13

2K 93 8
                                    


Nagmamadali ako ngayon sa pagbaba ng tricycle dahil nalate ako ng gising ngayon. Paano hindi ako kaagad nakatulog kagabi kasi iniisip ko si marcus.

Hindi ko kasi talaga alam kung bakit siya naiinis sa akin. Parang okay naman kami.... o baka akala ko lang 'yon.

Pinag-isipan ko pa kung itetext ko siya kagabi. Kaso useless din naman iyon at hindi naman niyang alam na ako iyong katext niya. Baka nga iblock pa ako n'on kapag nalaman niyang ako pala 'yon.

Pero ito ako ngayon, nagmamadali na at tumatakbo papunta ng gym complex. Malaking venue ito dahil final na laro na ni marcus, I mean yung team nila.

Pagpasok ko, hindi agad magkamayaw ang tili ng mga estudyanteng nandito. Takte! Late na ba ako?

Kaagad akong pumasok doon sa entrance dahil nasa baba lang naman ang p'westo na kinuha nina kisha. Hindi na kami umakyat pa sa mga bleachers sa taas dahil gusto namin mas malapit kay marcus.

Siksikan pa pagpasok ko sa maliit na entrance, ayaw kasi umalis ng mga babae doon.

Iginala ko kaagad ang mata ko para hanapin sila.

"Ivo!!" rinig ko sa kanan, at doon nakita ko sina kisha at jess. Kasama nila si jan at bianca.

"Hahh! a-akala ko l-late na ako..." hawak ko sa dibdib ko at hingal kong sabi pagkalapit ko sa kanila

"Ivo, dito ka na. Isinave na kita ng upuan." yaya sa akin ni jan, sa tabi niya.

Bale ang puwesto namin. Jan-ako-kisha-jess-bianca

Nasa unang hilera kami ng upuan, at kitang kita namin ang nasa harap naming court at upuang para sa mga players.

Ang sakto talaga kasi, kitang kita ko rin kapag umupo doon si Marcus.

"Ohh..." abot sa akin ng tubig ni jan, bait nito ah. May kasalanan siguro.

Tinanggap ko naman iyon at ininom... "Salamat... ikaw?" pag-alok ko rin sa kaniya. Umiling naman siya at ngumiti sabay pakita sa akin ng tubig niya

Kakausapin ko pa sana siya ng sunod sunod na pagsiko ni kisha ang umawat sa akin

"Huyy teh, yung crush mo nandiyan na!"

Siyempre, matic na sumunod ang ulo ko sa pag nguso ni kisha at doon nakita ko ang lalaking nagpapatibok nang malakas sa puso ko.

Kagabi lang nagtatampo ako sa kaniya, pero ito ako ngayon handang mag cheer at isigaw nang malakas ang pangalan niya.... Kung i-spell talaga ang word na "Marupok"... "I-v-o" ang ilalagay ko.

Ngumiti ako sa kaniya nung tumama ang tingin niya banda dito, alam kong hindi niya nakita iyon pero ginawa ko pa rin.

"Anong nangyayari sa Mr. Cutie mo? parang hindi na siya cute dahil lagi na lang siyang nakabusangot." bulong sa'kin ni kisha

Tumingin ako ulit kay marcus, suot ang jersey uniform nila. Ang maayos at malinis nitong buhok. Sa singkit niya mas lalo siyang nagmukhang masungit dahil napaka lamig ng tingin niya

"Baka kinakabahan lang." simple kong tugon

"Kinakabahan? teh sa ilang taong pag suporta natin, ngayon lang naman siya ganiyan."

Napaisip naman ako. Hindi kaya dahil sa'kin? Kahapon, naiingayan siya nung kinulit ko siya. Noong mga nakaraang taon, never pa naman ako nakalapit sa kaniya e. Baka dahil sa inis niya sa'kin kaya siya ganiyan ngayon?

Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko kayang sabihin yung nasa isip ko.

Tinuon namin ulit yung atensiyon sa court. Nag warm up and ilang stretching lang ang ginawa nila at pumasok na kaagad ang first five sa grupo. Kasama kaagad doon si marcus.

Triple na ang hiyawan ngayon ng mga tao. Nandito ang mga grade 12 stem para isupport sila. Pero siyempre hindi rin papatalo ang taga suporta ng ibang strand. Nandito rin sa complex ang kagaya naming HUMSS, mga Ilang ABM, nanonood pa rin sila kahit na ligwak na sila sa finals ngayon. Hindi rin papahuli ang TVL at GAS. Pinaghalong grade 11 at 12 ang mga tao dito. Mas madami nga lang siguro kaming mga higher year.

