"Nagkikita na kayo??" gulat na sigaw ni kisha at napatayo pa sa upuanNasa new market kami dito sa uni at nakaupo sa mga upuan. Dito rin kasi namin naisipang mag lunch
"Gaga ka! ang ingay mo!..." hatak ko sa kaniya paupo ulit. Nasa harapan ko siya, katabi si jess at jan. Habang katabi ko naman si kian
"Kailan pa?" nahihimigan ko ang hindi maganda sa boses ni jess. Sabi na magagalit ang mga 'to.
Hirap naman akong tumingin sa kanila ngayon dahil sa kaba
"Nung....nung nakaraang linggo pa." mahina kong sabi
Sabay na napa bagsak ng kamay sa lamesa si kisha at jess
Irita ang nakita ko ngayon sa mukha nila... "Kita mo 'to. Halika nga't babatukan kita. Shuta ka ang rupok mo talaga." hindi makapaniwalang ani kisha
"Anong nangyari sa move-on na sinasabi mo? Anong ginawa niya at bumigay ka na naman?" pang-gatong na tanong ni jess
Biglang tumayo si jan at pumagitna sa dalawang babaeng kaharap ko. Umakbay siya sa kanila at parehong tinapik ang balikat
"Guys, ano ba kayo. Hayaan niyo na. Gano'n naman talaga kapag mahal mo. Babalikan at babalikan mo parin."
Napanganga kami ngayon kay jan dahil sa sinabi niya, teka ano? tama ba ang naririnig ko? hindi niya ba ako sesermunan 'gaya nung dalawa.
Hinarap naman siya ni kisha... "At anong alam mo sa pagmamahal? ano may nilalandi ka na rin?" tanong ni kisha na nagpamula sa mukha ni jan, maputi pa naman siya.
Nakita ko ang pagsulyap niya sa amin pero kaagad siyang umiwas.
"W-wala ah... bakit, kapag ba nagbigay ng advice about love. Dapat inlove ka rin?" pagdedepensa niya
Hinawi naman ni kisha at kamay ni jan na nasa balikat niya at sa akin na naman bumaling
"Sinasabi ko sayo, Ivo Miguel. Huwag ka talagang iiyak kapag nasaktan kana naman. Ipupukpok ko na lang 'yang bato sa ulo mo." inis niyang sabi at inirapan ako
Pero napangiti ako doon dahil alam kong hindi rin nila ako matitiis. Susuportahan parin nila ako.
Inabot ko ang kamay niya, pati na rin ang kay jess... "Thank you! promise, last na'to. Kapag pumalpak pa talaga. Ako na mismo ang lalayo sa kaniya." at tinaas ko pa ang kamay ko at umakto na nangangako sa kanila
Tinawanan lang nila 'yon kahit naiinis pa rin. Nag high five naman kami ni jan dahil suportado din niya ako. Mamaya nga ay mausisa siya kung kumusta ang love life niya. Feel ko may tinatago siya sa'kin.
Tumikhim ng mahina si jess kaya ako lang ang nakapansin noon. Ngumuso si jess at tinuturo no'n si kian. Kaya napatingin ako sa katabi ko na kanina pa tahimik.
Tumango ako kay jess para ipaalam na nakuha ko ang gusto niyang sabihin.
Hinarap ko kian na ngayon ay nasa malayo ang tanaw... "Ahhmm kian, nagugutom ka ba? t-tara bili tayo." pag-aya ko sa kaniya, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Napagawi ang tingin sa amin ni jan, na kay kian ngayon ang focus ng mata niya. Hindi ko alam pero ramdam ko ang kakaiba sa pagtitig niya.
Ang tahimik ni kian at wala siyang comments about doon sa pag-amin ko na okay na kami ni Marcus. Nakikinig lang siya.
Dahil sa pagsalita ko ay napawi ang malalim niyang pag-iisip at humarap sa akin
"Nagugutom ka na ba? anong gusto mo. Ako na ang bibili." sara niya sa notes niyang nasa harapan niya pero hindi naman niya pinapansin kanina pa. Nagbalak kasi kaming gumawa ng ilang assignments bago kami kumain, para rin mabawasan.
"Samahan na kita. Magtingin na lang muna tayo, hindi ko kasi alam kung anong kakainin ko e." pagdahilan ko dahil gusto ko lang talaga siyang makausap. Hindi ko alam kung okay ba sa kaniya, hindi naman kasi siya nagsabi.
Importante sa'kin ang opinyon ni kian, naging close ko siya at naging kasama ko sa lahat. Hindi ko yata kaya kapag nagalit siya sa'kin
Tumango naman siya kaya tumayo na rin ako para makapag lakad na.
Tapat lang naman ng mga tables ang stall's. Nakahilera at palibot lang iyon sa area.
Una kaming nag-umpisa doon sa dulo malapit sa entrance para makita at malibot namin lahat ng mga pagkain dito.
Tingin at sulyap lang ang ginagawa niya sa mga paninda, hindi siya nagsasalita. Nakakapanibago kasi hindi naman s'ya ganiyan dati.
"Kian..." tawag ko
Nagulat siya kaya nilingon niya kaagad ako. Medyo nakatingala ako sa kaniya ngayon dahil mas matangkad siya
Tumaas ang kilay niya sa'kin, nagtatanong kung bakit
Umiling ako at sinubukang tumawa.... "Wala, ang tahimik mo kasi. 'Di ako sanay." sabi ko habang niyuko na ang ulo ko at kunwaring pinaglalaruan ang kamay ko
Nilagay naman niya ang parehong kamay sa bulsa ng uniform pants namin.
Tumawa rin siya pero bakit hindi magandang pakinggan yata... "Wala e, wala akong masabi...." simple pero pakiramdam ko malalim ang kahulugan ng sinabi n'ya.
"Sorry...."
Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtitig niya after kong sabihin iyon
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Kasi tanga ako? Marupok? Madaling mauto?" gaya ng lagi kong naririnig at palaging sinasabi sa akin.
"Nagmahal ka lang. Lahat naman tayo nagiging tanga pagdating sa bagay na 'yan." sabi niya at pakiramdam ko ay sapul sa akin iyon
"Kaya huwag kang magso-sorry nang dahil lang sa nagmahal ka." pahabol niya
Tinignan ko siya at sinalubong ako ng mga mata niyang alam kong may lungkot man ay wala itong halong panghuhusga.
"Hindi ka ba magagalit kasi hindi ko kayo kinausap?" tanong ko
Umiling naman siya bago niya ako sinagot. Kasabay ng marahan at dahan dahan naming paglalakad
"Sa huli, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon, sabihin mo man sa amin o hindi. At alam kong wala naman akong magagawa kung ano ang gusto mo....kung siya ang gusto mo..." hirap niyang sabi sa dulo ng salita niya
"S-salamat...wala e, mahal ko talaga siya. Kaya kahit walang kasiguraduhan, handa akong sumugal ng paulit-ulit." nabahiran ng lungkot ang boses ko.
Siguro tama nga si kian, kapag nagmahal ka ay magiging tanga ka. Nakakatawa kasi tanga na nga ako sa buhay, tanga pa pagdating sa pagmamahal.
"Pero para sa akin ay hindi ka tanga..." sabi niya na nagpakuha ng atensyon ko
Nagtataka ko siyang tinignan kaya hinarap niya ako...
"Hindi ka tanga, Ivo. Siya ang pinili ng puso mo. Nang mga mata mo at ng utak mo. Hindi tanga ang pagbibigay nang pagmamahal para sa isang tao lang..." narinig ko ang mahina niyang tawa... "Kung pagiging tanga pala ang ganoon ay parehas pala tayo?"
Napakunot ang noo ko sa kaniya... "Hah?" anong ibig niyang sabihin?
Ginulo niya ng bahagya ang buhok ko... "Wala. Sana ngayon, ibigay na sa'yo ito ng tadhana no. Yung wala nang iiyak na ivo at wala nang malulungkot na ivo. Kahit anong desisyon mo... susuportahan kita." tinignan niya bago nagpatuloy
"Nandito lang ako palagi, tingin ka lang sa likuran mo kung kailangan mo ng taong mapagsusumbungan ulit, dahil nandoon ako."
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...