"Sabi ko sa'yo agahan natin e!" inis kong sabi kay kian"Sorry na, nalate nga nang gising. Hintayin mo lang, may darating din na jeep."
Napairap naman ako sa sagot niya. Twenty minutes na yata kami dito, sobrang lakas kasi ng ulan kaya ang hirap makasakay ngayon, idagdag pang iisa lang ang payong namin. Buti na lang ay may upuan dito sa paradahan kaya nakasilong muna kami.
Nagpaalam din kasi ako kay Marcus na kung puwede ay kay kian muna ako sasabay. Nagtatampo na kasi talaga sa'kin itong isang ito. Saka balak ko din sana na sabihin na sa kanila na nag-uusap at nagkikita na kami.
Isasabay ko na rin yung pag invite sa kanila sa sunday doon sa bahay nina marcus.
"Ayan! may jeep na, tara..." sabay bukas niya sa payong at kuha sa bag ko
Dahil anong oras na nga, kaya may mga nauna sa'ming nagmamadali din makasakay.
"Shuta, nauna kami oh!" siniko ko kaagad itong si kian, balak pa niya yata makipag away dito.
Nakalapit kami sa isa't isa dahil iisa lang ang payong namin. Buti na lang matangkad itong si kian kaya siya ang may hawak.
"Hayaan mo na, sa susunod na jeep na lang." pagpapakalma ko sa kaniya
"Basa ka na. Kung ikaw na lang kaya muna ang sumakay."
"Hah? iiwan kita dito? ayoko nga." mabilis kong tanggi
Naghanap ako ng tricycle dito sa paradahan pero wala rin, araw araw kasi meron dito, mas mahal nga lang ang pamasahe doon. Kaso dahil sa lakas ng ulan kaya siguro wala silang pasada.
Mas inilapit niya ako sa kaniya... "Lapit ka, basa ka na diyan." alala niyang sabi sa'kin
Nung naging close kami ni kian, naging normal sa akin ang pag-aalala niya. Para ko siyang naging kapatid at kaibigan.
Kumapit ako sa likod ng polo uniform niya at siya naman ay nasa balikat ko ang isang kamay at hawak naman ng isa ang payong.
Nakayakap din sa harapan niya ang bag namin pareho.
Maya-maya pareho kaming natigilan ng may itim na kotse ang huminto sa harapan namin.
Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makilala kung kanino iyon.
Bumaba ang sakay noon, suot ang all white niyang uniporme. Bigla na lang humigpit ang hawak sa akin ni kian.
"Marcus...?" bigkas ko sa pangalan niya
Anong ginagawa niya dito? hindi ba nag-usap na kami. Hindi ako sasabay sa kaniya ngayon. Um-oo siya, akala ko ay nagkaintindihan na kami.
"It's raining heavily. I have a car..." pag gawi ng ulo niya sa kotse niya at tinuro iyon sa amin.... "Baka mamaya pa kayo makasakay. Sumabay na lang kayo sa'kin." yaya niya
Hindi naman umalis sa puwesto si kian, hindi nga man lang siya gumalaw.
"Sorry dude, hindi kami sanay sa kotse mo. Saka padating naman na ang jeep." tuloy tuloy niyang wika na hindi nagbibitiw ng hawak sa akin, sinasalo niya rin ngayon ang tingin ni marcus
Napaigtad ako ng mapunta sa akin ang mata ni marcus at ako ngayon ang tinititigan niya....
Napalunok ako bago nagsalita... "Ahhh.... s-sa jeep na lang s-siguro." kabado kong ani, shit! sorry marcus. Hindi ko yata kayang mapilit itong si kian na sumakay diyan sa kotse mo.
Kita ko ang paglukot ng mukha niya. Yumuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya, grabe nakakatakot siya ngayon.
"Dinig mo 'yon? jeep daw. Kaya sige na, umalis ka na kasi 'di kami sasabay. Yabang, sa'yo na 'yang kotse mo uyy...." kinurot ko siya sa tagiliran dahil narinig ko ang bulong niya
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...