“Kaya pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko kasi kasama mo ‘yong lalaking ‘yon," mapaklang saad niya sa akin.
Tumigil kami saglit sa may tapat ng 7/11 sa tabi ng highway.
“S-sinabi ko naman sa'yo, nagkaayaan mga kaklase ko sa coffee shop. Minsan lang naman, Isaiah."
Umismid siya sa akin. I frowned. I couldn't really understand why he was in such a bad mood.
“Nagchat naman ako sa'yo, sabi ko huwag mo na ako sunduin," dagdag ko pa.
Lumingon siya sa akin, parang iritado.
“Ah talaga? Tapos doon ka sa Harvey na ‘yon magpapahatid?" masama ang tingin na ibinibigay niya sa akin ngayon.
Bumaba siya sa motor at dumiretso sa loob ng 7/11. I sighed and immediately followed him.
I couldn't really understand why he's so irritated. Kanina pa rin masama ang tingin na ibinibigay niya sa akin. What have I done wrong to make him so mad?
Pagkapasok ko sa loob, nakita ko siyang kumukuha ng dalawang cup noodles doon.
“Gusto mo?" tanong niya.
Kaagad akong umiling.
“Busog pa kasi ako–”
Iritado niyang binalik ang mga cup noodles at naglakad papunta sa beverages section. I followed him again, trying to read his expression. He remained looking irritated while paying for the drinks.
“Ano ba kasing problema mo?" hindi ko na napigilang magtanong nang makalabas kami.
Lumingon siya sa akin, pero umirap lamang at mabilis na naglakad pabalik ng motor niya.
My jaw clenched in annoyance. He gave me a glance when he noticed that I'm still standing there.
“Sakay na,” he said, his brows furrowed.
"Magco-commute na lang ako kung ganiyan ka,” saad ko at tumalikod. I started walking towards the near terminal.
Bahala siya sa buhay niya. Napaka-arte. What's it that's making him act like that? Yung pagsama ko ba sa mga kaklase? As if it's illegal for me to join my classmates to have fun. Nagsabi naman ako sa kaniya, tapos galit pa rin.
“Azi!" mabilis siyang humabol sa akin at pinigilan ako sa paglalakad.
“Umuwi ka na! Sasakay na lang ako sa iba!" painis kong saad.
I saw his expression softened. Napalitan na iyong iritadong mukha niya kanina. Now, he looks like he's pleading.
"Sorry,” aniya. Humigpit ang hawak nito sa kamay ko.
Napabuntong-hininga naman ako.
I can't keep getting angry now that I'm seeing his face like that. Para siyang maamong tupa ngayon na natatakot na magalit ako.
“Ano ba kasing problema mo?" kalmado kong natanong.
Since we were in Sariaya, he looked irritated and not in the mood. I can't talk to him normally because he won't speak nor talk.
Ngayon hindi siya makatingin ng diretso sa akin. He sighed and let go of my hand.
“Nainis lang ako kanina nung nakita kitang may kasama," he confessed.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
I was left astounded, on the other hand. Ano bang dapat kong sabihin? Ni hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang reaksyon ko. At kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: