When I woke up, I just found myself inside Isaiah's room. Napatingin ako sa paligid at nakita sa wall clock na hapon na pala. Nang subukan kong bumangon, naramdaman ko kaagad ang sakit sa ilang bahagi ng katawan ko.
“Azineth!” kaagad na lumapit si Isaiah sa akin ng bumukas ang pinto. I can see concern in his eyes, he roam his eyes around my face, touching my swollen cheeks. "What happened?”
The moment he asked me, I burst into tears. Sa sobrang lakas ng hagulgol ko, pakiramdam ko ay rinig na iyon hanggang sa kabilang kanto.
Isaiah looks confused and terrified at the same time. He doesn't know what to do. Maging ang hawakan ako ay parang natatakot siyang gawin.
"A-Azi…" natataranta niyang tawag sa akin.
In the end, he chose to hug me tight. Ibinaon niya ang mukha ko sa dibdib niya at doon ako umiyak nang umiyak.
I remembered what happened last night. Until now I can still remember the horrifying touch of that man. Even now, I can still clearly hear his disgusting groans. Until now, I can still feel his disgusting touches on my skin.
Scared, I immediately covered my body using the blanket. Parang napatulala si Isaiah nang makitang ginawa ko iyon.
Sa gitna ng pagluha ko, nakita ko ang pagluhod niya sa sahig habang nakatingin sa akin. Nasa kama ako nakahiga kaya halos magpantay lang ang tingin namin.
"Azi… anong problema?" he asked me for another time.
But I just can't find the right words to tell him. How can I tell him? It's something that's too hard to think and believe.
“Anong nangyari kagabi? Magsalita ka, Azi!" hinawakan ako nito sa braso at pilit na pinapaharap sa kaniya.
I can see his frustrations, but his eyes softened while wiping the tears from my eyes. He sighed and made himself look calm.
“Please, Azi. Anong nangyari kagabi?"
Naihilamos niya ang palad sa mukha nang wala pa ring nakuhang tugon sa akin. Muli niya akong hinila upang yakapin.
"I'm sorry if I'm not answering your calls. I'm sorry–”
Sa sinabi niya, mas lalo lamang akong napahagulgol. I remember calling him before that bullshit thing happened. I remember calling him because I want to go home already. But he did not aswer. I call him many times but he did not respond.
Nagulat siya nang makita ang bahagyang paglayo ko sa kaniya. I covered my face using both of my hands, I can't suppress my cries. It hurts too much for me.
Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, inipon ko lahat ng lakas ng loob na meron ako bago nagsalita.
“I was r-raped," I confessed. My throat and eyes hurts too much from crying. I've been crying since last night. The pain just keep on adding.
“W-what?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Natulala siya sa sinabi ko at wala sa sariling napaupo siya at parang muntik pang matumba. His lips parted, forehead creasing as if there's something weird with what I said.
“W-what?" he repeated.
Kita ko ang paggala ng tingin niya sa kabuuan ko. Sa magulo kong buhok. Namumugto kong mata. Namamagang pisngi. Mga kaunting galos sa braso at gusot-gusot na damit. Paulit-ulit niyang pinagmasdan ang kabuuan ko na parang may parte sa kaniya ang hindi ang makapaniwala.
“I keep on c-calling you!" I shouted in anger. Although I know it wasn't really his fault, I can't stop myself from getting angry. Or maybe I'm just trying to find someone to blame, so that it won't be completely my fault.
Or is it really my fault that I was raped? Did I do some sort of provocation? No. I did not.
Mula sa pagkatulala ay nakita ko ang isang patak ng luha na umalpas mula sa mata ni Isaiah.
“A-Azi…” lumapit siya sa akin at mabilis akong niyakap. "I'm s-sorry,” he said.
Lumakas ang hagulgol ko sa paulit-ulit niyang paghingi ng sorry. Why does it have to hurt so much? Why do I have to suffer this much? I've already lost my mother… this is just too much.
Paulit-ulit na hinagod ni Isaiah ang buhok at likod ko na parang pinapakalma ako. When the sound of my cries toned down, he made me face him again. I can see his eyes getting red.
“Sinong gumawa sa'yo niyan?" matapang niyang tanong. I can see the anger in his eyes.
It takes me so much courage to tell him who was the devil. There's no point of hiding it. Why would I hide it? I know I will die in depression if didn't tell this to anybody.
Nang sabihin ko sa kaniya kung sino, tumayo siya at pinahid ang mukha. The anger in his face was replaced by his cold expression. It was so unfamiliar to me that it got me curious for a second if have I ever seen him this scary.
“S-saan ka pupunta?" tanong ko nang magsimula siyang maglakad paalis.
He stopped and stared at me using that cold expression.
“Hindi ko hahayaang mabuhay ‘yang putanginang gumawa niyan sa'yo."
He left the room. Natulala ako sa sinabi niya na parang hindi ko kaagad iyon naunawaan.
“I-Isaiah!"
It was already too late. Narinig ko na lamang ang tunog ng paalis niyang motorsiklo sa ibaba. Natataranta akong bumaba ng kama para sundan siya. Ilang beses pa akong natumba sa pagmamadali dahil naroon pa rin ang panghihina sa buong sistema ko.
Mabilis kong pinahid ang luha at humanap ng masasakyan. I was really scared. Ngayon ko lang nakita na ganoon si Isaiah. The look in his eyes is something new to me. It's scary.
Nang makarating ako sa CSTC, nagkukumahog akong pumasok sa gate kahit na tinangkang kuhain ng guard ang ID ko. Sa unahan pa lang ng building, natanaw ko na kaagad ang nagkukumpulang mga tao sa paligid. Maingay ang ilan sa sigawan.
Kaagad naman akong tumakbo papalapit doon. Natakpan ko ang bibig sa gulat nang makita na nakahiga si Sir Castro sa lupa. Nasa ibabaw niya si Isaiah at paulit-ulit siyang binibigyan ng malalakas na suntok. Punong-puno na ng dugo ang mukha ni Sir Castro.
“Tangina mo! Hayop ka! Papatayin kita!" punong-puno ng galit ang boses nito habang patuloy pa rin ang pag-unday ng suntok sa professor.
“I-Isaiah!" pilit ko siyang hinihila paalis doon. I was crying, again. Hindi ko siya mahila dahil mas pursigido siyang bugbugin si Sir Castro.
Miski ang ilang estudyanteng umaawat doon ay hindi siya mapigilan. Hanggang sa may dalawang guard ang dumating at pinagtulungan si Isaiah na alisin sa ibabaw ni Sir Castro.
“Bitawan niyo ako! Papatayin ko ‘yang demonyong ‘yan!” nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa duguang mukha ni Sir Castro. Halos wala na itong malay.
Kaagad ko namang dinaluhan si Isaiah at pilit siyang pinapakalma kahit na ako ay hindi rin matigil sa pag-iyak. Nakita ko pa si Mia na nakatingin sa amin pero hindi ito nagtangkang lumapit.
Sa huli, dinala si Isaiah ng mga guard sa police station. Nakulong siya ng isang araw dahil sa pananakit at panggugulo sa loob ng paaralan. Kaagad ko namang tinawagan si Tito Ibarra dahil hindi ko na alam ang gagawin. Ayaw kumalma ni Isaiah kahit nasa loob na siya ng kulungan.
Nang dumating si Tito Ibarra, doon lang ako tuluyang nagkaroon ng pag-asa.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: