"Ito, ipahid mo na lang sa injured niyang paa para mawala ang pamamaga at mabawasan yung sakit."Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng marinig kong may nag-uusap
"Salamat po, nurse. I already know what to do po. Ako na ang bahala, ma'am."
At doon nakita ko si marcus na kausap yung nurse. Napaikot ako ng mata at nakita ang maliwanag na kuwarto at puting kurtina na nasa paligid. Nasa infirmary ba kami?
Ngayon ko lang din napansin na nakahiga pala ako ngayon sa infirmary bed. Akala ko nasa bahay na ako at nasa room ko.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero halos maiyak lang ako ng maramdam ang kakaibang sakit sa kanang paa ko.
"Ahh--" wala sa sarili akong napahiyaw, natigilan ako ng makitang nabaling sa akin ang atensiyon nila ngayon.
"Oh gising ka na pala Mr. Dela Vega. Naexplain ko na kay Mr. Lim ang gagawin. Pasensiya na at may biglaang meeting kami sa office with the principal ngayon."
"S-salamat...po ma'am." tanging nasabi ko
Umalis yung nurse kaya kaming dalawa na lang ang naiwan ni marcus ngayon. Diretso ang tingin niya sa akin....napalunok ako dahil bigla akong kinabahan sa mga tingin niya
Galit ba siya?? ang tanga ko kasi.
Tumikhim ako bago nagsalita.... "I-ikaw ba ang nagdala sa'kin dito?" gusto ko na lang talaga batukan ang sarili ko ngayon. Ano ba naman tanong 'yan, Ivo! siya ang nandito, malamang siya rin ang nagdala sa'yo
Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko ng umakto siyang lalapit sa akin.
May bandage ang paa ko at kita ko ang pamamaga no'n. Hays! paano ako makakauwi nito ngayon.
Nang makalapit siya ay umupo siya malapit sa paanan ko. Nakita ko ang hawak niyang ice bag, dinikit niya kaagad iyon sa paa kong injured. Malamig iyon. Applying cold compress siguro para mabawasan ang pamamaga ng paa ko.
Ramdam ko parin ang kuryente sa katawan ko pero mas lamang ang pagkasaya ng puso ko ngayon. Hindi ko akalain na gagawin sa'kin ni marcus ito. Lihim akong napangiti dahil sa mga naiisip ko.
"Masakit pa ba?" napabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita siya
"Hah?" wala sa sarili kong tanong... Takte, anong sinabi niya? hindi ko narinig kasi naka focus ako sa pagtitig sa kaniya
Ina-applyan pa rin niya ng cold compress ang paa ko pero nilingon niya ako ng nakakunot ang noo.
Pinagdikit ko ang labi ko at nahihiyang tumingin sa kaniya. Baka mamaya kung ano na naman iniisip nito!
"Yung paa mo...masakit pa ba?" pag-ulit niya....ahh iyon pala yung tinatanong niya kanina
Umiling naman ako... "Hindi na ganoon kasakit kagaya kanina. Medyo kaya naman na sigu--- ahhh!!" hiyaw ko ng bigla niyang diinan ang paa ko
"Ano ba! ba't mo ginawa 'yon. Kita mong nainjured na nga yung tao ihh!" pagmamaktol ko
Tinarayan naman niya ako gamit ang mapang lokong ngisi... "Then tell me the truth. Masakit pa 'di ba. Bakit mo sasabihing hindi."
"Gagaling din naman iyan, konting pahinga lang." pagdadahilan ko
"Ang tigas talaga ng ulo mo." panenermon niya, natawa ako. Para siyang si nanay
Narinig niya iyon kaya sinimangutan niya ako... "Are you making this injury for fun, huh, Ivo?"
Nawala ang mapaglarong tawa sa labi ko. Ang seryoso naman nito, parang natawa lang eh.
"Hindi... pasensiya na." at niyuko ko ang ulo ko dahil sa takot na magalit na talaga siya sa'kin
Narinig ko naman ang malalim niyang paghinga
"Paano ka uuwi?" tanong niya
Napaangat naman ang ulo ko at sinalubong ang mga tingin niya. Naiinip na ba siya? napatingin naman ako sa wall clock. Mag six pm na rin pala. Gano'n ba ako katagal nakatulog?
"Tatawagan ko na lang siguro sina kisha--" napahinto ako, panigurado hindi naman ako kayang akayin ng mga iyon... "O 'di kaya si jan, magpapahatid na lang ako pauwi. Sige na Marcus, okay na ako dito. Puwede ka ng umuwi, anong oras na rin kasi eh, pasensiya na sa abala." mahaba kong sabi at ambang kukunin na sana sa kaniya ang ice bag niyang hawak pero nilayo niya iyon sa'kin.
Napa-angat ang tingin ko sa kaniya dahil nakatayo na rin siya ngayon.
"Si jan? magkalapit ang bahay niyo?" sa haba at dami ng sinabi ko talagang iyan lang ang natandaan niya?
"Hindi. Pero alam ko papayag iyon kapag nagpahatid ako."
"P'wes ako hindi."
Maikli niyang sabi na nagpalaglag ng panga ko. A-ano daw?
Kumunot ang noo ko sa kaniya. Pero siya, diretso at nanlalaban lang ang mga tingin niya. Ang pogi niya talaga kapag seryoso, kaso nakakatakot din minsan ang lalabas sa bibig niya.
"Ba't naman ayaw mo? wala akong kasabay. Hindi ko kayang umuwi mag-isa no!" paliwanag ko
Gusto pa yata ako nitong maghirap lalo at umuwing iika-ika tapos mag-isa lang.
"Sa'kin ka sasabay. Ipapahatid na lang kita sa kotse." sagot niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko... sobrang bilis na akala mo nakikipag paligsahan
I-ihahatid? Makakasakay at...makakasama ko siya sa loob ng kotse nila?? Gago!!!! Heaven ito! ngayon lang ako nagpasalamat na nainjured ang paa ko!
"Sa-sasabay...ako sa inyo?" pagtatama ko, baka mamaya assuming na naman ako.
"Oo, at hindi sa kung sino. Kaya mo ba? tara na para makapag pahinga ka na rin." sabi niya at inalalayan akong tumayo.
Nahihirapan ako kaya inakay niya ako. Nag simulang magrambulan ang ang kung ano sa dibdib at tiyan ko.
Ang lapit lapit niya sa'kin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang amoy. Kitang kita ko ang guwapo at makinis niyang mukha.
Matangkad siya sa'kin kaya alam kong nahihirapan siyang akayin ko. Huminga siya ng malalim na parang sumuko at wala ng ibang choice pa ngayon.
Kinuha niya ang bag ko at ang raketa ko. Sinukbit niya iyon sa balikat niya. Pumunta siya sa harapan ko at bahagyang umupo.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya....
"Sakay na." kalmadong ani marcus
Ano??? sasakay ako sa kaniya, i mean sa likuran niya???
"Huh? sasakyan kita?"
"Yung likod ko..." pagtama niya... "Mas madali ito kaysa kanina."
"Mabigat ako." mabigat ako, Marcus kasi dala ko lahat ng nararamdam ko sa'yo
"Kaya kitang buhatin, Ivo." sabi niya ng hindi ako nililingon kaya nakuha kong ngumiti ng sobrang lawak ngayon. Grabe naman, alam kong walang ibig sabihin sa kaniya iyon pero kinikilig ako!
Sinunod ko ang sinabi niya kaya marahan akong yumakap sa likod niya. Bahagyang nanginginig ang kamay ko, hindi dahil sa kaba kung hindi dahil pakiramdam ko mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Kumapit ka, baka mahulog ka." maikli at natural na sabi niya
Mapait akong napangiti....
Huli na, Marcus. Nahulog na ako. Malalim, sobrang lalim at mahirap na yata ang makaahon pa.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...