“Azi, sumama ka sa Tourism Night ha!" saad ni Kelly sa aking tabi. Ever since we saw the announcement from the official site of Tourism about the event, Kelly kept on telling me that we should be there.
Halos lahat kasi ng mga kaibigan namin ay pupunta roon.
“Tatanungin ko muna si Isaiah," tugon ko rito.
Sinimangutan naman niya ako.
“Bakit kailangan mo pang tanungin si Isaiah? Boyfriend mo talaga ‘yon noh?" nanliliit ang matang tanong niya sa akin.
“Hindi!" pagtanggi ko. “May okasyon kasi sa araw na iyon."
It's his father's birthday. Plano ko sanang pumunta sa bahay nila kapag nagkataon.
And as expected, Isaiah is against me going to the event. I told him this morning about the it. Paniguradong gabing-gabi na kasi matatapos iyon. Aside from the fact that it will be held at night, ayaw din niya kasi delikado raw.
I pretty much agree with him.
Not until we found out that if you attend the event, you will be exempted from the major quiz and performance task in our two subjects.
So in the end, I chose to attend the event. Sa isang araw na iyon gaganapin kaya naman bumili na kaagad ako ngayon ng pang regalo kay Tito Ibarra. Nagsabi na rin ako kay Isaiah na hindi ako makakapunta sa celebration ni Tito. As expected, nagtatampo ito ngayon sa akin.
“You know what? This is really a blessing in disguise, Azi! Ang hirap kaya magpagawa ng performance task ng mga professor na ‘yon! Tapos aattend lang tayo, exempted na!" Kelly keeps on giving me the positive side of attending.
Naroon pa rin kasi ang pag-aalinlangan ko. Although I already gave my decision, I still feel kinda guilty about not being present on Tito Ibarra's birthday.
“Nasaan na ba sila? Punta na raw tayo sa hamlet hall eh."
Harvey and the others are still not here. Kailangan na naming umakyat sa 5th floor para sa next subject.
“Ewan ko nga eh, dito ka muna titingnan ko lang sila sa ibaba," mabilis na nagpaalam sa akin si Kelly.
Naiwan naman akong mag-isa sa 3rd floor. Madalas nandito ang mga biology students dahil dito nakalagay ang laboratory nila. So most of the time, the floor is empty dahil sila lang naman ang gumamit.
I was patiently waiting near the biology lab. Minutes have passed but my friends are still not coming. I decided to go down as well, but before I could ever do that, someone grabbed my hand.
Muntik pa akong mapatalon sa gulat.
“Ms. Perez," bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Sir Castro.
“S-Sir," parang instinct na binawi ko sa kaniya ang kamay ko. I don't even know why he has to hold me.
“Ba’t mag-isa ka lang dito?” tanong niya. He looks like he's about to go to his class.
"Hinihintay ko po sina Kelly."
“Ganoon ba? Gusto mo sumabay ka na sa akin? Papunta rin ako ng 5th floor.”
Kaagad akong umiling sa kaniya.
"H-hindi na po, Sir. Baka hanapin ako nina Kelly.”
Nakita ko ang pagtatangis ng bagang nito na parang may kinagagalit. Kaagad akong nag-iwas ng tingin.
"Bakit palagi ka na lang tumatanggi sa akin? Malapit na akong magtampo sa'yo,” pagbibiro niya. But I just can't find the humor.
Pinilit kong ngumiti kahit gustong-gusto ko na lang na umalis na siya ngayon sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: