Masiyado pang maaga, pero nasa university na ako. Excited lang yata talaga ako para sa unang araw ko as a first year college.Akala ko hindi ako makakapasa sa admission test dito sa clsu o Central Luzon State University. Kilala kasing public university itong pinasukan ko dito sa nueva ecija, kaya madami ang naghahangad na makapasok.
Bukod sa walang bayad ay grabe rin ang quality ng education dito. Isa din ito sa pinaka malaki at pinaka malawak na university.
Kaya ganoon na lang talaga ang saya ko nang makita na nakapasa ako. Kinabahan ako sa exam pero nag review talaga ako para makapasa.
Kursong education ang kinuha ko at nagkuha ako ng physical education na major dahil alam kong doon ako mag eexcel. Mahilig ako sa sports, lalo na sa badminton. Sabi nila kung papasok ka sa college ay dapat yung gustong course ang kunin mo para may gana kang aralin iyon.
Pero siyempre alam kong hindi sa lahat ay ma-apply iyan. Kaya suwerte ko na lang din at may ganitong libreng course dito.
"Aga mo ah. Hindi ka na yata natulog eh" Bungad sa akin ni kian nang makalapit siya. Medyo magulo pa ang buhok niya.
And yes, himalang same course ang inapplyan namin. Lucky, kasi nakapasa rin naman siya sa admissions test. Since mahilig din naman siya sa sports ay iyon na rin ang gusto niyang kuhanin sa college. Kaya ito, magkasama kami.
Mas naging close din kami lalo na at sabay kaming nag-aayos ng requirements noon para makapag exam kami at para maging totoong students dito sa clsu.
"Hindi rin ako gaanong nakatulog kagabi eh, tapos maaga pang nagising. Kaya pumasok na lang ako ng maaga. Saka may event naman, sakto lang din 'yan." paliwanag ko sa kaniya
May parade din kasi mamaya by department. SIKAD ang tawag dito sa three days event para sa pag welcome ng bagong academic year at para na rin sa aming mga freshie students.
"Attend ka ng parada?" tanong niya habang inaayos ang sintas ng sapatos niya, nasa waiting shed kami ngayon dito sa second gate. Hinahantay ko siya at yung mga kaibigan namin.
Tapat iyon ng overpass kung saan kita namin ang mga estudyanteng nagsisipasok na rin.
"Siyempre, ikaw ba hindi? huwag mong sabihing iiwan mo ako?" inis kong tanong sa kaniya, blockmates din kasi kami.
Tumawa naman siya... "Chill, wala naman akong sinabing hindi ako aattend. Anong oras ba?"
Tumingin naman ako sa relos ko bago siya sinagot... "7:00 am sharp daw eh. Sana hindi filipino time." uso pa ba iyon sa college? sabi nila bawat oras ay mahalaga dito. Baka naman scam lang din
Hindi rin kami naka uniform pa dahil hindi pa namin iyon nakukuha. Naka denim pants lang ako at kulay puti na polo shirt na medyo fit sa akin. Habang naka black trouser pants naman itong si kian at pinaresan ng white sweatshirt.
Umupo siya sa tabi ko... "Gusto mo ng taho?" biglang alok niya sa akin, may nagtitinda kasi ng taho dito mismo sa pinaghihintayan namin
"Libre mo?" biro ko
"Sige, basta sagot mo pamasahe ko mamaya...joke lang." biglang bawi niya dahil masama ko siyang tinignan. Pag nag-alok ka dapat libre mo, s'yempre nagtanong ka e!
Kinuha muna niya ang wallet niya sa bag at dumiretso sa nagtitinda... "Manong, dalawang taho nga po." rinig kong ani niya
25 ang isang taho, medyo malaki kasi ito. Parang yung lalagyan ng sa milk tea.
"Salamat!" sabi ko pagkabigay niya sa'kin. Maaga akong umalis kaya hindi ako nakapag breakfast. Ang ganda talaga ng timing nitong si kian
"Sus, ikaw pa. Lakas mo sa'kin eh."
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...