"Mag-isa ka lang dito?"Pababa kami ngayon ni Marcus para sana lumibot dito sa bahay nila. As in yung totoong libot na. Naligo muna ako dahil parang kailangan ko talaga 'yon dahil sa dami ng nangyari kagabi at kaninang umaga. Ganoon din naman si Marcus pero sa kabilang kuwarto na siya nag-ayos.
Ang cute nga kasi may damit at shorts na sakto sa akin. Tinanong ko si Marcus kung kanino niya ito nahiram dahil obvious namang hindi kaniya 'to, pero wala e dedma lang lang.
Ang simple lang din ng suot ni marcus, lalo tuloy akong nainlove sa boyfriend ko.Yes, kami na. Siyempre sino ako para tanggihan yung tanong niya kanina. Tagal ko kayang pinangarap 'yon.
"Nah, we have a caretaker here. Si mang ador, yung family driver namin na matagal ng nagtatrabaho sa amin at yung asawa niya, si nanay mela. Sila ang halos nagpalaki sa amin ni kuya dahil for the obvious reason, busy ang parents namin," sabi niya sa kalmado pero may bahid ng lungkot.
Hinanap ko ang kamay niya at hinawakan... "Hayaan muna, nandito naman sila e. Saka nandito nadin naman ako." at ngumiti ako para pagaanin ang loob niya
"I appreciate you being in my life and for being patient with me. Thank you, baby." sincere niyang sabi sa'kin
Nagdiretso naman kami sa pagbaba... "Ginayuma mo siguro ako no? ba't hindi kita makalimutan kahit anong pilit ko."
Pareho kaming natawa ng mahina dahil nakakatawa nga talaga na yung crush ko na halos tumakbo palayo sa akin noon, ngayon boyfriend ko na. Feel ko nga puwede na akong patayuan ng rebulto dahil sa sobrang pagka loyal ko sa kaniya.
"No, you just love me so much. Is it because I'm handsome, like what other people always say?" tanong niya, akala ko nagyayabang at nagbibiro lang siya pero nakita ko ang seryosong mukha niya na naghihintay din ng isasagot ko.
Pagbaba namin ng hagdan ay hinarap ko siya... "Noong una oo, nakuha mo ang atensyon ko dahil sa pogi ka. Pero alam mo?... nang mas makilala kita, nakita ko at nalaman ko ang mga bagay na sobrang nagpahanga sa'kin." nakatitig lang siya at mukhang nakampante siya na hindi lang mukha niya ang gusto ko.
"Magaling ka sa science na siyang weakness ko. Magaling ka sa math na kung saan bobo ako..." I laughed, hindi ko napigilan kasi kumukunot ang noo niya habang sinasabi ko iyon.
"So gusto mo ako dahil matalino ako? parang katulad sa iba."
Umiling ako sa sinabi niya... "Hmmmm..Parte iyan. Sino ba namang hindi maiinlove sa matalino. Pero hindi iyon ang pinaka dahilan.." paghinto ko, kita ko ang kagustuhan sa mukha niya na ituloy ko
"Isang araw, nakita kita na nagalit dahil sa hindi makasabay yung isang classmate niyo nung first year highschool tayo sa dance practice para sa isang competition event ng school natin, hindi karin marunong sumayaw katulad niya...."
Natawa ako habang inaalala iyon. Nakita ko kung paano siya nainis doon sa classmate niya. Hindi rin naman siya marunong, pilit ang galaw niya pero pinakita parin niya sa classmate niyang umiiyak dahil nahihirapan na iyon.
Nakita ko ang lalong pagkunot ng noo niya kaya tinuloy ko na bago pa niya isipin na pinagtatawanan ko siya...
"Noong una akala ko galit ka dahil sa hindi siya makasabay. Pero narealize ko na nagagalit ka dahil sa ayaw na niyang tumuloy dahil lang sa hindi niya kaya." tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang paglambot ng mga mata niya, ganoon din ako. Gusto kong ipakita sa kaniya ang mga bagay na akala niya wala lang pero malaki ang epekto sa akin.
"Naalala ko ang sinabi mo sa classmate mo. At alam mo ba na iyon din ang naging inspirasyon ko?"
"A-ano?" he said softly, hinawakan ko ang pisngi niya
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...