Chapter 36

35 1 2
                                    

Surprisingly, days became easier for me because of Isaiah. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nailang sa kaniya pagkatapos ng confession niya sa akin. Aminin ko man o hindi, ramdam ko ang kakaibang tuwa sa dibdib ko dahil sa ginawa niyang pag-amin.

He never failed to visit me in the house everyday, bringing me foods.

I was really sad because I couldn't continue going to school anymore. Pwede pa naman sana, my tummy is not yet visible but I know I wouldn't be able to continue it anymore. Hindi na ako makakapag focus sa pag-aaral.

I'm not yet giving up my dreams. After I solve this problem, I'll find a way to get back to school.

“Asan na ngayon ‘yang kayabangan mo? Mabubuntis ka rin naman pala ng maaga," ngumisi sa akin si Leanna habang nakasandal ito sa pader.

Napatigil naman ako sa pagtitimpla ng gatas at bumaling sa kaniya. I'm contemplating if I should throw this glass at her or just let her be as useless as she is.

“Hindi ko kailangang makipagtalo sa mga walang utak," I said nonchalantly.

Manang-mana siya sa nanay niya. They never understand the word ‘raped’. They never know how to show sympathy towards their relatives. Maiitindihan ko pa si Tita kasi wala siyang pinag-aralan, pero itong si Leanna, she's college undergraduate. How come she couldn't understand my situation?

Kita ko naman ang inis na bumakas sa mukha nito dahil sa sinabi ko. She was glaring at me when I started to walk towards the living room.

Mabilis niya akong sinundan at tinulak sa balikat. I was shocked, the glass of milk slipped from my hand. Nabasag ito at nagkalat sa sahig ang gatas.

“Ang tapang mo pa rin ano? Ano pa bang maipagmamalaki mo? Wala ka na rin namang mararating sa buhay." Nagpatuloy ito sa pang-iinsulto sa akin.

I can only give her blank stares.

“Who gave you that idea? Nanay mo ba? Kunsabagay, sanay na kayo sa ganiyan kasi wala rin naman kayong narating sa buhay."

Ako pa ba ngayon ang nagmamataas? Nanahimik ako pero panay ang pagpaparinig nila sa akin. Is it my fault that I've come up to this situation? Bakit parang kasalanan ko pa?

Kita ko naman sa mukha niya ang matinding pagkainis niya sa akin. Akmang susugurin niya ako subalit biglang dumating si Isaiah.

“Leanna!" galit nitong tawag sa babae.

Natigilan naman si Leanna at gulat na tumingin sa kaniya. Mabilis na naglakad si Isaiah sa gawi ko at hinawakan ako sa kamay. Dumapo ang masamang tingin niya sa pinsan ko.

“I-Isaiah—"

“Who gave you the right to hurt her?" agresibong tanong niya sa babae. Kita ko naman ang panunubig ng mata ni Leanna. “Your cousin is in a fragile condition right now. Imbes na tulungan ay pinapahirapan niyo pa siya!"

“H-hindi naman sa ganoon, Isaiah —"

“Anong hindi sa ganoon? I saw you! You were about to slap her!" tumaas ang boses ni Isaiah at halatang galit. “Ipapaalala ko lang na hindi niyo bahay ito. Kaya wala kayong karapatang magmataas."

Hinila niya ako paalis doon habang bakas pa rin ang galit sa mukha. Nang makarating kami sa kwarto ko, saka niya lang ako tuluyang binitawan.

"Pack your things, Azi. Doon ka na muna ulit sa bahay tumuloy,” saad niya.

"Ayos lang ako, Isaiah. Hindi na kailangan—”

"They keep on bullying you, Azi! Hindi ako mapapakali na ganoon ang pagtrato nila sa'yo.”

Isaiah looked really pissed. No matter how much I explain, hindi ko siya napilit na kaya ko namang magtiis dito. In the end, nasunod pa rin ang gusto niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon