The days passed quickly, and we didn't realize that Marcus and I have been together for a month now. One month filled with happiness, and we feel the love between us."Ki! tara bili, nagugutom ako." biglang aya ni jan kay kian, nasa new market kami ngayon at nagpapalipas lang ng oras dahil mamaya pa ang klase namin.
Si kisha at jess naman ay napagpasiyahang magpunta sa library, doon daw sila matutulog.
Kaya kaming tatlo lang ang nandito, kasama ang isang kaklase namin ni kian na naging close din namin.
Tinabi naman ni kian ang notes niya at tumango kay jan... "Let's go, may ipapabili ba kayo?" tanong niya sa'min ni ash
Umiling naman ako at ganun din siya. Sa nakaraang buwan, naramdaman ko ang ilangan sa amin ni kian, pati na rin kay jan, sa aming tatlo. May nagbago no'n pero hindi ko alam kung ano. Pero masaya ako na naibalik naman kung anong closeness namin. Mas pansin ko nga lang na naging malapit si kian at jan.
Dumiretso naman ang dalawa na nakaakbay pa si jan. Sanay naman ako pero nakakapanibago.
"Ang pogi talaga n'yang dalawa. Minsan napapaisip ako kung may nililigawan ba sila."
Nabaling ang paningin ko kay ash na biglang nagsalita
"Wala silang nililigawan." pagkumpira ko
Bahagya namang lumaki ang mata niya... "Talaga? e, crush. Mayro'n ba?" pag-uusisa pa niya
Napanguso naman ako, hindi ko sure pero parang wala naman silang nababanggit sa'kin.
"Hmmm...hindi ko alam e, hindi naman nagsasabi sa'kin ang dalawang 'yan kapag ganiyan ang usapan." totoo kong sabi
Napabuntong hininga naman siya.. "Sabagay, nakakahiya nga naman magsabi. Ikaw ba, Ivo. May crush ka?"
Nahinto ako sa pagsulat at sinulyapan ko siya. Kita ko naman ang mata niyang naiintriga sa sagot ko.
"Wala." simple kong ani, at bumalik sa pagsusulat.
"Talaga? parang imposible naman yata 'yan." tila hindi niya makapaniwalang saad
Binaba ko ang ballpen ko at pinatong sa mesa ang parehong braso ko... "Wala akong crush..." tiningnan ko s'ya at hinintay ang magiging reaksiyon niya sa sasabihin ko...
"Dahil boyfriend ko na."Naiwan namang nabukas ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Natawa ako nang mahina dahil do'n.
"Weh?? May Boyfriend ka?" gulat niyang tanong
Tumango lang ako sa kan'ya... "Oo, one month na kami ngayon." proud kong sabi
Ngumiti naman siya sa'kin... "Naks! sana all naman. Stay strong sa inyo. Guwapo ba yung boyfriend mo?"
Napaangat ako ng ulo sa tanong niya... "Bakit?"
Kita ko naman ang ilang sa mata niya.. "Huy! walang ibang ano 'yon ah. Curious lang ako."
"Guwapo siya. Matalino rin, masipag saka....parang matandang masungit." hindi ko maiwasang mapangiti sa huli kong sinabi, sure ako nakakunot ang noo no'n 'pag narinig niya.
"Mukhang inlove na inlove ka ah!"
"Naman! sobra pa sa sobra..." pagsakay ko at nagtawanan lang kami.
Mabilis na lumipas ang oras at nauna muna akong umuwi sa bahay para maligo at magbihis. Pinaalam kasi ako ni marcus kay nanay na doon ako sa kanila mag stay ng friday at saturday. Umayaw pa nga ako kasi balak kong tumulong sa paglalako ng paninda ni nanay, pero sinagot na kasi ni marcus ang kikitain doon. Kaya wala na rin ililibot si nanay.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
Storie d'amoreCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...