37

729 27 9
                                    


"Akala ko ba welcome kami dito? ba't parang kakatay naman sa tingin 'yang boyfriend mo?" si jan na nasa tabi ko ngayon habang bumubulong

"Mga boplaks! paanong 'di sasama tingin sa inyo, pareho kayong nakaakbay kay Ivo ngayon. Tabi nga, tsupi..." si kisha na pumagitna sa amin, hinawi niya yung dalawa sa tabi ko at inalis ang akbay nila.

Mabilis naman na umayos sina kian at jan dahil mukhang iyon nga ang kinaba-badtripan nitong si marcus.

Bumaling si kisha kay marcus... "Hi, Marcus. Long time no see," at pabibong bumati

Umalis naman ang pagkunot ng noo ni marcus at lumapit sa amin... "Yeah, it's been a while. I'm glad you all came."

"Pare, ang ganda talaga ng bahay niyo. Puwede kaming mag overnight?" tanong ni jan, minsan nakakahiya talagang kasama 'yan. Kapal ng mukha e.

Binatukan naman siya ng mahina ni kian at kinausap din si marcus... "Salamat sa pag-imbita, pre."

"It's fine. It was my boyfriend's idea." hala! boyfriend daw.

Kita ko naman ang mapaglarong ngisi ni kisha, pati ako pigil ang ngiti. Tangina, tagos sa buto ang kilig!! sure ako na gano'n din si jess, sayang lang at hindi siya nakasama ngayon.

And yes, idea ko ito. Gusto ko kasi na makabonding nila si marcus. Saka katatapos lang ng first term exams feel ko deserve naman namin ang mag enjoy.

"Uy ano iyon? ang bango ah! naghanda ka, pre? sakto nagugutom na kami." halos gusto ko na lang kainin ng lupa itong si jan, sineminar ko pa silang lahat kanina na maging maayos sa harap ni marcus. Hayop, mga balahura talaga...

"Ahmm.. yeah, si nana mela ang nagluto. You can go there first." sagot ni Marcus

Nagsenyasan naman ang tatlo kong kasama at nauna nang nagpunta sa kusina. Naiwan kami ni marcus dito sa napakalaki nilang sala.

"Hi"bati niya

Ngumiti naman ako... "Hi, pasensiya ka na sa mga kaibigan ko. Makukulit talaga ang mga 'yon."

Nakakahiya, ako pa naman ang nagpumilit. Baka 'di sanay si marcus sa gano'n.

Inabot naman niya ang kamay ko... "Hey! It's fine. I actually don't care, all that matters to me is you."

Talagang nakuha pa niyang bumanat ah, parang tanga naman ihhh

Nahihiya akong ngumiti, pakiramdam ko namumula ang pisngi ko.

"A-ang...corny mo." tumawa ako para itago ang kilig

Bahagya rin siyang natawa... "What? I'm telling the truth."

"Oo na, tanghaling tapat nagpapakilig ka."

"Don't worry, sa gabi ibang kilig naman..." bulong niya at pinasadahan ako ng tingin

Hinampas ko siya ng mahina

"Ga--- baliw, ang manyak mo!" shit muntik pa akong makapagmura, ayaw niya nga pala.

"Ikaw lang naman ang minamanyak ko, so i guess.... it's fine?" dinilaan niya ang labi niya at hinaplos ang kamay ko.

Tinalikod ko na siya at bahagyang tinu-tulak para makapunta na rin kami sa kusina, mamaya saan na naman mapunta itong usapan namin.

"Tara na! ang kalat mo." natatawa kong sabi

"Baby..." parang bata niyang tawag sa'kin. "Sa taas na lang tayo kumain."

"Marcus Yvan Lim!" banggit ko sa name niya, may tono iyon na pinapatigil ko siya. Baka mamaya patulan ko talaga.

"Yes, Ivo Miguel Dela Vega-Lim?" may mapaglarong tono sa boses niya

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now