Chapter 4

8 2 1
                                    

“Naku Isaiah, nag-abala ka pang dalhan niyan si Azi, ini-ispoil mo masyado itong batang ito,” saad ni Mama habang inilalapag sa mesa ang paglalagyan nitong ramen. Tatlo ang binili ni Isaiah kaya tig-iisa kami ngayon.

“Saka hindi mo naman kailangang magdala nito,” reklamo ko sa kaniya.

“Sabi mo nagc-crave ka sa ramen?”

Akma ko siyang babatukan, mabilis naman siyang umiwas habang tumatawa.

“Oo nga pero hindi mo kailangang mag-abala pa para dalhan ako nito.”

“Ano ibalik ko na lang ba?” astang ibabalik niya sa supot ang mga binili niya subalit mabilis ko siyang pinigilan.

Tumatawa siyang tumingin sa akin.

"’Wag na! Andyan na eh!”

Nagsimula na kaming kumain. Hindi katulad dati, medyo tahimik ngayon si Isaiah at wala masyadong kinukwento. Nagtataka ako subalit hindi muna ako nagtanong dahil nasa harap pa namin si Mama.

Nang matapos kaming kumain, si Mama na rin ang nagpresintang maghuhugas ng pinggan, tapusin ko na raw ang ginagawa ko sa taas.

Dumiretso ako sa labas at sinilip kung naroon pa ba si Isaiah.

Naabutan kong nakaupo siya sa gilid ng kalsada at nakatitig sa mga sasakyang dumaraan.

“Uyy," pagkuha ko ng atensyon niya.

Lumingon naman kaagad ito sa akin.

“Kanina ka pa tahimik ah?"

Tumaas ang kilay niya sa akin.

“Parang ngayon mo lang ako nakitang tahimik ah?"

Yeah, I've seen him like this multiple times. Mapapansin ko kaagad dahil hindi naman talaga siya ganito palagi.

"May bumabagabag ba sa isip mo?”

I can see his forehead creasing many times since he came here. Kakaiba sa normal na ugali niya na madaldal at palabiro.

Umiling lamang siya.

“Nah, napagod lang siguro ako ngayong araw."

Tumango lamang ako. I didn't know what he did or where he went to after classes, nagkahiwalay na kasi kaming dalawa kanina.

“What about Mia?"

“Hinatid ko na pauwi."

Umupo ako sa tabi niya at tumitig din sa mga sasakyang dumadaan sa unahan. I can see him staring at me.

“Kailan pala naging kayo? Grabe ginulat mo ‘ko ah. May girlfriend ka na pala."

“Last week."

I lifted my eyes on him, I couldn't understand why his forehead was creasing too much, as if something's bothering him. Ang iikli rin ng mga tugon niya sa akin.

“Siguraduhin mo lang na seryoso ka riyan ha," may tunog ng pagbabanta ang tono ko.

I remember him before courting a girl of our age. Pero wala pang isang linggo tumigil din siya kaagad, katwiran niya hindi pa raw pala siya handa. Umasa tuloy ‘yung babae.

Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip ay nakapamulsa siyang tumayo. Sinundan ko naman siya ng tingin.

“Uuwi ka na?"

“Yeah, pasok ka na sa loob."

He smiled warmly, hindi ko naman maiwasang mag-alala ng bahagya. I feel like something's off with him today.

I've asked him already, hindi niya sasabihin kung ayaw niya.

The next morning, friday. Thank God it's friday. I can have the weekend to rest and do other things rather than school.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon