Kinaumagahan nagising na lang ako sa tahimik na kuwarto kung saan kami pumasok ni marcus kagabi. Nagising ako pero walang marcus na bumungad sa akin.Tanging maliit na ingay na nagmumula sa aircon ang naririnig ko. Maaraw na rin ng kaunti sa may bintana, natatakpan iyon ng curtains kaya hindi gaanong sapul sa akin ang init.
Napansin ko rin na hindi na malaglit ang pakiramdam ko, hindi kagaya kagabi. Nakabihis din ako ng pajamas na terno.
"Saktong sakto naman sa'kin 'to. Kanino kaya hiniram ni marcus?"
Kausap ko sa sarili, nagtataka kasi ako kung bakit kasya sa akin. Akala ko damit ni marcus ang ibibihis niya. Sabagay, masiyadong mamahalin ang damit no'n baka ayaw niya.
Tinignan ko ang wall clock, 7:30 am na pala. Wait-- dito na ako natulog? shit! yung mga kaibigan ko. Takte lagot na naman ako sa mga 'yon.
Hindi naman gano'n kasama ang pakiramdam ko kaya sinubukan ko nang tumayo. Hinanap ko yung mga damit ko, dadalhin ko na lang siguro pauwi. At itong suot ko...ibabalik ko na lang siguro kung kanino man 'to.
Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi, I mean kung bakit nangyari iyon. Hindi naman lasing si marcus kaya alam kong alam niya kung ano yung ginawa namin.
Ang tanga ko para maging marupok ng paulit-ulit sa kaniya. Tapos ngayon dumoble pa ang katangahan ko kasi sinuko ko ang katawan ko.
"Hays! Ivo, kailan ka kaya tatalino?" panenermon ko sa sarili ko
May takot sa'kin na kapag nakita ko si marcus....o kapag nakita niya ako, mahiya lang siya dahil sa nangyari. Hindi naman niya direktang sinabi sa akin na kami na, hindi kaya gusto niya lang akong makuha? Sabi kasi ni kisha kapag nakuha na raw ng mga lalaki ang gusto nila, iiwan ka din.
Saka ko na siguro haharapin si marcus. Maaga pa naman, baka hindi iyon tumabi sa'kin at baka natutulog pa sa ibang rooms.
Pipihitin ko pa lang sana yung doorknob pero agad nang nagbukas ang pinto. Napaatras ako at nakatuon lang ang mata doon. Niluwa noon si marcus na naka simple white tshirt lang at pajama, pareho nung akin. May hawak din siyang tray at may laman iyong pagkain.
"You're awake. Good morning." Bati niya at matamis na ngumiti sa akin. Napababa ang tingin niya sa hawak kong damit at nagtataka na ba't nasa pintuan ako.
"Where are you going? Aalis ka?" tanong niya
Hindi ko naman alam kung paano ako magrereact sa kaniya ngayon. Sabi ko saka ko na lang siya haharapin e.
"Uuwi na...sana" mahina kong sabi
Lumapit naman siya, sinara ang pinto at nilapag ang tray na hawak sa may kama.
"Uuwi ka? Bakit? Do you have important things to do? It's Saturday, you don't have any classes, right?"
Tahimik naman akong nakatingin lang sa kaniya, ang hirap talaga magdahilan sa kaniya kasi parang lagi kang talo.
Actually ngayong week ay wala kaming pasok ng saturday, pero next week ay meron na dahil doon na mag start ang nstp subject namin, cwts ang kinuha ko dahil feel ko hindi ko mas-survive ang rotc.
Nakapamot naman ako sa noo ko bago siya sinagot... "A-akala ko kasi tulog ka pa. Nakakahiya kasi na ako pa yung natulog dito sa kuwarto mo tapos sa ibang room ka--"
"Sino bang nagsabi na sa ibang room ako? I stayed here with you the whole night." diretsa niyang sabi
Nagulat naman ako doon, dito siya? so hindi panaginip yung pakiramdam ko na para akong may kayakap? possible kayang magkayakap kami magdamag.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...