Chapter 7

10 2 2
                                    

“You are not acting like a boyfriend to Mia!" I told Isaiah kinabukasan nang sunduin niya ako sa bahay.

I saw him heave a deep sigh.

“Hindi naman siya nagrereklamo," mahinang aniya.

Hindi ko maiwasang matawa ng pagak. I didn't know that he could be this jerk. Mia and I aren't friends and we are not even that close, but I am good enough to speak for her feelings.

“Alam mo, kung hindi ka pa handa sa relasyon, dapat hindi ka na lang nanligaw kay Mia.”

"Okay I'm sorry,” he said in defeat. Nakita niya siguro kung gaano kasama ang tingin ko sa kaniya ngayon.

"Start treating her like a girlfriend, kung hindi mo kaya, just break up with her.”

Napatingin naman siya sa akin, ‘yung tingin na parang may malabo sa mga sinabi ko.

"Paano ko naman gagawin ‘yon?”

"Edi syempre sunduin mo sa bahay! Sabayan mo kumain at maging sensitive ka sa mga sinasabi mo sa kaniya.”

"Kung gagawin ko lahat ‘yan? Sinong kasabay mo pumasok at kumain?”

I was a bit astounded. He always has that soft voice whenever he wants me to understand his point. I hate the fact that I didn't know what to do as well.

Bakit ba parang responsable pa ako sa relasyon nilang dalawa? Sakit ng ulo talaga itong si Isaiah.

Nang sumapit ang lunch, pinilit ko si Iredessa na sabay kaming kumain. Isaiah was looking at me but didn't say anything. Nakita ko silang magkasama pumasok sa canteen ni Mia.

That made me relieved, hindi na ako nagu-guilty kagaya kahapon.

“Sabay ulit tayo umuwi!"

Iredessa almost rolled her eyes on me. Ngumiti lang ako ng malapad sa kaniya. Kahit naman kasi introvert itong tao na ito, nakakausap pa rin naman siya ng matino kahit papaano.

Hindi ko na nakita sina Isaiah dahil umalis na ako kaagad doon kanina.

While we were walking to the tricycle terminal, I saw Isagani walking in front of us. Parang mabilis na nagliwanag ang mata ko dahil doon.

“Isagani!" tawag ko rito. Hinila ko si Iredessa para makahabol kami kay Isagani sa paglalakad.

Nang magkapantay-pantay kaming tatlo, kunot-noong dumako sa amin ang paningin ni Isagani.

“Sabay kami ha?" ngiti ko rito.

Suminghal lamang siya.

“Bahala ka,” saad nito at nag-iwas ng tingin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Aba bakit hindi siya nambabara ngayon? Normally kasi babarahin lang niya mga sinasabi ko. Pero ngayon, pumayag kaagad.

Saka mild lang ‘yung kasungitan niya ngayon kaya parang nakakagulat.

“Bait mo ngayon ah? Anong nakain mo?" bumaling sa akin si Isagani na parang iritado. May mga pagkakataon din naman na nagsusungit ng ganito si Isaiah kaya immune na ako.

Hanggang sa makarating kami sa sakayan, puro pangungulit lang ang ginawa ko kay Isagani. Kunukulit ko rin si Iredessa pero tahimik lang din siya.

Napabuntong-hininga ako.

Bagay silang dalawa, parehong seryoso sa buhay!

Buong linggo ay ganoon ang naging sistema namin ni Isaiah. Hindi ko na rin siya masyadong nakakausap dahil tuwing break time, pumupunta si Mia sa classroom namin kaya tinutulak ko si Isaiah papunta sa kaniya.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon