8

2.1K 108 30
                                    


"The game will start in 5 minutes!.."

rinig kong sabi nung announcer. Nakita ko rin na tumayo at pumasok na sa court yung first five sa grupo nina marcus

Yung tatlo niyang kaibigan, si Kenneth, Joshua, and tom. May isa na pamilyar dahil madalas ko rin siyang makita sa room nila. Then pang last si Marcus.

Mas dumoble ang hiyawan ng mga tao sa pagpasok nila sa court. Hindi naman gaanong malaki itong venue kasi sa finals pa gagamitin yung malaking gymnatorium.

"Go! Go! Marcus, Go STEM!!!" sigaw ng mga kaklase niya sa kabilang bleacher

Halos lahat kami naka suporta ngayon, actually hindi nga dapat kami nandito dahil HUMSS kami, kaso wala naman kasing sumali sa mga kaklase ko kaya sa kanila na lang ako makiki cheer.

"Huy teh, ba't ang tagal mo? 'di mo nakita. Grabe ang ngiti nung bebe mo kanina." bulong ni kisha sa'kin

Nilapit ko naman ang ulo ko dahil hindi kami magkarinigan

"Baka katext yung baby niya?" biro ko, posibleng ako ba? Unless may ka text mate din pala siyang iba

Lumingon sa'kin si kisha at ngumuso.... "Baby? May baby na siya?" gulat pa n'yang tanong

Huh? Slow naman nitong babaeng to! Siyempre wala, para naman papayag akong may umagaw sa kaniya

"Hoy mag start na, ano 'di tayo mag cheer?" pigil ni jess sa'min

Nagkatinginan kaming tatlo at hudyat na'yon na magsimumula na rin kaming mag cheer

Tumayo ako at tinaas ng kaunti yung banner

"Go! Go! Marcus, kain tayo pagkatapos!!!" walang hiya kong sigaw

Nakatayo pa rin ako at kita ko ang pagtigil nung grupo niya sa court at pagtingin sa akin. Kita ko ang malalaking ngisi sa labi nila ngayon

Tumingin ako kay marcus at blangko ang emosyon niya pero hindi iyong galit, parang... may iba

"Ivo! Lakas mo talaga, sana kami rin yayaiin mo kumain pagkatapos!" rinig kong sigaw nung kaibigan niya, si Kenneth

Bakit naman kita yayayain? Sino kaba...joke lang

"Sure ba basta ireto niyo ako kay Marcus!!" parang tanga na yata kami ngayon at nagsisigawan kami

Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko at nag-apir, may iba naman na hindi natutuwa. May narinig pa ako galing sa likuran. Papansin daw

Pake nila? Sa baby Marcus ko lang naman ako nagpapapansin, hindi naman sa kanila

Sasagot pa sana si Kenneth pero hinatak na siya ni Marcus, at umiiling ito

Na beast mode ko na naman yata siya. 'Di bale babawi kami sa cheer

Nag start ang laro, kaagad na ramdam ang tensiyon

Grade 12 din ang kalaban nila pero ABM, medyo intense kasi mga ayaw din magpatalo

Na kay tom ngayon ang bola at dinidepensahan naman iyon nina marcus

Mabilis ang galaw ni tom kaya hindi iyon naagaw at naishoot!

Naghiyawan kami dahil sa tuwa

Ngayon na kay marcus naman ang bola, pansin ko na yung team captain sa kabila ay nakay marcus palagi ang tuon. Parang siya lang iyong binabantayan palagi

Ilang ikot ang ginawa ni marcus at sa huli, naishoot niya rin yung bola kaya dagdag puntos na naman

Nagtagal ang laro at last game na. Lamang sina marcus pero kaunti lang 'yon dahil humahabol talaga ang kalaban

75-85 ang scores

Kabado kami dahil kapag hindi sila nanalo ngayon, matic na tanggal na rin sila sa finals

Kabado na rin ako, alam ko naman na ipapanalo talaga 'yan nina marcus pero hindi ko maiwasang kabahan

May pailang agaw ng bola yung kalaban kaya nagdikit ngayon ang scores nila

88-90, shit ang intense naman nito, sana pala bumili rin ako ng pagkain

Na kay marcus ang bola, ilang minuto na lang... Sa kaniya nakasalalay kung mananalo ang grupo!

Mainit din ang pagbantay ngayon kay marcus, lahat kabado. Pati ako, as in pinagpapawisan ang kamay ko. Pero gusto ko na lang talaga bigwasan yung dalawa kong kaibigan ng bigla silang kumanta

"Basketball ang sports ng boyfriend ko
Kahit nakapikit, shoot, walang sabit"

Si kisha na talagang pinaririnig pa sa akin.

"I-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball
I-shoot mo na ang ball, ang sarap mag-basketball"

"Ishoot mo Marcus.."

Tangina, talagang gumaya pa itong si jess? natatae na nga ako sa kaba

"Hoyy nakuha niyo pang kumanta!"

Humalakhak naman sila... mga baliw talaga

Naghiyawan ang mga audience kaya nabalik ang tingin ko sa court

Matic na tinignan ko ang scores at nagtatalon ako sa saya ng makitang nanalo ang team nina marcus!

Nagsitalunan na rin ang dalawa kong kaibigan at ilang mga estudyante. Sayang! paepal kasi itong dalawa, 'di ko tuloy nakita kung paano nai-shoot ni Marcus yung bola

"Galing talaga ng baby mo Ivo!"

"Naman! magaling ako pumili ng crush no." sabi ko kay kisha na siya namang umirap sa'kin. Hindi gaya niya, ang papangit ng nagiging crush niya

"Dinumog agad si Marcus, paano ka makakasingit ulit niyan." dismayadong ani jess

Napatingin naman ako sa court at totoo nga, dinumog agad ang grupo nila. Nauna pa talaga sa'kin?

"Hindi naman tayo papansinin ni Marcus, cheer lang naman ang pinunta natin 'diba. Tara na iligpit na natin itong tarpaulin at ng makapag lunch na tayo." kalmado kong sabi

Lumingon kaagad si kisha sa'kin... "Huh? Akala ko yayayain mong kumain si Marcus?"

"As if namang papayag 'yon! tara na." kinuha ko yung bag ko at tinupi yung tarpaulin at nilagay iyon sa loob.

Gusto ko siyang yayain kaso bukod sa karinderya lang ang kaya ko, hindi rin naman sasama sa'kin si Marcus.

Naramdaman ko naman na sumunod sina kisha at jess, kinuha narin nila ang bag nila. Rinig ko ang mga buntong hininga nila, masasama ang loob.

"Mga mukha kayong tanga... ayusin niyo iyang mukha niyo. Hindi naman ito ang unang beses na hindi tayo nakalapit kay marcus after the game ah, hindi pa ba kayo nasanay?" alu ko sa kanila

Ako? Sanay na sanay na. Alam kong sa ilang taon, kilala na ako ni marcus dahil nagpapapansin ako. Pero walang nangyayari doon dahil wala siyang pakialam

Tuwing game din niya sa basketball ay hindi kami nakakalapit dahil dinudumog o 'di kaya'y ayaw niya ng magpalapit ng iba sa kaniya dahil pagod na raw

Madalas din....no palagi! palaging masungit ang tugon niya sa'kin. Lalapit pa nga lang yata kami nakasimangot na siya na akala mo mga virus kami

Pero ewan ko, sinubukan ko naman mag move on kaso wala e, siya talaga! Lintek na pagmamahal ito. Ang sakit sa puso

Paalis na sana kaming tatlo ng biglang may humawak sa wrist ko...

Handa na sana akong sigawan sila ng akala ko si kisha or si jess ang humawak sa akin, pero nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito...

Si Marcus...... nakalapit sa akin at siya ang may hawak sa wrist ko ngayon, sobrang lakas nang kabog ng dibdib ko. Shit! Nananaginip ba ako???

Pero kaagad na nasagot ang tanong ko nang magsalita siya

"Where are you going? Sabi mo kakain tayo pagkatapos?"

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now