Chapter 14

11 2 1
                                    

The second subject for this morning came, kagaya noong unang professor, hiningi lang din niya ang mga registration forms namin at inutusan kaming magpakilala sa unahan.

“I am Azineth Perez, 20 years old. I like painting and reading books. The reason why I enrolled in this course was because I have always wanted to be a flight attendant ever since I was a kid. So being here is a great stepping stone for me,” I smiled at everyone. Narinig ko naman ang palakpakan nila matapos akong magsalita.

My eyes lingered on Mia, she was looking at me as well, but I couldn't read her expression. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at bumalik sa upuan.

Sumunod na nagpakilala ang babaeng katabi ko. Her name is Kelly. Bago pa man magsimula ang klase kanina, she already talked to me and introduced herself.

“Alam mo ba ‘yan si Sir Castro," mahinang saad niya sa aking gilid kaya napunta sa kaniya ang atensyon ko. “Abogado ang naging asawa niyan kaya parang mataas ang tingin sa kaniya rito ng mga professor sa school."

“Paano mo nalaman?" I asked her curiously.

“Dito kasi ako nag-senior high school, nakwento lang nung isa sa mga teacher ko."

Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.

If you would be looking at Sir Castro, you would easily sense this charming and decent aura from him. He looks like he's still in his early forties. Malinis din kasi itong tingnan at talagang may itsura.

Mabilis akong napaiwas ng tingin nang dumako ang paningin ni Sir Castro sa akin. He must've seen me staring.

Itinuon ko na lamang ang atensyon sa pakikinig sa mga kaklaseng nagsasalita sa unahan.

The first day of classes ended well so far. We haven't discussed anything yet because of introductions. Mahalaga rin ang attendance during first day of class kasi kinukuha nila ang mga registration forms namin. Kapag hindi kami nakapagbigay, baka isipin nila na hindi kami enrolled sa subject nila.

Isaiah and I weren't able to meet on the first day because their classes started as well. He has a more tight schedule for having ten subjects for this semester. Kaya nga kahapon, pumayag na ako sa road trip na matagal nang plano ni Isaiah. Panigurado kasing hindi na namin iyon magagawa sa susunod.

“Kumusta klase?" nakangiting tanong ni Isaiah habang nakaupo sa motor niya. Today is Tuesday. Kagaya ng pangako niya, susunduin niya ako ng ganitong araw.

Pagkalabas ko pa lang ng gate, naroon na kaagad siya at naghihintay sa akin.

“Ang kulit sabing ‘wag na nga ako sunduin!" akmang papaluin ko siya pero nahuli niya ang kamay ko.

Ang kaninang ngiti niya ay biglang napalitan ng seryosong mukha.

“B-bakit?" I felt a bit uncomfortable with his stares. It's too deep for me to handle. I feel like he has already reached my soul with the way he stares at me.

Imbes na magsalita, ngumiti lamang siya at nag-iwas ng tingin. Tumikhim naman ako para iwaksi ang kaba na namutawi sa dibdib ko.

“A-ayos naman klase, wala pa masyadong discussion, puro introduction pa."

Inabot niya sa akin ang helmet na mabilis ko namang tinanggap.

“Mabuti pa kayo, ‘yung prof namin sa algebra, nagpasagot agad ng equation pagkapasok ng classroom. Wala man lang introduction!” pagrereklamo niya sa akin.

I laughed with his frustrated tone. Minsan mo lang talaga siya makikitang mahihirapan sa isang subject. I don't know what's with this person, hindi ko naman siya nakikitang magbasa dati pero perfect palagi sa mga exam.

Although college is different and definitely has more difficult subjects, I know he can handle it perfectly.

We were in the middle of laughing when someone interrupted us.

“Isaiah," said by a familiar voice. Kaagad akong napatingin sa aking likuran.

My smile immediately faded when I saw Mia.

There weren't that huge changes in her. Bukod sa mas maikli niyang buhok ay ganoon pa rin naman ang itsura niya noong huli kaming nagkita sa Buenaventura. I stared at her face, seeing that she added more makeup on her face.

I wasn't paying attention before. Pero nakita ko na lahat ng kaklase ko ay nakamake-up kanina. Kelly also told me that we are required to learn that, so I'm planning on buying some make-up products and watching some videos on YouTube to learn.

Nagtagal ang titig sa akin ni Mia, parang may ipinapahiwatig siya sa mga tingin niyang iyon.

Tumikhim ako.

“D-doon lang ako sa tabi, mag-usap muna kayo riyan," I tried to smile at Mia.

I really want to show her that I don't want trouble. I want to show her that I'm willing to forget what she did, just be good and don't seek for fight.

Akmang aalis na ako roon nang bigla akong hawakan ni Isaiah sa braso. Gulat akong napatingin sa kaniya, seryoso ang mukhang nakatingin na siya kay Mia ngayon.

Nagpabalik-balik naman ang mata ni Mia sa akin, kay Isaiah at sa kamay niyang nakahawak sa akin.

“Dito ka lang," Isaiah spoke in a firm voice.

Napaiwas ako ng tingin.

Nagtagal ang titig ni Mia sa akin at sa kamay ni Isaiah. For a second, I saw the hatred in her eyes.

“M-mangangamusta lang naman ako, wala akong planong manggulo," she said while smiling at Isaiah.

However, Isaiah remained looking at her with a stoic face.

“Maayos naman kami, hindi mo na kailangang mangamusta," he replied.

Gusto kong magreklamo. Why does he have to include me in his answer? I don't want Mia to misunderstand. Mahilig pa naman mag-assume ito.

"Ah… g-ganoon ba? Mabuti naman! S-saan ka na pala pumapasok ngayon?”

"Lucena,” tipid na sagot ni Isaiah. Bakas sa tono niya ang pagkabagot. Sumulyap ito saglit sa akin bago muling humarap kay Mia. "May sasabihin ka pa ba?” I can't help but to get shocked with how he converse with the girl.

He sounds so cold. Ni minsan ay hindi niya ako kinausap sa ganitong tono kaya nakakabigla na kaya pala niyang makipag-usap sa ganitong paraan.

"W-wala na. Sige na ingat kayo pauwi!” ngumiti pa ito sa aming dalawa bago nagpaalam na aalis.

Kaagad akong bumaling kay Isaiah, ako na rin mismo ang bumawi sa kamay ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya ito binibitawan.

“Don’t be too harsh on her. Babae pa rin ‘yon, mabilis masaktan kahit sa mga simpleng salita,” I told him.

He clicked his tongue, looking a bit annoyed.

“I'd treat her nice kung hindi niya ginawa ‘yon sa'yo," he said and looked away. Sinuot niya ang kaniyang helmet at binuksan ang makita ng motor.

I sighed.

Mukhang hindi pa rin niya nakakalimutan ‘yung araw na sinugod ako ni Mia. That was already months ago, I think he should move on. Ako nga ay gusto ko na lang din kalimutan ang araw na iyon.

I want to be on good terms with Mia especially that we are classmates. We'll be spending four years together and I don't want to be involved in any trouble.

Feathers of Yesterday (Lost Dreams Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon