23

2.1K 80 2
                                    


Halos magpantig ang tainga ko sa lakas ng palakpak ni kisha

"Congrats teh, hindi ka na marukpok. 10/10 sa'yo, sa wakas naman at natauhan ka na." masigla niyang pagpuri sa akin

"Bakit naman siya nandito? ang akala ko umuwi na sa china 'yon?" sabat ni jan sa usapan namin.

Nasa auditorium kami kung saan nandito lahat ng educ dahil dito gaganapin yung orientation.

Nakaupo kami ngayon dito sa loob at naghihintay lang mag-simula.

"Ewan ko, baka may pinuntahan lang." tamad kong sabi

Parang mga tanga na nagtinginan silang lahat sakin

"Sino naman? Ikaw?" may bahid ng pang-aasar si kian

Kaya binatukan ko siya sa tabi ko.... "May sinabi ba akong ako ang pinunta niya?" singhal ko

Kung ako pupuntahan no'n, sana noon pa.

"Pero, bakit nga kaya siya nandito? imposible naman na trip niya lang diba." nagtatakhang ani jess

"Baka naman dito mag-aaral?" usisa din ni jan

Bwisit 'tong mga mokong na 'to. Ano bang pake ko.

Umayos ako ng upo... "Alam niyo, buhay niya 'yon. Kung gusto man niyang maglibot dito, e di go. Ang lawak ng cl no. Huwag lang talaga siyang magpapakita sa'kin." bulalas ko

Sinukbit naman ni kian ang braso niya sa leeg ko.... "'Yan, ganiyan dapat..." tinapik niya ako ng mahina sa dibdib.... "Huwag ka ng magiging marupok ah!" sabay gulo sa buhok ko

Kita ko ang sama ng tingin ni jan, parang bata. Malas niya at nasa dulo siya ni jess nakaupo kaya hindi niya rin ako maasar ngayon.

Natahimik ang lahat ng may magsalita sa harap. I think ito yung college dean namin.

"Goodmorning mga ka-educ. Kumusta ang lahat?" panimula niya

Kaagad namang umingay ang buong audi sa pagsagot ng mga estudyante.

"Masaya po!!" pagsigaw ni kian sa tabi ko, ngumisi ako, sana all masaya.

"I want to congratulate all of you for being here at Central Luzon State University before the orientation begins. I am proud to see so many students interested in pursuing education. Muli, napatunayan ko na hindi namamatay ang edukas'yon sa puso ng mga mag-aaral." at masigabong palakpakan ang bingay naming lahat

"At sa ating mga bunso na naririto ngayon. Hangad ko ang magandang karanasan niyo dito sa ating unibersidad...." sus dean kung alam niyo lang, minalas na ako kanina pa.

"Sana ay magkaroon kayo ng magandang ikukuwento tungkol sa naging buhay niyo dito sa loob. Nawa'y magsilbing inspiras'yon din ang mga ate at kuya niyo na magtatapos sa kursong edukas'yon para kayo ay magpatuloy....."

Nagtagal ng ilang minuto ang speech ni dean, at sinundan iyon ng ilang faculty staff at ilang mga student leaders. Pinakilala rin sa amin ang mga student organizations na pupwedeng salihan, at ang pang huling gagawin sa orientation na ito ay ang college tour na halos lahat kami naeexcite. Nandito na kami ngayon sa harap ng audi para itour ng mga naka assign sa aming student leaders.

"Hoy tandaan niyo yung mga i-tour sa atin ah. Para naman 'di na tayo maligaw dito." paalala ni jess.

Natawa ako ng maalala yung experience namin nung first day, naligaw kami kaagad.

Tumango kaming lahat at naghahanda na. Kaniya kaniyang student leaders ang sasamahan namin para mas madali, nagsama-sama na kaming lima para mas masaya.

