12

771 39 11
                                    


"Tang..inang score 'yan. Dos amputa!" singhal ko nung ibalik sa akin yung papel ko.

Pina check din kasi kaagad sa amin ni ma'am, buti na lang hindi na pina announce sa harap. Nakakahiya shutaina

"Hoy! Akala ko ba nag review ka? Bakit ang baba ng scores natin?" tanong ko kay jan ng makitang mababa rin yung kaniya

Tumawa naman siya... "Oo nga, nag review lang ang sinabi ko. Hindi ko naman sinabing naiwan sa utak ko 'di ba?" kita mo 'to, sabi na e. Boplaks din ito kagaya ko. Malas naman, matatabi na lang sa hindi pa matalino.

"Alam mo pasalamat ka na nga lang naka tsamba pa tayo ng dos. Mas nakakaiyak naman kung zero ang scores natin." pangongonsensiya niya, aba! so dapat ko pa lang ikatuwa itong dos?

No! hindi ako makaka puntos kay Marcus niyan eh. Ayaw pa naman sa bobo n'on.

"Huyyy teh, musta quiz?" lapit sa akin nung dalawa kong kaibigan

Narinig ko agad ang pang-asar na tawa ni kisha, sabay hablot ng papel namin ni jan

"Dos? talagang parehas pa kayo--" tumatawang sabi niya sa'min

"Ano bang score 'yan, Ivo. Ang bobo ah. Ang dali dali na lang kaya nung quiz. One to ten pa." si jess, wow parang kung makapang asar naman sila

"Bakit? Mataas ba score niyo? baka nga pare-pareho lang tayo." bawi ko

Umiling naman si kisha at winagayway pa ang kamay niya... "No..no..no.. mataas ang sa'min." kumunot naman ang noo ko doon, paano? akala ko ba hindi sila nag review?

Nasagot ang tanong ko ng pareho nilang nilapag ang papel nila sa harapan namin ni jan. Eight over ten si kisha at six over ten naman si jess.

Shutek! ako ata niloloko ng mga 'to. Sikretong nag-aaral ba sila at hindi nila ako sinasama?

"Paano--?? hoy, grabe nanlalamang na kayo ah!" inis kong sabi

"Suwertehan lang sa seatmate 'yan te." bulong ni kisha, sabay nguso kay jan.

Gets ko na. Hindi sila nagreview. As if naman eh mga tamad 'yan kagaya ko. Nangopya rin sila, malas ko lang kasi hindi brainy ang katabi ko.

Guwapo lang din pala ito pero olats din sa utak.

"Alam niyo ang bully niyo... Basta sa'kin okay na ang dos. Basta may score at hindi zero." tumayo si jan at kinuha ang wallet sa bag.

"Tara, mamaya pa naman yung isang klase, bili tayo sa baba. Kakagutom yung quiz ni ma'am." dagdag niya

Hanep, wala na nga kami halos score, nagutom pa siya. Sabagay nakakagutom nga naman talaga mag isip lalo na kung wala ka namang  isasagot.

Madami naman kaming nakain ni Marcus kanina pero ewan ginugutom na naman ako.

"Tara!" sang-ayon ko

Lumabas kaming apat ng room at dito na kami dumaan sa hagdan na malapit sa amin. Gusto ko sana doon sa kabilang hagdan malapit sa room ni marcus kaso ayaw nila. Mga hadlang sa lovelife ko!

Nasa canteen na kami at may mga pailang estudyante na bumibili.

"Uyy siomai." rinig ko si jess, mahilig sa siomai kasi ang isang 'yan tapos yung maraming bawang at chili oil.

Nagpunta sila ni kisha doon sa tindera ng siomai at bumibili na.

"Anong gusto mo?" si jan, napatingin ako sa kaniya

"Libre mo?"

"Hindi." umirap ako sa kaniya

"Eh ba't ka pa nagtatanong?" irita kong sabi

"Bakit bawal na ba magtanong?"

Inambahan ko lang siya ng suntok kaya napatawa lang siya... papansin!

Nauna siyang pumunta sa harap at nagsimula na rin pumili ng bibilhin niya.

Naiwan naman ako banda sa likod at tinitigan kung may gusto akong bilhin. May mga turon, shanghai at mga tinapay dito. Doon na lang siguro ako sa mura

"Huy! Ivo!" nagulat ako ng may sumigaw sa pangalan ko. Nilingon ko iyon sa likod at halos mawalan ako ng hangin sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko

Si Marcus at yung mga kaibigan niya nandito!

"Hey! musta... kumain kayo ni Marcus ah. Nanalo rin kami, libre mo rin naman kami." sabi ni Kenneth sa akin,

"Wala na akong pera, next time na lang." totoong sabi ko, next week pa siguro ako magkaka extra ulit

Naisoli ko na kay kisha yung hiniram ko sanang 500.

"Sus! pag si Marcus ang lakas mag
aya." asar nila ni tom sabay tawa

Malamang...baby ko 'yan eh

Hinayaan ko lang silang asarin ako, at tinuon ang tingin kay marcus. Ba't hindi siya lumalapit? Naalala ko yung kanina. Galit ba siya kasi nakita niyang nagkokopyahan kami ni jan? Good student pa naman ito, baka magsumbong.

"Ivo..." napabalik ang tingin ko sa harap, kay jan.

"Oh, nahiya naman ako sa'yo. Nilibre na kita. Pambawi doon sa dos na score." natatawa niyang ani sabay abot sa akin nung binili niya

Nagliwanag naman ang mata ko, turon saka tinapay iyon. Yung may cheese sa loob. Ayos ah! Okay lang pala kahit maka dos palagi kay ma'am basta ililibre niya ako.

"Yon! thank you... sa susunod ulit ah."

"Tres naman ang scores natin sa susunod." pareho kaming natawa doon, baka mag line of 7 na ang grades namin kay ma'am cacdac, pero at least ngayon 'di na ako mag-isa.

"Bili lang kami do'n tol." rinig kong sabi ni Kenneth at sabay silang umalis ni tom.

Naiwan si marcus kaya tinakbo ko ang pagitan namin, sumenyas naman ako kina kisha, jess at jan na mauna na sila sa taas.

Tumango naman sila at umalis na.

"Hi!" masiglang bati ko kay Marcus nang nakalapit ako

Pinasadahan niya lang ako ng tingin at kaagad na tumingin ulit ng diretso

"Nagugutom ka ba? tara kain tayo." alok ko sa turon at tinapay na libre ni jan, medyo madami naman kasi iyon

Napa side eye siya sa hawak ko at ngumisi... "Hindi ako kumakain ng pagkaing bigay ng iba." tinignan ko siya ng nagtataka, parang may halong galit talaga ang boses niya

Bahagya ko namang binaba ang hawak ko... hindi rin ba siya kumain ng turon saka mumurahing tinapay?

"E 'di ibibili na lang kita... anong gusto mo?" pagpupumilit ko pa rin, may sobra pa naman sa wallet ko.

"I don't like anything... can you just leave me here. Ang ingay mo." rekta niyang sabi sa akin na nagpasakit ng lalamunan ko, parang biglang may bumara.

Naiingayan naman lahat sa'kin... pero ba't parang iba kapag siya ang nagsabi?

"Ahhh...oo nga pala. May klase pa kami. Sige Marcus, una na ako. Byeee!" hindi ko na siya hinintay mag salita at tinakbo ko na paakyat ng 4th floor.

Kainis, niyaya ko lang naman siya ah! ba't ba siya nagagalit?

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now