Chapter 5

7 2 2
                                    

“So girlfriend pala ‘yon ni Isaiah?” Iredessa asked while we're eating.

"Yeah,” tamad kong tugon.

Sumulyap ako kay Isagani na kumakain malapit sa table namin. I saw him a while ago, napatingin siya kay Iredessa bago siya humanap ng makakainan.

"Akala ko ikaw gusto niya.”

Wala sa sariling napalingon ako kay Iredesa.

"Sino?”

"Si Isaiah.”

Muntik ko nang maibuga ang kinakain. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.

"We're best friends!”

"Ganoon din ba tingin niya sa’yo?”

I can’t believe her. I know Iredessa is the serious type, but I didn't know that she could be this straightforward.

And never in my life did ever come to my mind an idea of Isaiah liking me. Ganoon kami pareho. Four years have passed, but we still remain best friends. Hindi na magbabago ‘yon.

“Of course! Magkaibigan kami ni Isaiah dati pa."

Nagkibit-balikat siya at sumubo ulit ng pagkain. I continued eating as well. Akala ko hindi na siya magsasalita.

“I just feel na iba ang tingin ni Isaiah sa’yo," she said without looking at me.

“Well kung ano man ‘yang nafe-feel mo, you’re wrong. May girlfriend na si Isaiah ngayon."

Tumango na lang siya at hindi na dinagdagan pa ang sinabi. Napaisip naman ako bigla.

Sa loob ng apat na taong pagkakaibigan namin, ni minsan ay hindi naman nagparamdam sa akin si Isaiah na gusto niya ako.

Yes he brings my bag, waits for me to school and brings me food but those are just friendly acts! Wala akong nakikitang mali roon. Others think that we have a relationship, but we would always deny it because it's not true.

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain at bumalik rin ng classroom matapos ang lunch break.

Ganoon din ang nangyari sa sumunod na  linggo. Hindi na kami nagkakasabay pumasok at umuwi ni Isaiah dahil kasama niya palagi si Mia. I know this is going to happen kapag nagka-girlfriend siya. I've prepared myself for this. Pero minsan, hindi ko pa rin maiwasang manibago.

“Si Isaiah?" I asked Mia. Nandito ako ngayon sa hallway at naghihintay sa kaibigan.

May kailangan kasi akong itanong sa kaniya tungkol sa practical research na gagawin namin. I wasn't able to ask him kanina kasi mabilis siyang nawala.

"Ah… h-hindi ko kasi alam kung nasaan si Isaiah. Ite-text ko pa nga lang,” she said and then looked away.

I creased my forehead.

"Ganoon ba? Akala ko magkasama kayo.”

I walked away. Starting to get pissed again. Buong linggo ko siyang hindi mahagilap man lang. Wala rin kaming oras mag-usap dahil tuwing recess at lunch break ay nakadikit sa kaniya si Mia. Ayoko naman sumama sa kanila.

Napabuntong-hininga na lang ako at nagpasya nang umuwi.

I was already at the school gate when I saw Kael and Gregory. They immediately waved their hands to me.

“Yo, Azi!" pagbati sa akin ni Kael. I smiled at him.

“Pauwi ka na?" si Gregory.

“Oo eh, kayo ba?"

“Hinihintay pa namin sina Liam."

Napatingin ulit ako kay Kael.

"Pati ba si Isaiah?”

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon