Two weeks had passed since the day Mia confronted me. I know Isaiah talked to her after that day, so I wouldn't be surprised kung hindi na ulit niya ako guguluhin.
“Sakay na,” Isaiah ordered me when I reached the parking space. Nauna na siya rito kanina pa upang tingnan ang bagong bili niyang motor.
"Ayusin mo pagdrive mo ha, sisipain talaga kita,” pagbabanta ko rito.
Mabilis kasing magpatakbo si Isaiah. I know he knows how to drive even before, pero ngayon lang siya binilhan ng motor ni Tito Ibarra para hindi na siya mahirapan magcommute.
"Ikaw na nga nakikisakay, ikaw pa mataray,” reklamo niya sa akin.
"Edi makikisabay na lang ako kina Kael!”
Tatalikod na sana ako pero mabilis niya akong nahila at sinuotan ng helmet. Napatingin ako sa mukha niya habang ginagawa niya iyon. He looks really serious while fixing my helmet.
"Sungit mo.
Kalaunan ay sumakay na rin kaming dalawa sa motor niya. It's a good thing that he slower down his driving pace. Siguro natakot sa banta ko kanina.
Simula nang magkaroon siya ng motor, palagi na siyang nag-aakit gumala sa akin. Sa sabado nga, inaaya niya akong magroad trip daw kami. Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mama kaya hindi pa ako makapayag.
“Nauuhaw na ako," pagpaparinig niya matapos hubarin ang helmet. Nandito na kami ngayon sa labas ng bahay namin.
“Pasok ka muna."
Dumiretso kami sa kusina upang bigyan siya tubig. Parang hindi pa siya masaya sa binigay ko.
"Wala man lang juice?”
"Anak ng! Dami reklamo.”
Tumawa siya nang makitang iritado ako. Naglakad naman ako patungo sa cabinet at kumuha roon ng sachet ng juice. Kaagad ko siyang ipinagtimpla.
"May reklamo ka pa?”
"Wala na,” ngumiti siya sa akin habang umiinom. Kumuha na rin ako ng sarili kong baso at nagsalin doon ng inumin.
We stayed in the kitchen for a couple of minutes. Isaiah kept on laughing while telling me a story. Sariling kwento, sariling tawa din niya.
Hindi kalaunan, pumasok si Tita Ofelia sa kusina. Parang nagulat pa ito nang makita si Isaiah doon. This is the first time that he saw Isaiah.
“May boyfriend ka na pala, Azineth," ani nito at kumuha rin ng juice niya. Titig na titig siya kay Isaiah na parang kinikilatis ito.
“Hindi po, kaibigan lang."
Napatingin naman ako kay Isaiah dahil nawala ang masayang mukha niya kanina. Kita ko ang paglagok niya sa juice matapos tumingin kay Tita.
“Naku hindi ako naniniwalang kaibigan lang," kita ko ang nangungutyang tingin nito sa akin. Palihim na lamang akong umirap. “Ang babae at lalaki, hindi magandang nakikitang magkasama sa iisang lugar. Hindi magandang tingnan."
Naglakad pa ito patungo sa ref at naghalungkat doon ng mga pagkain. Nagkatinginan kaming dalawa ni Isaiah. Kita ko ang hindi pagsang-ayon sa ekspresyon niya.
Kung si Mama nga ay ayos lang na nakikitang magkasama kami palagi ni Isaiah, bakit siya hindi? Anong pakialam niya sa buhay ko?
“Gayahin mo ‘yang pinsang mong si Leanna na puro pag-aaral lang ang inaatupag. Kung puro lalaki ang uunahin mo ay baka hindi ka makaabot ng kolehiyo," tumawa ito na parang pabiro. Hindi ko naman makuhang matawa sa sinabi niya.
Sinasabi niya ang lahat ng iyan sa harap pa talaga ni Isaiah?
“Wala naman po kasing papatol dyan sa anak niyo," mahinang anas ko. Narinig ito ni Isaiah kaya pigil na pigil ang bungisngis niya.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: