66: REBORN TEMPTATIONS OF CRIMSON'S SAGA (PART 1)

472 2 0
                                    

REBORN TEMPTATIONS OF CRIMSON’S SAGA (1) | BXG
note: unrevised

.....

Mahigpit na napahawak sa bedsheet si Kyrelle nang muling maramdaman ang mararahang haplos ng hangin sa kanyang hita. It gives her intense goosebumps as if the wind is sipping her energy through her system. Huminga siya nang malalim at bahagyang kumunot ang kanyang noo nang unti-unti niya muling naramdaman ang mabigat na kung anong bagay ang pumaibabaw sa kanya. Hindi niya magawang maimulat ang mga mata, pakiramdam nito ay nanaginip lamang siya pero ang paulit ulit na bisita ng hangin na ito ay nakasanayan na niya gabi-gabi. Awtomatikong umangat ang kanyang katawan nang subukang tanggalin ng hangin ang kanyang panty upang ibaba, naramdaman niya ang bahagyang pag angat ng kanyang lingerie dress hanggang sa naramdaman na nito ang mainit na balat na humalik sa kanyang balat.

Doon na siya napamulat. Bumangon ito ng bahagya at napalingon sa bintana niyang nakabukas at malakas ang ihip ng hangin sa puting kurtina. Naroon din nanggagaling ang kaunting ilaw na pumapasok sa loob ng kanyang silid. Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili. May namuong pawis sa kanyang noo at leeg, ang kanyang kumot ay nahulog na sa kanyang kama samantalang medyo magulo na ang sout niyang lingerie dress. Matagal siyang napatitig sa kanyang panty na nakahubad na at nahulog pa sa sahig. Kinagat niya ang pang ibabang labi nang mapagtantong namamasa na rin pala ang kanyang pag kababae. Muli siyang napahiga at napatitig sa kisame.

Ganito ang nangyayari gabi-gabi. Hindi na niya nagugustuhan ang mga wet dreams niya, ayaw niya naman mag pa check up dahil nahihiya siya. Nagugustuhan niya ang nangyayari pero nagigising siya sa tuwing nakakaramdaman ng balat na dumidikit sa kanyang balat. Parang tao. Matigas na dib-dib at napaka init na presensya. Hinila niya ang kumot at muling bumalik sa pag kakatulog dahil maaga pa siya bukas sa kanyang trabaho. Ayaw na niyang isipin kung sino iyon.

Kinabukasan. Maaga siyang nagising at naligo. Nag ayos na rin siya at nag handa ng breakfast ng kanyang Lola. Dalawa nalang sila ngayon dahil namatay daw sa sunog ang kanyang mga magulang, namatay naman ang Lolo nito sa isang car accident kasama ang iilan niyang pinsan at mga aunties at uncles, nasa isang bus daw sila non, naiwan siya bilang sanggol sa kanyang Lola sa lumang mansyon na ito.

“Lola, aalis na po ako,” paalam nito nang makitang pababa na ang kanyang Lola sa hagdanan. Nag iwan din siya sa kasambahay ng gamot at bitamina ng kanyang Lola bago siya umalis. May tatlo silang kasambahay para naman kapag nasa trabaho siya ay may mag babantay sa kanyang Lola, every week ding bumibisita ang Doctor ng kanyang Lola para i-check ito. Noong nakaraang taon pa nag simulang humina ang tibok ng puso ng kanyang Lola kaya naman kailangan na nito palagi ng regular check ups at mga gamot na regular ding iinumin.

Pagod na napasandal sa swivel chair si Kyrelle matapos ng iilang tipa sa keyboard ng kanyang laptop. Natulala ito sa gilid ng kanyang desk at naisip na namang muli ang nangyaring panaginip kagabi. Sa gitna ng kanyang pag iisip ay may biglang lumapag ng isang tasa ng tsokolate sa kanyang tinititigang blankong desk, umangat ang tingin nito sa ka officemate niyang si Rafael, bahagya nitong inayos ang sout na eye glasses at inangat ang hawak na paper bag.

“Gusto mo ba ng croissant?” tanong nito sa mahinhin at maingat na boses, napanguso si Kyrelle at ngumiti din ‘di kalaunan.

“Saan ka nakabili?” tanong niya at ipinatong ang dalawang siko sa mesa.

Ngumiti si Rafael at humila ng isang swivel chair sa isang table sa harapan, wala naman roon si Windy, ang ka officemate nilang nakaupo roon dahil break time na at siguradong bumaba sila sa building o lumabas ng department para bumili ng makakakain.

“May kaibigan akong kakabukas lang ng Bakery Café niya. Masasarap mga breads niya doon, bisita tayo next time para matikman mo rin mga kape nila,” wala sa sariling napangiti si Kyrelle habang nag sasalita si Rafael.

SMUT ARCHIVESWhere stories live. Discover now