.
Nakagat ko ang dila sa iritasyon nang tabigin ako ni Leanna para makaupo siya sa harap ni Isaiah. I don't know why she has to wear a spaghetti strap and too revealing shorts in front of our visitors.
Ako ang nahihiya sa ikinikilos nilang mag-ina. Si Mama naman ay nasa kusina at inaayos ang mga pagkain.
“Halos magka-edad lang din pala itong anak mong binata kay Leanna. Ano bang balak niyang kuning kurso sa kolehiyo?”
"Marine transportation po,” si Isaiah na ang sumagot.
Parang mas lalong nagdiwang ang tenga ni Tita sa narinig. Mas lalong naging buhay ang boses nito.
"Ay naku magandang kurso nga ‘yan! Paniguradong may kahihinatnan ka sa buhay,” humalakhak ito. Ngumiti lang din si Tito Ibarra sa kaniya, but I can't see if he's enjoying talking to Tita.
“Bagay na bagay silang dalawa! Mas maigi na yung habang maaga pa ay makilala na nila ang isa’t-isa para kasalanan na lang sa susunod."
Abot tenga ang ngiti ni Leanna sa aking tabi nang marinig ang sinabi ng kaniyang ina.
Tumawa naman si Tito Ibarra.
“Sa mga ganiyang bagay, hindi ko pinapakialaman ang desisyon ng anak ko. Mas mabuti kasi na sila mismo ang pipili ng taong gusto nila, nasa sa atin na lang kung paano natin gagabayan," he smiled. But I don't know why I can see sadness in his eyes.
Napatingin naman ako kay Isaiah na parang natahimik din.
Lumipas pa ang mga ilang minuto. I'm starting to feel like they're getting too uncomfortable with the topic. Paulit-ulit lang kasi si Tita.
Napatingin sa akin si Tito Ibarra. Parang may gusto itong sabihin sa akin. Nakuha ko naman kaagad kung ano ang gusto niyang mangyari.
Tumikhim ako.
“M-mukhang may importante kayong lakad ngayon, Tito?" parang nagliwanag ang mukha niya.
Ngumiti ito sa akin at tumango.
“Oo eh, may kailangan pa akong asikasuhin sa shop. Salamat sa pag-imbita, Azineth, mauuna na kami,” tumayo ito kasunod ni Isaiah.
Mukhang kanina pa rin nila gustong makatakas dito.
“Naku aalis na kaagad kayo? Maaga pa naman! Magkwentuhan muna tayo lalo na at malapit na naman ang pamilya natin sa isa't-isa!" Tita laughed, hindi nilubayan ng mata niya ang mag-ama.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: