Chapter 3

14 2 4
                                    

“Azi, ito nga pala si Mia…”

A week after Isaiah asked my opinion about him having a girlfriend, heto siya ngayon at pinapakilala sa akin ang girlfriend niya.

Napaawang ang labi ko at nagpabalik-balik ang tingin sa kanila. I didn’t expect na ganito kabilis siya makakahanap ng kasintahan. Although hindi naman na ako magtataka kasi marami ring nagkakagusto kay Isaiah. Galing siya sa pamilya ng magagandang lahi.

But still, hindi ko pa rin inasahan na ganito kabilis.

“H-hi!” mabilis kong inabot ang kamay ni Mia para makipag-shake hands. This is the girl that I saw him talking with in Kael’s car.

Tinitigan ko ang babae at pasimpleng pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Maliit siyang babae pero sexy ang katawan. Mahaba ang buhok at marunong magmake-up.

I lifted my eyes on Isaiah and forced a smile.

“So si Mia pala ‘yung sinasabi mong babae last time?”

He just stared at me as if he’s reading my expression.

“Palagi kitang naririnig sa mga kwento ni Isaiah. Totoo nga yung sinabi niya na may maganda siyang bestfriend,” Mia smiled at me sweetly.

I stared at her face. She seems fine naman. I know I told Isaiah that I’m gonna support him with this one. So let’s see what will happen.

“Mabuti naman at hindi ako sinisiraan nito sa’yo?” tumawa ako at muling nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Tumigil ang paningin ko kay Isaiah. “Mabuti naman at may girlfriend ka na sa wakas. Hindi na ako mamomroblema sa’yo.”

His girlfriend laughs. Nagtagal pa ako ng ilang minuto doon upang maging komportable sa akin si Mia. Nakipag-usap saglit para mas makilala siya.

“Sige na mauuna na ako sa inyo,” pagpapaalam ko kalaunan.

“Hindi ka sasabay sa amin?” tanong ni Isaiah. Pinanlakihan ko naman siya ng mata.

Eto na girlfriend mo oh? Ayoko maging third wheel!

“Hindi na, mukhang may lakad pa kayong dalawa. Sige bye!”

Mabilis akong umalis sa harap nila para hindi na makipagtalo sa akin si Isaiah. I’ve been thinking about this before. Isaiah and I have been really close ever since we became friends. Minsan ay napagkakamalan pa kaming magkasintahan.

Ngayong may girlfriend na siya, I know I should step back a little bit. I want to respect his girlfriend.

Mabilis ang martsa ko sa kalsada sa labas ng Buenaventura. Ang problema talaga sa school na ito, hindi siya nakalocate sa highway kaya kailangan mong maglakad ng medyo malayo papunta sa sakayan.

Parang nagliwanag naman ang mata ko nang makita si Isagani na naglalakad sa unahan. Mabilis pa sa alas otso na naglakad ako hanggang sa makasabay siya.

“Hi!” masigla kong bati.

Tinapunan niya lang ako ng tamad na tingin.

“Pwede makisabay?”

“Bawal.”

My jaw almost dropped with his immediate answer. Grabe hindi man lang talaga nagdalawang-isip.

“Ayy ang sungit, makikisabay lang eh.”

“Ang daming naglalakad na estudyante, ba’t ‘di ka sa kanila makisabay?” tamad niyang saad.

Sobra na talaga ang kasungitan ng lalaking ito! Daig pa niya ang babae kung magtaray.

“May girlfriend na pinsan mo ah?” pag-iiba ko ng usapan.

“Pakialam ko?”

“Grabe!”

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon