27

744 35 26
                                    

(Warning: slightly R-18)

"Bukas ay hindi ako sasabay ah. Nakakahalata na sila kaya sa kanila muna ako sasabay pauwi."

Sabi ko habang nakakandong ako kay Marcus at nakaharap sa kaniya. Yes, nasa kotse niya kami ulit.

Naka park ito malayo sa mga dinaraanan ng tao, pero loob parin naman ng uni. Sa ilang linggo, ganito ang naging routine namin ni marcus. Palagi niya akong hinihintay pauwi at siya ang naghahatid sa akin.

Nagi-guilty na nga ako kasi parang pinagtataguan ko sila. Si kian, nagtatampo na nga sa'kin 'yon at hindi na kami nagsasabay halos. Sa umaga kasi minsan maaga din ang alis ko dahil ayaw pumayag ni marcus na siya ang kasabay ko.

"Why?"

Pinaglalaruan ko ang kamay niya ngayon.... "Sa kanila nga muna ako sasabay. Nagagalit na sila." paliwanag ko

"Bakit hindi na lang natin sabihin sa kanila?" sabi niya na kaagad kong inilingan

"Huwag muna! h-hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag e."

Narinig ko ang mahina niyang pagbulong... "Tell them that we're seeing each other. How hard for you to say that, huh, baby?"

"Marcus, hindi mo naiintindihan. Sa apat na buwan na wala ka, nakita nila kung paano kita iyakan. Sa apat na buwan kami-kami ang magkakasama. At sabi ko....hindi na ako babalik sa'yo e, kaso ang...rupok ko." mahina kong sabi sa dulo dahil nahihiya ako

Tumawa naman siya at hinaplos ang likuran ko... "Pinagpapasalamat ko talagang marupok ka. Pero dapat ay sa'kin lang."

"Sa'yo lang naman talaga. Nga pala lalo kang gumwapo sa uniform mo." malaking ngiti ko habang pinasadahan ng tingin ang katawan niyang suot ang all white uniform.

May id na rin siyang suot at nakita kong 'central luzon state university, college of veterinary science and medicine' ang nakalagay doon sa lace.

Tinignan ko ang harap ng id niya at binasa ko ang nakalagay.

"Marcus Yvan Lim. Doctor of Veterinary Medicine."

Vetmed ang kinuha niya, kaya all white uniform din ang suot niya ngayon. Bagay sa kaniya, mas lalong naging malinis at guwapo siyang tignan.

Parehas kami na naka uniform na, pero beige polo ang akin at choco brown na slacks pants dahil educ student ako.

"Do I look good, baby?" may yabang niyang tanong

Tumango ako... "Bagay sa'yo. Hindi mo sinabing magiging doctor pala ng mga hayop ang gusto mo. Kaya ko namang tumahol, 'di sana ginawa ko 'yan nung high school, baka napansin mo pa ako." biro ko at natawa ako ng maisip iyon.

"Tahol? ang dali no'n. I have an idea that I would like you to do." ngisi niya sa'kin, at kakaiba ang tingin

Kumunot naman ang noo ko sa kaniya... "Ano naman?"

Nilapit niya ang bibig sa tainga ko at...

"Puwede kang gumapang....sa ibabaw ko." napaka sexy ng pagkasabi niya no'n

Hinampas ko siya sa braso... "Ang...bastos mo!" shit! feel ko namumula ang mukha ko, malandi lang ako pero hindi ko pa talaga naisip na....ahh! epal ka talaga Marcus, dinudumihan mo ang isip ko!

"Momol lang...ang kaya ko." pahabol ko, pero halos ilubog ko na ang sarili ko dahil sa tinging binibigay ni marcus ngayon sa'kin.

Sa ilang linggo kasi na nagkikita kami, palagi lang akong naka-kandong sa kaniya at palagi lang din niyang hinahalikan ang leeg ko. Pero sinabi kong huwag niyang kakagatin dahil ang gago, nag-iwan ng marka noong unang kita namin dito. Buti na lang naitago ko.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now