"Okay mga bunso, ako nga pala si ate lara, from BPED 4-1 at part din ako ng  student council. Ako ang mag tour sa inyo dito sa loob ng university. Ready na ba kayo??" energetic na sabi ni ate

"Readyyy naaa!!!" masigla naming tugon

Bumulong si kian sa tabi ko, "Ganda ni ate, sayang at graduating na."

"Hindi ka naman papatulan niyan." balik ko

Kumunot ang noo niya sa'kin.. "Bakit naman hindi? pogi ko kaya." at sinuklay ang buhok at nagpa cute

"Feel ko ayaw ni ate sa bobo."

"Hoy! grabe ka ah. So sinong bagay sa akin, isang bobo rin?" natatawa siya ngayon sa sinabi niya

"Kung....pati bobo ay papatol sa'yo." napatakbo ako ng kaunti dahil alam kong babatukan niya ako

Tumatawa naman akong tinignan siya, dumila ako kaya mas lalo siyang naasar.

Hahabulin pa niya sana ako kaya balak kong tumakbo ulit ng bigla akong may mabangga, muntik akong matumba dahil isang malaking tao yata ito nakabanggaan ko. Pero buti na lang ay nahawakan niya ako sa baywang.

"Oopss...sorry po. Hindi ko po sinasadya-- marcus?" hindi ko na naituloy dahil sa gulat kong si marcus pala ang nabangga ko

"Careful..." sabi niya at hawak pa rin ako

Kaagad akong bumitaw sa hawak niya, nilingon ko yung mga kaibigan ko ngayon at lahat sila naestatwa ngayon. Gulat na gulat din.

"A-anong ginagawa mo dito, sinusundan mo ba ako?" pati ba naman dito sa labas ng auditorium ay makikita ko siya. Ang laki nitong cl, bakit biglang lumiit yata?

Tumikhim siya... "I just ate my breakfast...." sabay turo doon sa university canteen na katapat... "I happened to see you by chance."

Natahimik naman ako... Oo nga, sinabi niya pala kanina na gusto niyang kumain, niyaya pa nga ako. Ba't ba ang assuming ko, sakit ko na yata ito.

"Okay." at aalis na sana pero hinawakan niya ang wrist ko

Nakita ko ang kakaiba sa mata niya, bakit parang hindi na sin-lamig ng yelo ang mga tingin niya? hindi kagaya noon na pakiramdam ko ayaw niya sa presensya ko.

"Puwede ba tayo mag lunch mamaya?"

Nahirapan akong lumunok... Bakit niyaya niya ulit ako? hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya

"Ahhmm.." pilit kong hinahanap ang boses ko

Bago pa man ako magsalita ay pinutol iyon ng pagtawag sa akin ni kian.... "Be, tara na!"

Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa'kin at paglungkot ng mata niya.

"Sorry, hindi ako puwede. Ikaw na lang." at tinakbo ko na pabalik at pumunta sa tabi ni kian, na agad naman akong sinalubong ng akbay niya

Nilingon ko si Marcus at Nandoon pa rin siya kung saan ko siya iniwan at hindi pa rin nagbibitiw ng tingin sa amin.

Naramdaman ko ang kamay ni kian sa mata ko, na bahagya iyong tinatakpan.

"Focus, Ivo. Hindi na siya ang mundo mo diba? nakagawa ka na ng bagong mundo kung saan hindi ka na masasaktan. Iiwan mo lang ba ulit iyon para sa kaniya?" nahihirapan man akong makakita dahil sa kamay niyang nakaharang ay hindi nakatakas sa akin ang lungkot na pinapakita ng mata ni marcus.

"A-alam ko. Huwag kang mag-alala, hindi ko iiwan ang mundong binuo ko para lang malubog ako ulit sa mundong kasama si marcus."

May kirot man sa dibdib ko ay pinagpatuloy ko ang paglakad palayo sa kaniya, katabi ko si kian at nakaakbay pa rin.

Tama siya, hindi ko dapat bitawan ang mayroon ako ngayon para lang hawakan ulit siya, na matagal naman nang nakawala sa akin.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now