"Marcus!! crush ka raw ni Ivo!!"Shutaina talaga ng mga kaibigan ko... Sinigaw pa talaga hayop!
"Hoy tangina kayo! mahiya kayo mga baliw..." singhal ko sa kanila ng makalayo na ang grupo nina marcus at naglalakad, kaaakyat lang nila at dito sila dumaan sa tapat ng room namin.
Nasa 4th floor kasi kami nitong senior high school building, yung room nina Marcus nasa kabilang dulo, tabi ng hagdan. Yung sa'min nasa kabilang dulo naman at malapit din sa hagdan. Bale magkabilaang dulo ang mga rooms namin.
Ilang rooms and sections lang kasi ang STEM, apat lang. Kaya may ilang rooms dito sa 4th floor na para sa aming mga HUMSS
Sakto naman na naglilinis kami ngayon dito sa labas at nililinisan yung bakal na nakaharang sa terrace nitong building.
Friday kasi ngayon at may schedule ng linis kaya lahat ng estudyante ngayon kaniya kaniyang area para linisan
At yung dumaan, grupo nina marcus. Yung super, duper, mega, crush ko
Si Marcus Yvan Lim
First year high school pa lang yata nababaliw na ako sa kaniya. Paano ba naman ang pogi...chinito rin tapos sobrang talino, consistent section one pa
Sobrang kilala rin siya sa school namin dahil ang crush ko.... sobrang famous lang naman, ikaw ba naman magaling sa lahat– sports, acads, masipag at pinagkakatiwalaan pa ng mga teachers
Out of my league sabi nga, pero ano namang pake ko doon. Bobo ako pero p'wede naman gawan ng paraan 'yan. E 'di magpapatalino ako!
Kung sa looks naman, may ibubuga rin naman ako no! 5'2 ang height ko, sakto lang. Mas matangkad yung crush ko 5'9 ba naman
Sakto lang ang puti ng balat ko, bagsak ang buhok at bilugan ang mukha. Maamo raw akong tignan sabi ng mga kaibigan ko.
Hindi naman sa pagmamayabang pero pinipilahan din ako ng mga babae... Kaso sorry kasi hindi babae ang gusto ko
Hindi ko rin alam pero tingin ko hindi pansin na lalaki ang gusto ko, hindi din naman kasi ako nagdadamit o nag-aayos pangbabae. Lalaki pa rin akong tignan...
Ang mga kaklase at kakilala ko lang talaga ang nakaka alam ng totoong ako. Alam ng buong kaklase ko na crush na crush ko si marcus. Ikaw ba naman magkaroon ng maiingay na kaibigan e.
Sobrang vocal din ako sa nararamdam ko kay marcus kapag nasa loob ng room, pasalamat lang din kasi hindi naman ako jinujudge at 'di naman nag-iba ang tingin nila sa akin
"Shuta, ang suplado talaga niyang crush mo. 'Di man lang lumingon." reklamo ni kisha, best friend ko
"True, pogi nga suplado naman. Feeling 'din yung mga kaibigan niya. Si marcus lang naman ang g'wapo sa grupo nila." pagsunod naman ni jess, kaibigan ko rin
Hinarap ko sila at tinuro ng hawak kong basahan... "Hoy kayo! ba't niyo naman sinigaw? ang lakas pa ng boses niyo!"
"What? ang bagal mo kasi e, puro ka sulyap. Galaw galaw din uyy baka pumanaw." sabay tawa ni kisha
Inirapan ko siya... "Nakakahiya, paano na lang ako lalapit sa kaniya niyan!"
Sa ilang taon kasi ng pagkaka crush ko sa kaniya, pasimple akong gumagawa ng paraan para makalapit sa kaniya at makasulyap.
Noong highschool ako 'pag dadaan siya sa tapat ng room, matic na susunod ako. Minsan sa canteen ang punta niya, may canteen kasi sa likuran at dadaan 'yon sa room namin
Madalas pa akong nakatingin sa bintana kaysa sa teacher na nagtuturo. 'Di na ako nagtataka kung bakit nasa lower section ako noon
Ngayon, grade 12 na kami pero gano'n parin ang gawain ko
"Guys bilisan niyo maglinis!" rinig naming sigaw nung kaklase namin
Panay kasi ang harot ng mga 'to. Hindi pa pala kami tapos maglinis
Binilisan nga namin ang paglinis at kami na lang yata ang naiwan dito sa labas. Inuna ko pa kasing sulyapan si marcus e
"Ano guys tara gala bukas." yaya sa'min ni jess
"Saturday at sunday na nga lang tayo walang pasok, ayaw niyo bang magpahinga?"ani ko
Tinaasan ako ng kilay ni jess... "Ikaw porket walang pasok niyan tamad na tamad ka, pero 'pag monday to friday ang sipag sipag mo."
"S'yempre makikita ko si marcus, e bukas? sino ba ang makita ko? Mukha niyo lang naman."
Sabi ko at pabirong sinakal ako ni jess
"Haliparot ka talaga! kung hindi ka lang mukhang lalaki tignan at...kung hindi ka lang din guwapo, ikaw na talaga ang pinaka malanding bakla na kilala ko." sabay tawa nito
"Guwapo na pogi rin ang hanap..." bulong ko pero narinig nila kaya mahina nila akong hinampas
"Ano tara ba bukas?" tanong ni kisha
Umiling ako... "Pass, marami akong labahin bukas."
"Sus, dahilan ka pa. Tatambay ka lang mag hapon kakatitig sa profile ni marcus. Asang asa na mag uupload?" pang-aasar ni jess
Yes, friends kasi kami ni marcus sa Facebook. Same school din kasi kami noong elementary tapos ilang rooms lang din ang pagitan, and as usual section one siya.
Kaya hindi na rin bago sa'kin si marcus, kilalang kilala ko siya. Pero nitong high school ko lang siya naging crush... Nagulat nga din ako ng makitang mutual kami sa facebook, sinu-s'werte pa rin talaga ako. Lakas talaga kay lord!
Palabas na kami ng room. Dahil Malapit sa hagdan ang room nila kaya doon kami palaging dumadaan, siyempre sulyap muna kay crush. Friday ngayon, two days ko siyang 'di makita.
Ang iingay ng students na madaanan namin sa room, uwian na rin kasi. Grabe naglinis nga talaga lahat, mga amoy pawis sila e
Buti na lang fresh ako lagi, hindi sa maarte pero parang gano'n na nga. Ayokong bumabaho, paano na lang kung malapit ako kay marcus. Nakakahiya naman kung bobo na nga ang tingin niya sa'kin tapos mabaho pa
Dalawang rooms na lang at madadaan na kami kina marcus.... Shit shit ito na naman ang kabog ng dibdib ko
Ito na, room na nila....
"Guys teka lang, yung sintas ko natanggal!" si kisha na biglang umupo at inayos ang sintas ng sapatos
Tangina! Dito talaga ako mapapasabi na mahal ko 'tong mga kaibigan ko. Sa tapat talaga ng room nina marcus kami huminto... ang galing talaga nila! 'yan ganiyan sila e
Habang nag-aayos siya ng sintas sinamantala kong sumulyap sa room nila.
At doon nakita ko siyang nakaupo ng bahagya sa teacher's table na sakto sa pintuan kaya kitang kita. May hawak siyang gitara, kasama at nakapalibot yung mga kaibigan niya.
Busy mag-ayos yung mga kaklase niya at pauwi na rin.
Mukhang nag ja-jamming silang magkakaibigan.
Hayop! pogi talaga ni marcus!
Nag strum siya ng gitara at kumakanta naman ang mga kaibigan niya...
Nakatitig lang ako na para bang humihinto ang oras.
Kita ko rin ang takas ng ngiti sa mga labi niya at ang singkit nitong mata...sana ako ang dahilan noon sa susunod
Titig na titig ako... pinagmamasdan ang bawat galaw niya ng biglang...
Lumingon siya sa pintuan at nagtama ang tingin namin
Tangina!!! hulog na hulog na naman ako!!
Sa sobrang taranta ko, nagmamadali akong umalis at natisod pa ako ng bahagya kay kisha. Nakalimutan kong nakaupo pala siya at nagkukunwaring nag-aayos ng sintas
Natulak ko rin siya kaya siya natumba
"Aray!! shuta ka..."
"Sorrryyy!!!!!" sigaw ko at nagmadaling tumakbo pababa ng hagdan
Okay na 'yon, nakita ko siya. Nagkatinginan pa... Pigil ang ngiti ko habang nasa gate at hinihintay yung mga kaibigan ko.
Hays! Buo na naman ang isang linggo ko. Next week naman.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...