Trigger warning: Sexual Harassment
My face is full of tears when Sir Castro finally let go of me. Kinaladkad niya ako hanggang sa makarating kami sa loob ng faculty. This place is three buildings away from the Tourism night venue. Wala ring katao-tao sa building dahil malalim na ang gabi.
“S-Sir…” parang nagmamakaawa kong tawag dito. I keep on crying in front of him, trying to gain mercy from him. I know exactly what he wants when he brings me here.
Nakasalampak ako ngayon sa malamig na sahig nang sandaling bitawan niya ako. Nanatili naman siyang nakatayo roon at tinititigan ako. I can't read the expression he's showing on his face. Or maybe I just can't see it clearly because of so much tears blocking my sight.
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga daliri. I am afraid. I am so afraid right now that I can't think rationally. I can't think of anything that will be good and safe for me at this moment.
Mabilis kong pinahid ang luha sa mukha at tumayo. Walang pag-aalinlangan akong tumakbo papunta sa may pinto. Akmang bubuksan ko ito subalit mabilis akong hinila ni Sir Castro palayo.
"Tulong! Tulong–" mabilis niya ring tinakpan ang bibig ko para hindi na ako makasigaw. Mula sa may pinto ay kinaladkad niya ulit ako at muling isinalampak sa sahig.
Muling bumuhos ang luha ko.
“‘Wag ka nang magtangkang sumigaw, walang makakarinig sa'yo rito," ngumiti sa akin si Sir. Iyong pamilyar na ngiti na palagi niyang ibinibigay sa akin.
“Demonyo ka!" galit kong sigaw sa kaniya.
Tumawa lamang siya sa akin.
“No, I'm not," lumapit siya at umupo sa harap ko. Mula sa paa, naglandas ang mga daliri niya paakyat ng binti ko.
Sobrang pangingilabot ang naramdaman ko sa katawan kaya mabilis akong lumayo sa kaniya.
“Kasalanan ng magulang mo dahil pinanganak kang ganiyan kaganda," ngumisi siya sa akin at umiling-iling habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
Mas lalo akong napaiyak, halos halikan ko na ang sahig habang nakaharap sa kaniya. Ipinagtapat ko ang mga palad na parang nagmamakaawa.
“S-Sir parang awa mo na, k-kailangan ko nang umuwi," pagmamakaawa ko rito habang umiiyak.
Lumapit naman ito sa akin at pinunasan ang luha ko.
“Bakit ka uuwi? May gagawin pa tayo…”
Everything happened so fast. Mabilis ang ginawa niyang pagdukot sa panyong nasa bulsa at itinali ito sa bibig ko. I tried fighting him, but I would only received his slaps. Mas lalo akong nahilo dahil sa ilang beses niyang pagsampal sa akin.
I want to resist but my body is just too weak. Nakahiga ako sa sahig at nanlalabo ang mata sa luha ng maaninag ko siyang tinatanggal ang botones ng suot na damit. Mas lalo akong napahagulgol nang maramdaman ang hawak niya sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
Everytime I would try to resist, I would only receive a slap in return. Hanggang sa tuluyan na akong nanghina. My body couldn't move no matter how much I tried.
And after trying so many times to resist, my body just stayed there, like a wood. Not moving. Nakatulala lang ako habang nararamdaman ang kamay niya sa akin. Buong oras, nakatulala lang ako at lumuluha habang ginagawa niya iyon.
I keep on hearing his groans, labis na nangingilabot ang balahibo ko. But there's nothing I can do anymore. I was trapped with this demon.
I never really thought that I'd be in this situation. Thinking back, what have I done so wrong to be treated like this? Para akong hayop na itrato. What have I done to experience this?
Patuloy lang na tumutulo ang luha ko habang nakatulala. I don't know how long it was. It honestly felt like a year to me. After I heard his satisfied groan, nakita ko na lang ang pagtayo niya habang inaayos ang damit.
Nanatili ang tingin ko sa kung saan. I felt him looking at me but I just kept crying helplessly.
“Huwag mo nang tangkaing magsumbong, wala ring maniniwala sa'yo,” saad nito at muling lumapit sa akin.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking pisngi. Pinilit kong iiwas ang mukha sa kaniya kahit nanghihina. Napailing-iling siya sa akin habang tinitingnan ako.
After that, I just felt him walking away. Namatay ang ilaw sa faculty, kasunod niyon, rinig ko ang pagsara niya ng pinto at paglalakad paalis.
I cried even harder when I realized he left.
He just left like that.
Like nothing happened.
Like he didn't wronged me.
Napahagulgol ako ng iyak habang nakasalampak sa sahig. Ramdam ko pa rin ang pandidiri at pangingilabot ng buong katawan. I keep on questioning myself. Bakit kailangan kong maranasan ito? I swear I didn't do anything wrong that deserves this kind of punishment. I keep on asking Him. Hindi ko matanggap. Iniisip ko kung panaginip lang ba ito.
Pero totoo lahat. Totoo lahat ng sakit na nararamdaman ko sa loob at labas ng katawan ko. Nanginginig ang mga kamay na sinubukan kong ayusin ang kasuotan. Punong-puno ng luha ang mata ko kaya hindi ko ito makita ng maayos lalo na at madilim sa kwarto.
I tried my best to find my cellphone. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko iyon sa ilalim ng isang sofa. Nakita kong may message sa akin si Harvey. Hinahanap niya kung nasaan ako. But it was already hours ago.
Mas lalo akong nanghina nang makita ang oras.
3:45 am.
Napahagulgol muli ako at pilit na tinatakpan ang bibig. Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon. Na baka kapag umiyak ako ng malakas, muling bumalik ang lalaking iyon.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak nang umiyak.
Hanggang sa maisipan ko na lang na muling buksan ang cellphone. Hirapan akong hanapin ang number ni Isaiah dahil nanginginig ang mga daliri ko.
But for another time, he did not answer.
Muli akong napaiyak. Isaiah must be so angry at me for him to ignore my calls multiple times. Parehas lang kami. Galit na rin ako sa sarili ko. Siguro kung nakinig lang ako sa kaniya, siguro kung mas pinili kong pumunta sa birthday ni Tito Ibarra kaysa sa lintek na event na ito, hindi ito mangyayari sa akin.
Matapos ng ilang sandali, inipon ko lahat ng natitirang lakas para makaalis sa lugar na iyon. Bawat paghakbang ko, nanginginig ang mga binti ko sa takot. Maya’t-maya rin ang tingin ko sa paligid, paranoid that someone might see me.
I was able to find a bus way back home. Panay ang tanong sa akin ng konduktor kung ayos lang ako, siguro ay nagtataka ito kung bakit ganoon ang itsura ko.
Hindi ko naman nagawang magsalita ng mga oras na iyon. Masyado akong nanghihina para magsalita pa. I was so brave that I was able to reach my destination at my state.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila, kaagad akong kumatok. Nanghihina man, kumatok ako nang kumatok hanggang sa may magbukas ng pinto.
Madilim pa rin sa labas. Malamig dahil madaling araw pa.
Nabungaran ko ang namumungay niyang mata na mukhang galing lang sa pagtulog.
Kaagad akong napahagulgol nang makita siya. Gulat naman siyang napatingin sa akin at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
“I-Isaiah…”
Bago pa man siya makapagsalita, nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)
General FictionLost dreams series 1 Isaiah San Cristomo x Azineth Perez Date Started: July 24, 2024 Date Finished: