25

2.2K 97 74
                                    


Hanggang ngayon, hindi pa rin matigil sa pagwawala yung kung ano sa dibdib ko. Kahit sa jeep kanina, habang pauwi kami ay tulala lang ako. Nagtataka nga sila kung bakit biglang naging gano'n ako.

Maging ngayon na nasa kuwarto at nakahiga na ako pero siya parin ang iniisip ko. Takte ka marcus, ano bang ginawa mo sa'kin at bakit hindi ka maalis sa sistema ko!

"Ahhhh!!!! Gising, Ivo. Pafall lang 'yan, tapos kapag nahulog ka na iiwan ka. Doon siya magaling, kaya umayos ka!" sigaw ko sa sarili ko, hindi puwedeng makuha na naman ako sa mga simpleng salita niya....

Pero nagpagulong gulong ako sa kama ng maalala ko na naman yung mukha niya. 'Ayaw kong makawala ka pa', tangina anong ibig sabihin niya dito? ang gulo niya, kung matalino siya huwag naman sana niya akong idamay sa kakaisip kung paano ko iintindihin yung sinabi niya.

Nadistract ako ng biglang mag beep ang phone ko. Naka-on data pala ako kaya tanaw ko sa phone ang logo ng Instagram sa notification.

(marcusyvan started following you)

Napabalikwas ako ng tayo sa gulat.... Gago! si....si marcus ba 'to??? As in marcus lim? Paano niya naman nalaman ang account ko sa ig? napakalayo kaya ng name na ginawa ko doon tapos pili lang ang pina-follow ko.

At dahil malaki ang trust issues ko ay c-lick ko yung profile ng nag follow sa akin at halos mawalan na lang talaga ako ng hininga ng maconfirm ko ngang siya iyon.

marcusyvan
MarcusLim
thinking of you...03
0 post--- 3,000 followers --- 1 following

Nanginginig ang kamay kong tinignan ang isang nasa following list niya at muntik ko nang mabitawan ang phone ko.... Ako lang. Ako lang ang pina-follow niya.

Pero kagagawa lang ng ig niya. Baka ako lang kasi bago pa ang account niya? bakit naman ako kaagad ang ipafollow niya? Hays!!! lalong gumulo...

Ang profile niya na naka jersey lang siya at kita ang perfect na hulma ng mukha niya. Ang mata niyang singkit pero may sariling buhay, ang labi na hindi nakangiti pero sobrang ganda.

Iyong jersey uniform nila nung senior high. Hindi ko namalayan na napangiti ako, ngiti na may halong lungkot. Naalala ko kung paano ko siya gustuhin dati, yung jersey number niya na hate ko pero at the same time, hinahanap ko tuwing may laro sa school.

Kung paano ko siya sundan, sa canteen man. Sa labas, hanggang uwian. Kung paano siya naging sentro ng mundo ko. First year hanggang senior high, napatunayan ko na hindi lang basta crush iyon. Higit pa, alam kong higit pa doon. Gumawa pa nga ako ng sulat diba. Pero bakit naman kung kailan desidido na akong kalimutan siya, saka naman siya magparamdam sa akin ng ganito?

Ayun na eh, makakamove-on na ako. Ba't naman bigla pang nagpakita sa'kin ulit? Ayan tuloy, back to zero na naman. Lord, naman ihhhh! pinaglalaruan niyo po ba ako? Alam niyo talagang marupok ako huhu

(MarcusLim sent you a message)

Matic na nagsimulang magrambulan ang nasa dibdib ko... Siya ang nagmessage ngayon. Hindi ko na kailangan pang mag-isip kung ano ang sasabihin ko dahil siya ang nauna.

MarcusLim: Hello, Ivo. Good evening!

Ang pormal naman nito....

Me: too

MarcusLim: too?

Me: Hello saka Good evening too

God, slow ah!

MarcusLim: Oh, your answer is too short.

Me: Busy ako

MarcusLim: Really? Did I disturb you, then?

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now