Chapter 9

10 2 7
                                    

“Merry Christmas," bati ni Isaiah at ibinigay sa akin ang regalo niya.

“Merry Christmas," bati ko rin sa kaniya. “Ngayon ka lang ulit napadalaw ah?" dagdag ko.

It's been more than a week since I last saw him, nung nag overnight siya dito ang huli. Simula noon wala na ulit siyang paramdam sa akin.

“Nabusy lang. Tinutulungan ko kasi si Papa sa negosyo niya."

I nodded at him. I also heard about his father's newly opened furniture shop. Halata kasing mahilig talaga roon si Tito Ibarra. You can notice it from the design of their house, it's a combination of modern and spanish era houses.

“Bakit namiss mo ako noh?" panunukso ni Isaiah. Inirapan ko lamang siya.

I can't deny that I really missed this person. Nakasanayan ko na kasing magkasama kami palagi all throughout high school. Kaya naman sa loob ng higit isang linggong hindi ko nakita ni anino niya, aaminin kong namiss ko nga siya.

“Dyan ka lang mamaya ka umalis."

Dali-dali akong umakyat sa kwarto at kinuha ang painting na ilang araw ko ring pinagkaabalahan. I already covered the canvass so that he wouldn't easily see what's inside. It's a picture of sunset in the sea. Isaiah likes the sea the most so I know that he will like this painting.

“Regalo ko," inabot ko sa kaniya ang canvass.

Nakita ko kaagad ang lapad ng ngiti niya.

“Pinaglalaanan mo talaga ako ng oras noh?"

“Bahala ka riyan, umuwi ka na baka hinahanap ka na ni Tito.”

Nanatili pa siya roon saglit para mang-asar nang mang-asar. Napagod din kalaunan dahil hindi ko pinapatulan. Nasa grocery si Mama ngayon dahil marami pa rin ang namimili kahit kahit araw na ng pasko.

Kagabi, we only prepared some food for Christmas eve. Hindi na rin namin hinintay ang hatinggabi. I wasn't that excited though, hindi kagaya nung bata ako na palagi akong excited tuwing pasko.

Hindi na nga ako makatulog noon kakahintay.

Pero kagabi, I was just lying on my bed, staring at the ceiling. Maingay sa labas ng bahay dahil sa mga torotot ng mga bata. May mga nagpapaputok na rin kahit hindi pa bagong taon.

Dati ayos lang kahit napakaingay tuwing ganito ang okasyon. Pero ngayon, I was really irritated with the noise. I realized that things changed as time passed by.

Siguro tumatanda na talaga ako.

Dumating ang bagong taon at ganoon pa rin. Mas pinilit kong gawing espesyal ang okasyon na ito because I feel like this is going to be the last time. I told my mother that we should wait for midnight. Mas marami rin kaming hinanda ngayon kumpara nung pasko.

“Happy new year!"

It was so noisy and alive outside. My mother was laughing at my reaction. Kumain lang kaming dalawa at pagkatapos ay nagpahinga na rin.

She hugged me tight.

“Thank you, anak," she whispered. I smiled at her and went to my room.

There's agony in my chest. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. I couldn't even sleep because it's still noisy outside. We still have five days before regular classes return.

But I don't know if I would still be able to enjoy that.

“Hay grabe kapagod ang byahe! Ang traffic pagdaan namin ng Laguna!” reklamo ni Tita Ofelia nang makaupo ito sa sofa.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon