I was really thankful that I got home safe. Thanks to Harvey. Bumiyahe pa siya hanggang Tayabas para lang ihatid ko. While on the way home, I remained silent. I know he wants to ask me what happened but did not speak.
Hanggang sa makauwi ako ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan. I thank Harvey for the gesture and say sorry because I wasn't able to thank him properly. Tumanggi na rin kasi siya nang ayain ko itong pumasok muna sa loob.
When I entered my room, that was the only time that I felt completely safe. Paulit-ulit kong naaalala ang mga sinabi sa akin kanina ni Sir Castro. Ever since first class, I already find his stares and smiles at me weird. Hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin kasi akala ko ganoon lang talaga siya.
Not until what happened earlier. Hindi ako tanga para hindi tuluyang maintindihan iyon. He wants something from me. Kaya pala palagi siyang mabait sa akin.
I remember what Kelly told me during first class. Sir Castro's wife is a lawyer kaya naman malaki ang respeto sa kaniya ng mga kapwa professor niya. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit parang wala itong takot na gumawa ng kalokohan sa loob ng paaralan.
I sighed and decided to call Isaiah again. Sa kaniya lang ako may lakas na loob na sabihin ang nangyari kanina. I need someone that I can tell my stories with. Alam kong si Isaiah ‘yon. Palaging siya.
I became really hopeless when he's still not responding to my calls.
That night, hindi ako nakatulog kakaisip sa mga nangyari. Wala ako sa sarili nang pumasok kinabukasan.
“Are you sure okay ka lang, Azi?" Harvey keeps on asking me.
Tumango lamang ako sa kaniya kahit kinakabahan pa rin ako ngayon. It was Sir Castro's subject. Imbes na sa unahan umupo ay mas pinili kong magtungo sa hulihan para hindi niya ako makita. Ayoko rin siyang tingnan.
He entered the classroom like usual, like a good–always friendly professor. He keeps on smiling and joking with his students. No wonder a lot of my classmates favor him.
Ang isang oras na klase niya ay parang naging isang taon sa akin. Sobrang tagal. May mga pagkakataon na nararamdaman ko ang pagsulyap niya sa gawi ko. Normally, I would always raised my hand during class recitation. But at that time, I keep on lowering my head as if I don't want to be seen.
“Sabay-sabay na tayo mag-lunch, Azi?” pang-aaya ni Harvey nang sumapit ang lunch.
Sumang-ayon sa kaniya ang lahat. Isang subject na lang ang meron kami mamaya, the rest will be vacant kaya maagap ang uwi.
“Kahapon ka pa tahimik, ano ba talagang meron?” pag-uusisa muli ni Kelly habang kumakain kami.
Napaangat naman ako ng tingin at nakita na lahat sila ay nag-aabang sa sagot ko. Maging si Harvey ay nakatingin din sa akin.
Tumigil ako sa pagkain at bumuntong-hininga.
"W-wala, masama lang pakiramdam ko,” pagdadahilan ko.
"Nako baka palusot mo lang ‘yan kasi ayaw mo pumunta bukas sa Tourism night! Nako, Azi! Sayang naman kung hindi ka makakapunta.”
I know if I don't come, I would be burdened with reviewing quizzes and doing performance tasks. Attending the event would be a lot easier for our lives. But I'm hesitating badly now.
"Hayaan mo si Azineth kung ayaw niyang pumunta. Hindi naman required eh. Saka delikado naman sa kaniya, layo pa ng uuwian niya,” saad ni Harvey saka sumulyap sa akin.
"Edi makitulog tayo kina Keisha?” suhestyon niya. Si Keisha yung isang kaibigan din namin na taga dito lang sa Sariaya.
I was then again convinced by them. I can attend the event pero sisiguraduhin kong didikit lang ako palagi kina Harvey. That night would end faster if I tried my best to enjoy it.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
Ficción GeneralLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: