"Are you now okay?" tanong sa akin ni marcus, tumango ako kahit na may hikbi parin.Inabot ko sa kaniya iyong tumbler. "S-salamat,"
Hinawakan naman niya ang kamay ko at alam kong gusto niya lang akong icomfort.
"What happened? may umaway ba sa'yo?" iyon ang naging unang bungad niya
Napayuko ako dahil hindi ko alam kung paano magkukuwento. Sana nga ay gano'n na lang, may umaway na nga lang sana sa'kin. Kaso hindi, wala akong ibang kaaway kung 'di ang sarili ko.
"W-wala n-naman, huwag mo na akong pansinin. Tara na, okay lang ako." pinasigla ko ang boses ko para sana umiwas na sa mga tanong niya pero hindi siya kumbinsido.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi mo sinasabi sa'kin," pagmamatigas niya
Napalunok ako, kinakabahan at kahit malamig dito sa loob ng sasakyan n'ya ay nanlalamig ako.
"Marcus..." please huwag ka nang magtanong
Pinaharap niya ako sa kaniya at mariing sinalubong ako ng mga tingin na gusto kong iwasan dahil nakakapanghina iyon.
"Bakit ka umiyak? hindi iyon wala lang, Ivo. Please tell me."
Naiiyak na naman ako, halo-halong emos'yon na ang nararamdaman ko.
"Hey..." tawag niya ng mapansin ang patak ng luha sa mata ko...
"Wala nga lang 'to," sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko, kainis naman e. Ba't ba ang iyakin ko ngayon!
"You're crying, and then you're going to say that it's nothing?" ramdam ko na ang frustration sa tono ng boses niya... "Umiiyak ka sa harapan ko, anong gusto mong gawin ko? hahayaan ko lang?"
Panay na ang singhot at hikbi ko, gusto kong magsabi kaso hindi ko alam kung paano magsisimula.
"N-natatakot ako m-marcus...." iyon lang ang tanging nasabi ko, natatakot ako sa reaksiyon niya
kumunot ang noo niya sa'kin.. "Baby, I don't get you. Ano iyon? anong natatakot ka? sa akin ba? Tell me, may ginawa ba akong mali, did i offended you?" tarantang tanong niya
"H-hindi... n-natatakot lang ako kung pa'no ko sasabihin-"
"Sasabihin ang alin?" putol niya
Dahil hindi ko talaga kayang sabihin iyon, kinuha ko na lang yung phone ko sa bag at inopen ang portal. Tinitigan niya ako at hindi siya nagsasalita pero alam kong kating-kati na siyang malaman.
"Hmmm...." abot ko sa kaniya nung phone na nakalagay ngayon sa portal at nando'n ang grades ko.
Dumoble ang kaba nang kuhanin niya iyon sa kamay ko. Tinignan ko lang siya habang ang focus ay nasa phone ko, kitang kita ko ang pag arko ng kilay niya at parang natauhan.
Lumipat sa akin ang direksiyon ng ulo niya kaya kaagad akong tumingin sa ibaba at umiwas ng tingin.
"Sorry..." inunahan ko na siya bago pa siya magalit sa'kin
"Is this the reason why you're crying?" malamig ang boses niya
Tumango ako at sasagot pa sana pero nagsalita rin siya agad.
"Bakit ka umiiyak? iiyakan mo lang ba? We will go to your department. Kakausapin natin yung prof mo." nilapag niya yung phone sa hita ko at akmang magmamaneho na sana
"Marcus huwag na-"
Napabagsak siya ng kamay sa manibela kaya nagulat ako doon.. "Huwag na? Ivo kailangan mong maayos iyon, baka puwede pa."
Sunod sunod ang pag-iling na ginawa ko... "Nakausap ko na sila.... s-sabi... sabi nila wala na akong choice kung hindi mag-ulit." nanginginig ang boses ko
"Fuck!" inis niyang ani
Napasuklay lang siya sa sa buhok niya sa sobrang inis.
"Marcus sorry. Siguro...siguro kasi bobo talaga ako, hindi ako magaling, lagi na lang akong palpak. Nahihiya na ako sa'yo, pero pasensiya na talaga..." Ilang segundo pa pero ang tahimik niya at walang imik.
Kinuha ko ang phone ko at bag. Hindi ko kayang harapin siya ngayon, sobrang nanliliit lang ako.
"S-sa susunod na lang tayo lumabas ah... m-mauuna na ako," sabi ko sabay halik nang sobrang bilis sa pisngi niya. Pero pagtalikod ko at bubuksan na sana ang pinto pero naka lock iyon, ilang beses ko pang sinubukan pero ayaw talaga.
Wala akong choice kung hindi harapin siya ulit.
"Marcus"
"Bakit ka aalis?"
Nagulat ako sa mabilis niyang tugon... "K-kasi g-galit ka..." paos kong bulong
"Hindi ko sinabing umalis ka." Nagkatinginan kami... "At mas lalong hindi ko sinabing galit ako."
"P-pero ba't ayaw mo akong kausapin?"
"I'm just trying to process it. It's hard."
May point siya, mahirap nga naman. Nakakatawa pa na mag-uulit ako, dagdag kahihiyan. Ang tanga ko kasi!
"Oo nga, h-hindi nga madaling tanggapin na bagsak ang boyfriend mo." naiboses ko pala ang naiisip ko
Nagulat naman siya, agad na nawala ang inis sa mukha niya. Mas lumapit siya sa'kin at hinapit ang ulo ko palapit sa dibdib niya, para niya akong niyayakap.
"I apologize, that's not what I meant. I'm sorry, baby." sobrang kalmado ng boses niya at para akong inaalon ng malamlam na tinig.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya ng diretso, nawala na kahit papano yung kakaibang pakiramdam kanina.
"Ayos lang. Naintindihan ko, ako rin naman hindi makapaniwalang nung una. Pero wala e, wala naman akong choice."
"But that's fine, it's really fine. You don't have to blame your self."
"Hindi, Marcus. Kasalanan ko talaga. Pabaya kasi ako. Deserve ko din siguro 'to para mautahan."
"Shhh... Don't say that. We can't control everything. Just because we fail once doesn't mean everything we did is useless."
Hinaplos niya ang mukha ko
"Failing grades don't mean the end of life. You struggle as a student and put in effort every day, it's not a failure; it serves a purpose."
Ang mga salita niya at assurance na kailanman ay hindi pumalya para pagaanin ang loob ko.
"M-mahuhuli ako."
"Then it's fine. Wala naman nagmamadali sa'yo."
"Si nanay...paano si nanay?"
Alam kong napaisip din siya... "Sinabi niya ba mismo sa'yo na magmadali ka?"
Hindi ko alam ang isasagot ko, never naman akong napressure kay nanay tungkol sa pag-aaral ko. Madalas ay binibiro niya ako pero never niya akong hinigpitan.
Umiling ako... "Just explain it to her. Sasamahan kita."
Huminga ako ng malalim, hindi ko dapat takbuhan na lang ito. Tama si marcus. Kailangan kong harapin'to.
"Salamat Marcus. Gumaan ang pakiramdam ko, natakot kasi talaga ako na mahuhuli ako at masasayang ang ilang taon."
"Wala naman sayang kung gagamitin mo naman iyon para mag-aral. Hindi naman kailangang makasabay tayo palagi, minsan kailangan din natin huminto– basta ang mahalaga ay magpapatuloy ka.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...