5

2.4K 89 15
                                    


"Yung notes ko??" masungit at malamig nitong sabi

Halos malubog ako sa kinatatayuan ko ngayon

Notes yung kinukuha niya?? E ba't kasi need pa niyang maglahad ng kamay sa harapan ko, assuming pa naman ako!

Puro tawanan na ang narinig ko... kasama na do'n yung tawa ng dalawa kong kaibigan. Humanda kayo sa'kin mamaya!

"Ahh... y-yung... yung notes ba?" sabi ko sabay kamot sa batok

Shit! Nakakahiya ka Ivo!

"Ano sa tingin mo?"

Sungit naman nito, ikiss kita diyan e

Dali-dali akong pumunta sa bag ko para kunin yung notes niya. Saksak ko sa baga niya 'to e.... pero joke lang, mahal ko pala 'yan

Napahinto ako nang maalala na may sinulat nga pala ako dito, 'di naman niya bubuklatin 'diba?

Kinuha ko iyon at bumalik sa harapan niya

"Ito na... salamat. Ganda ng sulat mo." abot ko sa kaniya na malaki ang ngiti

Kahit wala akong naintindihan masaya parin na nahiram ko yung notes niya

Kinuha naman niya 'yon at tumingin sa akin ng kakaiba, magkasalubong ang kilay at biglang binuksan yung notes niya

Dumikit sa'kin sina kisha at jess.... Takte! baka makita niya yung sulat!! grabeng kamalasan naman talaga oh

Ramdam ko ang simpleng pagkurot sa akin ni kisha at pagkapit ni jess

Pare-pareho kaming kinakabahan ngayon

Teka, papunta na siya sa dulo..... Hindi p'wede

Sa sobrang taranta ko, bigla na lang may lumabas na kung ano sa bibig ko

"Marcus! Kain tayo?"

Tangina! ano na naman bang sinabi ko???? nag-aya pa, wala pa nga akong pera

At bakit ko naman siya biglang niyaya? Close ba kami?

Nakita ko ang paninitig nung dalawa kong kaibigan, alam ko na pinapatay na nila ako sa isip nila

Wala eh, napasubo na

"What?" sabi ni marcus at natigil sa pagbuklat nung notes

Awkward ko siyang ningitian... "Ahh.. kain tayo? libre ko. Pa-thank you kasi pinahiram mo kami ng notes mo."

"Wooahhh!! Date ba 'yan Ivo? Ako na lang ang yayaain mo!" sigaw nung isang babae

Tumingin ako doon at kumindat kaya naghiyawan sila... "Sorry, next time na lang. Naka reserve na ako ngayon." sigaw ko

Ang kapal na talaga ng mukha ko, hindi pa nga pumapayag si Marcus e

"Tol! may date ka pala ah..." biro nung kaibigan ni marcus at sumabay sa tawanan

"Shut up!..... and you." at tinuro ako

"Don't.make.fun.with.me." mariing sabi niya at tinalikuran na kami, sumunod naman doon ang mga kaibigan niya

Fun? halikan ko kaya siya ngayon para malaman niyang seryoso ako?

Hulog na hulog na nga ako...

Pagkalayo niya ay huminga ako ng malalim. Shit muntik na 'yon ah, buti nakaisip ako ng paraan.

Hinampas ako sa balikat ni kisha... "Hoy gaga ka, ano 'yon?? Niyaya mo pa talaga."

Hinimas ko yung hampas niya, mapanakit talaga

"Anong magagawa ko? Kinabahan na ako e, baka makita niya yung sinulat natin."

"Ayan, kulit niyo kasi. Sabi ko sa inyo na huwag na." pangongonsensiya ni jess

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now