"Ano 'yon? tangina, may pahawak pa sa baywang mo.""Kaya nga, parang yung mga napapanood ko lang sa movies."
"Sus, movie? Tapos ano, si marcus ang leading man ni Ivo?"
"Ang pangit naman ng leading man kung gano'n."
Naririndi na ako, kanina pa sila salita nang salita tungkol sa nangyari kanina.
Nilingon ko sila at pinutol kung ano man ang pina-uusapan nila... "Hindi nga sadya iyon, nabangga ko siya kaya natural naman yung reaksiyon niya."
Napangiwi silang lahat sa akin...
"Ba't mo pinagtatanggol? crush mo pa no?" lapit sa akin ni kisha at kinukulit ako ngayon
"H-hindi ah..."
"Sus, ba't namumula ka?"
Napahawak naman ako sa pisngi ko. Totoo ba? namumula ba ako?
"Kitams! kinikilig ka eh!!, Guys tignan niyo si Ivo oh...." sumbong niya sa mga nasa likuran namin
Naglalakad na kasi kami pabalik sa educ building, katapos lang namin mag lunch after nung college tour. May Welcoming activity naman kami ngayon.
"Ano ba! hindi nga sabi, tigilan mo nga ako." reklamo ko
Bigla namang tumabi sa akin ngayon sina kian
Nagulat ako ng bigla niya akong iharap sa kaniya kaya natigil ako sa paglalakad. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. Nanlalaki ang mata kong nakatingin ngayon sa kaniya...
"Patingin nga..." sabay baling sa mukha ko na parang sinusuri niya.... "Kinikilig ka do'n?"
Inis kong inalis ang kamay niya.
Kunwaring pinunasan ko ang mukha ko... "Ang baho ng kamay mo!" biro ko... "At hindi ako kinikilig okay, mainit lang." pagdadahilan ko, kahit na pakiramdam ko si marcus nga ang dahilan ng pamumula ko
"'Yon naman pala eh, tigilan niyo na nga si Ivo at marcus. Move on na 'tong pare ko, diba?" at inakbayan ako
"Guys, tara ice cream mamaya oh. Yung hindi pa nakakamove-on ang manlilibre." sabat ni jan habang nakangisi, tinapunan ko siya ng masamang tingin. Gago 'to, alam kong ako ang pinariringgan niya
Nakarating kami sa educ building ng puro asaran nila. Nasanay naman ako sa kanila, iba lang ngayon dahil si marcus ang pinang-aasar nila sa'kin. Speaking of marcus, hindi ko na siya nakita after naming magkita kanina. Siguro ay umuwi na.
Dahil iilang students lang ang nandito, napagpasiyahan na magsama-sama na lang kaming mga nandidito ngayon para sa welcoming activity.
Nagpakilala muna ulit yung ilang faculty staff na nandito. Ang student organizations and mga student leaders ang may hawak ng event na ito ngayon kaya sila ang nangunguna.
Unang naging ganap ay Introduction, nagsabi lang kami ng names namin and hobbies. Ngayon naman ay tinatanong kami kung bakit educ course ang napili namin.
"Ako po educ, para may libreng cake at chocolates. Wala kasing nagbibigay e." sabay ngiti ng malawak ni kian
Napakamot na lang ako sa ulo ko, ang kapal ng mukha ng gago.
"Ako naman po educ, kasi sabi nila turo-turo lang." si jess naman, tangina ba't ganiyan mga sagot nila?
"Educ para laging may Goodmorning. 'Di kasi siya nagrereply sa mga text ko." malungkot na sabi naman ni kisha at yumuko, tinawanan naman ng lahat iyon
Si jan naman ang tumayo ngayon at nagsalita.... "Bakit ako nag educ??? pinag-iisipan ko rin e." sunod sunod na tawanan na naman ang narinig namin
Tangina, mga baliw talaga 'tong mga hayop na 'to.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...