"Where are you going? Sabi mo kakain tayo pagkatapos?"
Napakurap ako ng ilang beses, ako ba talaga ang kinakausap niya?? himala yata, o baka naalog ang utak niya kanina
"H-huh?" tanging nasabi ko, shuta wala akong masabi sa kaniya ngayon. Hawak parin niya kasi yung kamay ko! kulang na lang mangisay ako sa kilig
Umarko ang kilay niya.... "You asked me earlier, I knew it. You just love to play around."
Kumunot ang noo ko, sinong naglalaro?
"Kapag niyaya ba kita.... papayag ka?" hamon ko sa kaniya, titig na titig ako sa kaniya ngayon
Bahagya niyang binitawan ang kamay ko
"Ask me." maikli niyang sabi at hindi rin nagbibitiw ng tingin
Aba! kahit 200 pesos lang ang extra ko, hindi ako aatras
"Sige... Sabay tayo ngayong kumain."
Tumikhim siya at titig na titig ako sa labi niya, naghihintay kung ano ang sasabihin niya... kinakabahan ako, baka nantrip lang ito tapos aayaw din naman
"Okay. Wait for me, I'll change first." huli niyang sabi at tumakbo pabalik sa court at kinuha yung bag, umalis siya para magbihis muna
Gago! totoo ba 'yon?? mag lunch....kaming dalawa lang??
Nakatulala Kaming tatlo ngayon, hindi makapaniwala sa nangyari. Para kaming mga nananaginip!
Kita ko rin ang paninitig at pagkabigla nung mga estudyante, hindi yata makapaniwala rin na pumayag sa'kin si Marcus
"Teh!! End of the world na ba..??"
"No, I think last day na sa earth ni Ivo..."
Wala sa sariling sabi nina kisha at jess
Napangisi naman ako... sabi na, imposibleng hindi mahulog si Marcus sa'kin. Saan pa siya, pogi na magaling pa sa sports. 'Yun nga lang bagsak pagdating sa acads, wala e hindi pinalad mabiyayaan ng matalinong utak
"Good luck teh, sana mapapayag mo sa karinderya si marcus." ani kisha
"True, mauna na kami. Ifeel mo na ang moment mo ngayon kay Marcus. Baka kasi naalog lang utak no'n kanina kaya pumayag." pang-asar naman ni jess
Tss! dedma sa bashers....
"Umalis na nga kayo. Date namin ni Marcus 'to, huwag niyong sirain ang mood ko."
Ang saya saya ko ngayon at walang p'wedeng sumira noon
Umalis nga silang dalawa at naiwan akong mag-isa dito sa bleacher. Nagsi-alisan na rin yung ibang estudyante dahil wala na rin naman yung grupo nina Marcus.
Ilang oras na akong naghihintay..... kapag talaga ako niloloko lang nung lalaking 'yon, makita niya talaga!!
Patingin-tingin ako sa relos ko, 30 minutes na siyang wala. Tuloy pa kaya? baka nga nantrip lang. Sana pala sumabay na ako sa mga kaibigan ko.
Ang tanga ko naman para umasa....
Kinuha ko yung bag ko, huminga ako nang malalim, pinaghalong inis at lungkot yung nararamdam ko ngayon
Tumayo ako at napagpasiyahang umalis na lang, I hate you Marcus! paasa ka!
Nagsimula na akong maglakad, sa first gate ang daan ko kasi mas malapit naman doon ang kainan sa labas.
Nang bahagyang nakalayo na ako, malalim at malakas na boses ang bumalot sa buong gym
"Ivo!!!"
Boses na nagpapabilis ng tibok ng puso ko
Nilingon ko iyon at nakitang si marcus iyon. Nakabihis na siya ng round sweater at black pants.
Tinakbo niya ang kinaroroonan ko at paglapit pa lang niya ay kaagad ko nang naamoy ay mabango niyang pabango
"Hey! where are you going? I told you to wait for me..." bungad niya
Parang tanga akong nakatitig pa rin sa kaniya...
"H-huh.... a-akala ko kasi h-hindi na tuloy..." nauutal kong sabi, shit! nawawala talaga angas ko kapag ang lapit niya
"Pumayag ako 'diba, I always keep my words."
Ang pogi talaga niya kapag nagtatagalog siya, kahit anong gawin yata niya ang lakas ng dating niya e!
Napangiti na lang ako sa kaniya... So hindi niya ako pinaasa. Hindi paasa ang crush ko!
"Let's go..." yaya niya, yung sumunod niyang ginawa ang nagpa gulat sa akin ng husto
Kinuha niya yung bag ko!!! siya ang nagbitbit noon, nakatitig ako sa kaniya, alam kong alam niya 'yon
"Let me carry your bag. Pinag-antay kita kaya babawi ako."
Napatulala ako, shuta! kung ganito lang pala siya kabait. Kahit ilang oras pa niya ako paghintayin
Tumango lang ako at sumunod sa kaniya... first gate ang daan namin. Sinusundan ko lang siya. Nahihiya ako ngayon magsabi kung saan kami kakain. Parang kanina lang ang yabang ko mag-aya
Yung likod niya, yung paglalakad niya. Kahit nakatalikod siya sobrang gwapo niyang tignan. Sobrang bango rin, hindi nakakasawang amuyin
Dahil nauuna siya sakin at nasa gilid niya ako at bandang nasa likuran niya, kinuha ko yung phone ko at simple ko siyang pinic-turan. Nakapamulsa siya habang bitbit ang bag ko sa kaliwang balikat niya.
Mahina akong napahagikhik.... ang sweet naman, parang boyfriend ko na talaga siya
Napahinto ako at napatayo ng tuwid ng bigla siyang humarap sa akin
Kumunot ang noo niya... "Why you're walking so slow?" takhang tanong niya
Sungit talaga.. humakbang ako ng bahagya at tumabi sa kaniya
"Malay ko ba kung gusto mo akong katabi. Mamaya bigla mo na lang akong ibato dito." biro ko, pero half meant iyon. Paano kung totoo nga, irita pa naman 'to sa'kin
"What? Anong akala mo sa'kin. Bola lang ang binabato ko. Hindi tao."
Napalingon ako sa kaniya at natawa.... okay 'to ah, ayos din mag joke
Pero kung ibabalibag naman niya ako ayos lang... basta may yakap at kiss na kapalit
Nakalabas na kami ng gate, may malapit na karinderya sa tapat. Tangina naman paano ko siya yayaain na kumain diyan.
Hindi ko rin naman siya matanong kasi paano na lang pag sa mamahalin niya gustong kumain? wala akong pera!!
Pigil at tago ang kaba ko, ayokong ipahalata sa kaniya pero sobrang nastress na talaga ako.
"Where do you want to eat?" napaigtad ako ng bigla niya akong tinanong
Nakatingin siya sa akin ngayon at naghihintay ng sagot ko
Tinignan ko siya at alangan na sumagot... "Ahhm.. I-ikaw... saan mo g-gusto?" kainis! hindi ko siya mayaya sa karinderya. Hindi naman nakakahiyang kumain sa ganiyang klaseng kainan, kaso kasi baka hindi naman niya kayang kumain diyan
Tumingin siya sa paligid at hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi
"Sa karinderya na lang tayo." sabay turo niya sa tapat
Tinignan ko pa 'yon ng mabuti.... tama ba yung nakita ko? doon niya piniling kumain kami? Hanep! okay naman pala talaga itong si marcus e, 'di maarte
Ang galing ko talagang pumili ng crush
Nakahinga na ako ng mabuti at ngumiti ng todo sa kaniya
"Sureee! kung diyan mo gusto. Tara?" masigla kong aya sa kaniya
Tumango siya at naglakad kami papunta doon
Habang naglalakad kaming dalawa, hindi mapaliwanag ng isip ko yung saya na nararamdaman ngayon ng puso ko
Imagination ko lang ito dati... ngayon ito na, nangyayari na at sana magtuloy-tuloy pa
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
Roman d'amourCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...