Chapter 33

13 1 8
                                    

I was about to cry because of the stares people around me give. But I was shocked to see Isaiah waiting outside the school. Nakaupo siya sa sariling motor at mukhang bagot na bagot.

Mabilis ko namang pinahid ang luhang nagbabadyang tumulo.

“Bakit nandito ka?"

Napaangat naman kaagad ang tingin nito sa akin at umayos ng upo. Ngumiti siya ng matamis sa akin, hindi sinagot ang tanong ko. Nanatili naman akong nakakunot ang noo.

“Wala ka bang klase?"

“Tapos na."

Naningkit ang mata ko sa kaniya. I wasn't informed about his schedule so I'm not sure if he's really telling the truth. I'm afraid he might have skipped class just to go here. But anyway, I know Isaiah values his study just like me. I don't think he will pababayaan niya ang pag-aaral niya.

“Susunduin na kita palagi para makasiguro akong ligtas ka."

Kaagad akong napaiwas ng tingin sa sinabi niya. I want to protest. He's been spending enough time for me the past months. Maraming bagay ang hindi na niya nagagawa kasi mas pinipili niya akong samahan.

“‘Wag ka na mag-inarte, konsensya ko pa kapag napano ka," he added as if he's reading what's on my mind.

The whole ride, I was dead silent. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kanina. I know it's not going to be easy. Palaging may mga taong hindi ka mauunawaan ang pinagdadaanan mo. Hindi ko sila masisisi. I just can't accept the fact that some of them are even blaming me for what happened. As if it was my fault. Na parang ginusto ko iyon.

“Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko kay Isaiah nang makitang bumaba rin siya ng motor at sumunod sa akin papasok ng bahay.

“Mamaya na, maaga pa naman."

Hindi na ako umangal. Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin.

“Marami akong gagawin ngayon kaya manahimik ka lang diyan," saad ko rito bago ako umakyat ng kwarto.

“Yes, boss!" Napailing na lang ako nang sumaludo pa siya sa akin.

Mabilis naman akong nagtungo sa kwarto at nagbihis. Nakasalubong ko pa si Leanna subalit hindi ko na ito pinansin. Nang bumaba ako muli sa salas, dala dala ko na ang sangkatutak na mga papel, libro at notebook na kailangan kong tapusin at isubmit kaagad.

Napatingin naman sa akin si Isaiah nang maupo ako sa harap niya.

“Ang dami ah?"

“Ang dami kong namissed na mga activities eh."

Ang sabi ng mga professor ko, kailangan ko pa rin daw magpasa ng mga ito kasi hindi sapat iyong special exam para maisalba ang grades ko. So I have to grind on this. Pagtatiyagaan ko na, kaysa naman umulit ako ng sem.

Hindi nagtagal, nakita ko rin si Isaiah na naglabas ng libro niya. He started reading but I can feel him glancing at me every minute.

Sinimulan kong unahin ang mga madadaling gawin. Subalit nakakaisang oras na ako, hindi pa ako nangangalahati sa mga gawain.

“Azi…” maya maya ay narinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Isaiah. Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. "Hindi ka ba kakain? Gabi na.” Tumingin ako sa labas ng bintana at napagtanto na madilim na pala sa labas.

Halos hindi ko namalayan ang oras sa dami ng ginagawa.

"Mamaya na lang, tapusin ko lang itong isa.”

Napapadalas na ang pagpapalipas ko ng gutom nitong mga nakaraang araw. Sa isang araw nga ay parang isang tinapay lang ang kinakain ko. May mga pagkakataong nakakaramdam ako ng gutom, but I don't have the energy to tend to myself.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon