CHAPTER 9: Nathaniel Abrera

863 9 0
                                    

Chapter 9

"Nathaniel Abrera"

***

MIEL'S POV

*Unat unat*

*Hikab*

*Lagay dalawang braso sa likod ng ulo at humiga*

*Tingin sa papadilim na langit*

Gulat kayo no? Bakit langit?

Syempre, kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa itaas ng bubong. Dun sa usual spot ko. Maganda kasi yung view dito eh. Tapos na lahat ng klase namin kaya I'm free to do anything.

Ang sarap kaya tumambay sa bubong sa gantong oras. Yung tipong nakikita mong kung paano magpalit ng kulay yung langit. Tapos kung sinusuwerte na hindi maulap, makikita mo kung paano lumitaw yung mga bituin.

Hanggang sa visible na silang lahat. At makikita mo na lahat ng constellation nila.

Hindi lang iyon, presko pa pag nasa bubong ka. Minsan nga naiisip ko na sana naging pusa nalang ako. Yung mga pusang kalye ah. Ayoko ng Persian cat o kaya Siamese oh kahit anong breed ng pusa na exotic.

Kasi hindi naman sila nakakaakyat ng bubong -- Syempre, kaya nila umakyat no.

Pero dahil napakamahal ang ganoong klaseng pusa, over-protective yung mga amo nila. Yung iba pa nga nakatali, eh. Naging pusa pa sila kung hindi nila maeexperience ang pag-akyat ng bubong.

(A/N: Daldal.)

Err... Anyway, balik tayo. Gusto kong maging pusa kasi free silang umakyat ng bubong. Haha, ang babaw ng dahilan ko no? Ang flexible kasi nila. Yung tipong nakakatalon sila ng napakataas ng hindi nababalian. Tapos, pwede silang matulog sa matataas na lugar.

Gusto ko yun.

Pero syempre, alam ko mahirap maging pusa, lalo na kapag yung mga pusang walang amo. May mga tao kasing walang pake, yung tipong pag nanakawan sila ng pagkain ng isang pusang ligaw, bubuhusan nila ng mainit na tubig.

Oh kaya naman ay tatagain.

Nakakita na ba kayo ng pusang may taga sa likod at kita na ang laman-laman?

Eeek. Unwanted visual. Pardon me. xD

Haha, pasensya naman. Mahilig lang talaga ako sa pusa. Dahil nga sa sobrang hilig ko, pumupunta ako sa cat foundation kapag may time eh. Pumupunta ako dun kapag may napupulot akong pusang ligaw, oh kaya naman bibisitahin ko lang sila.

Minsan din nagbibigay ako ng mga kailangan ng gamit.

Sponsor.

(A/N: Daldal pa. Tsk.)

Ehh... So, ayun nga, isa rin sa mga reason kung bakit gusto ko andito sa bubong kasi nakaka-relax. Lalo na kapag gantong oras.

Tahimik pa. Wala ng nagkaklase ngayon eh. Atsaka sarado na ang school. Hindi na allowed yung mga tambayers sa loob.

Teka teka teka...

Naririnig ko yung mga tanong niyo.

Bakit nasa loob parin ako sa school?

Bakit hindi ako hinahabol ng guard ngayon?

Bakit ang daldal ko?

Haha! Isa isa lang mga tanong.

Yung Lolo ko, si Franny (Poda ng pangalan eh no, parang pang-bakla lang eh. Wahahaha! Sama kong apo.) yung may-ari ng International school na ito.

Hindi ko nga alam bakit natripan ng tatay ni lolo na magtayo ng International school sa Manila. Pwede naman na normal na school lang. We need to speak English tuloy.

The Ice Queen's Tragedy (PART ONE)Where stories live. Discover now