Nagsimula na rin makihalo ang hiyawan namin, mas rinig iyon dahil nasa unahan kami.

Hihiyaw pa sana ako ng bumaling si Marcus sa amin at ang lamig ng tingin. Nanlamig din tuloy ang kamay ko, konti na lang makukumbinsi na akong ako ang kinababad-tripan niya ngayon.

Naramdaman ko ang hangin sa tabi ko, si jan pala iyon at may hawak na ngayong mini fan.

"Handa ka talaga ah!" asar ko

"Siyempre, ang init kaya dito." ani niya

Bahagya kong kinabig ang mini fan at tinapat iyon sa'kin... "Ishare mo naman, naiinitan din ako oh.." simpleng white oversized printed t-shirt lang naman ang suot ko at light blue, denim baggy shorts na pinaresan ng white rubber shoes. Ang liit ko nga tignan pero ayos lang, pogi pa rin naman. Pero ramdam ko pa rin talaga ang init ngayon!

Narinig ko ang mahinang tawa niya... "Wow ah, kapal mo naman." reklamo niya pero tinapat din naman sa'kin yung mini fan niya.

Magkadikit tuloy ang balikat namin ngayon para magkasya at mahanginan kami pareho. Sobrang init kasi sa complex gym, 'di sapat yung ventilation dito.

Napukaw ang tingin namin ng pumito ang referee. Parehong nag aabang ng bola si Marcus at yung isang kalaban nila. Pagkahagis ng bola ay medyo nagulat kami ng hindi kaagad nakuha ni Marcus iyon. Anong nangyayari?

"Gagi, una pa lang sablay na si Marcus. Masama talaga timpla niya ngayon e, feel ko." komento ni kisha sa tabi ko

Umiiling naman ako...hindi, umpisa pa lang naman. Gaganda rin ang laro niya!

Nakailang score kaagad ang kalaban. Habang patuloy naman sa pag-agaw sa bola ang team nina marcus.

Pinagmamasdan ko siya at halata na wala siya sa mood maglaro... may sakit ba siya? ba't naman kung kailan finals saka siya ganiyan.

"Tsk!tsk!.... ang hina ng team nila ngayon." rinig ko si jan, pansin din niya ang tamlay ng laro... "Wala man lang konting pa-anghang sa laban." umiiling na saad nito

"Maghintay ka kasi. Kau-umpisa pa lang." lapit ko sa kaniya at pinagtaggol si Marcus at ang team

"Sus! crush mo lang--" 'di na niya natuloy at pinatigil ko na siya ng masama kong tingin

Crush ko siya pero kitang kita naman ang galing ni marcus, ipagyayabang ko talaga 'yon.

"Woooohh!!!" hiyawan ng mga tao

"Anong nangyari?" tanong ko kay kisha dahil hindi ko nakita, bwisit talaga itong isa kong katabi!

Nilapit naman niya ang ulo sa'kin..."Si Marcus, sablay. Hindi naishoot yung bola. 3 beses na!!" pahiyaw niyang ani at malakas masiyado ang hiyawan

Hinanap kaagad siya ng mata ko, at kita ko kung gaano siya pini-pressure ng ka teammates at coach nila. Nag meeting at huddle din sila.

Tumapat ulit ang tingin niya sa amin. Ang sama, nakakatakot ang singkit niyang mata.

A-ako ba talaga? sa'kin ba siya badtrip? pakiramdam ko hindi siya makakalaro ng maayos hangga't nandito ako.

Bahala na... bigla akong tumayo kaya napa angat ang tingin nila sa'kin.

"Oh teh, saan ka pupunta?" si jess

Kinuha ko ang bag ko... "Aalis na ako..."

Napa awang namang ang bibig nila

"Hah?? bakit?? hindi ba natin tatapusin?" si bianca naman ngayon

"Oo nga, always naman natin tinatapos diba?" tanong din ni kisha

Grabe ginisa talaga ako ng tanong?

"Ako lang ang aalis. Tapusin niyo ang laro."

"Pero---"

'di ko na sila pinatapos at tinakbo ko na palabas.

Nagtext na lang ako kaagad kay kisha na tapusin nila ang laro at balitaan ako.

Kung ayaw niyang nandoon ako, ayos lang. Basta ipanalo niya.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now