12: UNDER THE DARK RAIN

655 3 0
                                    

UNDER THE DARK RAIN | BXGXB
note : unrevised

— -

“Yuri, dumidilim na.” naka nguso akong tumango kay Xian.

Classmate ko, nasa waiting shed kami ngayon at nag-aantay ng sari-sariling service.

“Pa’no na yan? Baka maabutan tayo ni Sir Aj.”

Nilingon ko sya at naupo sa tabi nya, mukha kasi syang takot na ewan, gwapo naman si Sir Aj kaya bakit naman sya matatakot don?

Muntik na akong matawa ng maalala ang kagagahan nya kanina, ah, kaya naman pala takot maabutan ni Sir.

“Ano ka ba Xianna, okay lang yan.” tinapik ko ang balikat nya, nawala ang ngiti ko ng biglang napansing nasa likuran na pala namin si Sir Aj, napa tayo kami ni Xianna at napa yuko ng marahan.

“Ah, good evening po sir.” ako na ang nag-salita, siniko ko si Xianna na hindi maka tingin sa teacher namin na naka tingin sa kanya.

“Xianna, follow me,” tumingin sa akin si Sir “Ipapahatid nalang kita sa kaibigan ko Yuri.”

Natigilan ako.

Hinawakan ni Xianna ang kamay ko at inilingan ako, sign na wag ko daw syang ibigay kay sir Aj, pero natawa lang ako.

“Sige po sir. Uhm— sige Xianna, kita nalang ulit tayo bukas.”

Tumango si Sir sa akin, kaya nginitian ko, nag lahad si Sir ng kamay kay Xianna pero hindi iyon tinanggap ng kaibigan ko, nauna nalang syang lumabas ng waiting shed kaya nag paalam na si Sir bago na sumunod.

Bumuntong hininga ako ng mawala na sila. Di kalaunan habang nag ce-cell phone ako narinig ko nalang ang pag-bagsak ng malakas na ulan.

Halos mapasigaw ako sa gulat ng may biglang humawak ng balikat ko, napa tayo ako at napa lingon.

Natigilan ako.

Si... Si Kairus! yung kaibigan ni Sir! wahhhh!

Kumunot ang noo nya at napa ngiwi, i awkwardly smiled at him.

“Ikaw ba si Yuri?” he asked.

Omg! tinawag nya yung pangalan ko! wahhhh!

Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko, namumula na ang pisngi ko.

“Uhh... oo.”

“Hali kana, ihahatid na kita.”

Pumamulsa siya at naunang nag-lakad palabas pero bago sya lumabas ay tumakbo ako sa harapan nya at hinarang sya sa harapan nya.

Napa tingala ako dahil matangkad pala siya talaga, he shoom his head and look at me, darkly. “What?”

“Uhh... umuulan kasi, pwede naman sigurong dito muna tayo?”

Sige na Kairus ko, gusto lang kitang ma solo!

Napa ngiwi siya at sinilip ang labasan.

Bigla nalang nag-patay sindi ang ilaw dahilan kaya napa sigaw ako at napa yakap kay Kairus.

Napa pikit ako ng maramdaman ang matigas nyang dib-dib kahit na alam kong naka jacket naman sya, dumaloy ang kakaibang kuryente sa buong katawan ko, para akong biglang inapoy ng makaramdam ng kakaibang pakiramdam ng init.

Buong katawan ko umiinit.

D-Damn! Bumitaw agad ako at napa tingin sa kanya, hinila nya ang wrist ko ng lumakas lalo ang ulan, bigla ding nag brown-out kaya napakapit na ako sa braso nya.

Madilim. Wala akong makita!

“K-Kairus... wag ka munang mawawala okay? natatakot ako kasi madilim,” kinapa ko ang kamay nya hanggang sa mahawakan iyon.

SMUT ARCHIVESWhere stories live. Discover now