(Notes: I'm not an expert or very experienced in playing badminton. Please feel free to correct me if I make a mistake in explaining how badminton is played... Tyyyy:p)
~~
Inhale.... exhale.... inhale.... exhale....
Panay ang buga at hinga ko ng malalim, kinakabahan ako. Final na laro namin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko lang parang may hindi magandang mangyayari.
Erase...erase...Ivo! ano ba itong mga naiisip ko. Siguro kabado lang talaga ako dahil iniisip ko kung makakapunta o maaalala akong puntahan ni marcus ngayon.
"Relax teh, ba't kabado ka yata ngayon? huwag kang mag-alala darating naman yung bebe mo." usal ni kisha sa tabi ko, nakuwento ko kasi yung usapan namin ni marcus kanina sa kanila.
"Paano mo naman nasabi?" ani ko
Inakbayan naman niya ako... "Wala lang, feel ko lang naman." at tinapik tapik ang balikat ko
Umirap ako... feeling talaga ang isang 'to, mana sa'kin.
"Ivo, ready ka na?" punta sa akin ni kian at tinanong ako, siya ang kapartner ko sa laro dahil double match kami ngayon. Classmate ko rin.
Tumango naman ako sa kaniya... "Oo naman, kinakabahan lang pero kaya naman. Ikaw?"
Napakamot naman siya sa ulo niya... "Kinakabahan din, pero kaya 'to. Ikaw naman ang partner ko eh."
Napangiti naman ako doon... "Salamat sa tiwala. Galingan natin!" at nag high five kami
Ilang minuto lang ay dumating dito sa loob ng gymnasium ang makakalaban namin. ABM-12, section 1 pa.
Ilang beses naman na akong lumaban sa mga regional at provincial meet. Pero kada final na laro ay lagi akong kinakabahan, siguro ay ganoon ko sineseryoso ang bawat laro ko.
At ang makakalaban namin ngayon ay hindi rin basta-basta. Ilang beses ko na rin silang nakatapat at masasabi kong magagaling sila. Strong, powerful jump smash player ang isa sa makakaharap namin.
Hilig ko rin ang pag gawa ng ganoong shots, pero hindi ko na madalas gawin iyon lalo sa mga laban ko dahil minsan ng nainjured ang kanang paa ko. Kaya delikado para sa akin iyon, kaya backhand shots at hinahaluan ko ng ibang stroke at iyon ang ginagawa kong winning strategy.
Three games ang mangyayari ngayon. Naka puwesto na both teams.
Tinapik ako ni kian bago kami magsimula.... "Goodluck sa'tin, Ivo."
Ngumiti ako sa kaniya para palakasin din ang loob niya... "Goodluck din, kian." at tinapik tapik ko rin siya ng mahina sa balikat
"Goooo!! Ivo, Gooo kian! Goooo HUMSS 12!!!"
Malakas na sigaw ng mga kaibigan ko at sinundan iyon ng hiyawan galing sa mga kaklase ko at sa ibang nanonood.
Tumingin ako sa palagid pero walang Marcus na dumating. Napabuntong hininga ako, siguro busy talaga siya. 'Di bale, ipapanalo ko pa rin para sa kaniya.
Binalik ko ang focus ko sa game. Nagsimula ang laban sa marahan at kalmadong forehand serve ko, binalik naman iyon ng kalaban kaya mabilis akong nagpalit ng position para makapag serve ng forehand flick, nakita ko kung paano nagkaroon ng pressure sa pagserve ang kalaban ngayon.
Napangisi naman ako doon at mabilis na tinignan si kian. Nag thumbs up naman siya sa'kin kaya tinanguan ko siya.
Sinubukang taasan ng kalaban ang pagserve sa shuttlecock pero masiyado iyong mataas. Tin-ake advantage ko ang mali nilang iyon para mag serve ng mas agresibo kaya hindi na nila naibalik iyon, dahilan para makapuntos kami.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
Lãng mạnCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...