Chapter 34

11 1 2
                                    

Before I completely passed out, I could still clearly remember what happened at that time. Mia was arguing with me that it eventually led to getting physical. She pushed me, but it's not a push that would usually make you unconscious if you fall. I was just so dizzy that time and my body is not in a good condition.

When I woke, I realized I'm not in the school clinic. I'm in a hospital, lying in the cold, white sheets of the facility. Si Isaiah ang unang bumungad sa akin at nakitang nagtitipa ito sa kaniyang cellphone.

“Isaiah…” I called him with a weak voice. Pinakiramdaman ko ang katawan ko, hindi na ako nanghihina at nahihilo kagaya kanina.

Kaagad namang dumapo sa akin ang nag-aalalang tingin ng lalaki. Nagmamadali itong lumapit sa akin.

"Bakit dinala mo pa ako rito? Dapat inuwi mo na lang ako sa bahay, kulang lang ako sa pahinga.”

Tinulungan niya akong makabangon sa higaan saka umupo sa harap ko.

"Hindi tayo dapat makampante, paano kung may ibang dahilan pala ‘yan? It could be dangerous for you…”

I know he's concerned, but I just rolled my eyes on him. A lot of people faint because of lack of sleep, eating and rest. It's normal.

"Ikaw ba nagdala sa akin dito? Paano mo nalamang nawalan ako ng malay?"

“Tinawagan ako ng kaibigan mo."

Napatango ako. It could be Kelly. I remember Kelly told me last time that she added Isaiah as a friend on Facebook. Kaya siguro may contact na ito sa kaniya.

“Hindi ko na sila pinasama dahil may klase pa kayo. Alam na rin naman ng professors mo kaya huwag ka na mag-alala."

Napatango naman ako sa kaniya at nagbaba na lamang ng tingin sa magkapatong kong kamay. I'm worrying about my absence in class today. Ayoko na sanang madagdagan pa ang mga absent ko dahil naghahabol ako ng grades. Kaya nga kahit hindi na ako nakakakain at nakakatulog ng maayos ay pumapasok pa rin ako.

After a couple of minutes, the doctor came. I find it a little bit weird when she smiles at me. Although maybe it's a good thing, maybe she will bring good news.

“Are you the guardian of Ms. Perez?” tanong nito kay Isaiah.

"I'm her friend po.”

Tumango sa kaniya ang doktor saka muling bumaling sa akin.

"Well we've already conducted the test, there's nothing to worry about, Ms. Perez. You're just exhausted.”

Napatingin kaagad ako kay Isaiah at bahagyang ngumiti. See? I'm just tired. Dapat hindi na niya ako dinala rito, sayang lang pera.

"I recommend you should have proper sleep and eat healthy foods. Don't skip your meals, Ms. Perez. You need more nutrition in your body. And please… take care of yourself, don't stress yourself too much. Makakasama iyon sa baby.”

I was literally listening to her intently, putting a small smile and giving her small nods for her to know that I'm listening. I perfectly understand everything she says.

Not until I heard the last sentence.

“A-ano po?"

Kusang nawala ang ngiti sa labi ko.

“Is this the first time that you went to the hospital?" tanong sa akin ng doktor, still putting an enthusiastic smile on her face. “You are 12 weeks pregnant, Ms. Perez. Congratulations."

Wala sa sariling napatingin ako sa aking tiyan at natulala. Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod pang sinabi ng doktor, wala na akong maintindihan. Ramdam ko ang sobrang bilis na tibok ng puso ko. Labis ang nararamdaman kong kaba sa mga sandaling ito.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon