"Huy teh, tulala ka diyan?" pansin sa akin ni kisha, nasa university canteen kami ngayon.So far, sa awa naman ay nakaabot naman kami sa parada. Ang mga engot kasi, maling daan pala yung pinuntahan namin. Buti na lang at naitanong ko yung poging si kuya kanina.
Pero ayon na nga ang dahilan kung bakit ako natutulala ngayon. Shuta! hindi maalis sa utak ko yung mukha niya.
"Yung lalaki kanina." pagsimula ko
Nasa harap ko sina kisha at jess ngayon, dahil yung dalawang mokong ang umorder ng pagkain namin.
"Oh, ano meron? sayang kasi at hindi ko nakita. Bakit ba 'yon?" curious din na tanong ni jess
Pinatong ko ang siko ko sa lamesa at medyo lumapit sa kanila
"Hindi ko alam pero kahawig niya si marcus." seryosong sabi ko habang inaalala ang mukha nung lalaki kanina na fresh na fresh pa sa utak ko.
"Gaga, ano teh? akala ko ba move on kana? scam mo talaga eh..." asar ni kisha na amba pang babatukan ako, hindi man lang sineryoso yung sinabi ko
"Kahawig? hindi kaya miss mo lang?" kaagad akong umiling sa sinabi ni jess
"Hindi ah..." defensive kong sagot
Bakit ko naman siya mamimiss. 'Di nga niya ako naalala eh.
Naninimbang ang tingin nila sa'kin.... "Hindi nga sabi!... hindi ko mamimiss ang isang 'yon.."
"Oy oy! sinong mamimiss? miss mo kaagad ako, Ivo?" singit ni jan sa amin, hindi namin namalayan na nakalapit na pala sila ni kian habang dala ang orders namin. As usual napapagitnaan na naman nila ako.
"Miss kitang sapakin." pang-asar ko
"Sus, ang sabihin mo ako ang namimiss mo. Ikaw naman bebe ko, nandito lang naman ako." pag gatong naman ni kian sa asaran, habang nilalapag ang mga pagkain namin. Sandwich at hot chocolate lang naman iyon.
Napahilamos na lang ako sa mukha ko at naiinis silang tinignan
Hagikgikan lang ang narinig ko sa mga babaeng kaharap ko. Kailan kaya magiging normal ang buhay ko sa kanila.
Napuno pa ng asaran at maraming tawanan habang kumakain kami. After nito ay nagpunta kami sa ibang mga ganap dito sa university. Nando'n na nanood kami ng mga performance, umattend kami ng activity mula sa college department namin.
Bukas naman ay mayroong freshie orientation by department ang alam ko. At bukas din gaganapin ang amin.
Masiyadong mahaba ang araw pero masasabi kong masaya. So far, naeenjoy ko naman ang college.
Naglalakad na kami pauwi ngayon, at palabas na ng second gate, mag 5pm na rin kasi.
"Hays! kapagod. Pwede na bang hindi pumasok bukas?" malakas na reklamo ni jan
Natawa naman ako doon, unang araw pa lang tinatamad na ang mokong.
Umakbay naman siya sa'kin at ramdam ko ang pagod niya kaya tinapik ko ng marahan iyon.
"Ipahinga mo na lang ng maaga, orientation bukas kaya hindi puwedeng hindi ka umattend." pangaral ko sa kaniya
"Opo tay!..." ngumisi lang ako, kapag napagsasabihan siya ay ganiyan lagi ang sagot niya
"Paano naman ako? pagod din ako." hatak ni kian sa kamay ko
"Hoy kayo, nilalandi niyo na naman si Ivo." saway ni jess sa dalawa
"Ang saya kasi niya landiin. Ang sarap pang magpa baby." at pinisil pisil ni jan ang balikat ko habang kumikindat kindat sa akin
Hinampas ko ang tiyan niya kaya napabitaw siya sa akin at napahawak doon.
"Gago ka talaga. Bilisan niyo at baka wala na tayong masakyan."
Kaagad naman na tumakbo ang mga loko at bahagya rin akong hinatak para sama sama kaming makatakbo.
Kahit na pang-asar ang dalawang 'to, masasabi ko na naging magaan sa akin lahat dahil nandiyan sila.
Kalahating oras din ang lumipas at nakauwi kami, naghiwa-hiwalay lang kami dahil sa cathedral ang baba ko at doon ako sasakay ng tricycle para pauwi sa amin.
"Nay! nandito na po ako." gaya ng lagi kong nakagawian, si nanay ang una kong hinahanap kapag uuwi ako
"Oh, andiyan ka na pala miggy." napairap naman ako sa hangin dahil sa tinawag sa akin ni nanay, ang hilig niya kasing tawagin ako sa second name ko, which is Miguel. Yuck! sobrang nakaka lalaki naman iyon.
"Ang bantot ng miggy, nay."
Binitawan naman niya ang hawak niyang timba at hinarap ako... "Aber, nag iinarte ka pa. Buti nga at binigyan pa kita ng pangalan. Oh siya, kumain ka muna diyan, may pi-niritong saging diyan sa lamesa."
Sinunod ko si nanay at kumain muna ako bago ako nagtungo sa taas at pumasok sa kuwarto.
Sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako....
Kinabukasan ay mag-isa kong sasakay sa jeep ngayon, ang mga mokong kasi male-late yata ng pasok.
Si kian na dapat ay kasabay ko dahil blockmates kami, ayon sasabay na lang daw kina jan kasama si kisha at jess.
Pero ngayon maaga akong nagising at maaga rin kasi akong nakatulog kagabi, hindi na nga ako naka pag dinner kaya sermon na naman ang bungad sa'kin ni nanay.
Nagchat na lang ako na mauuna na ako sa kanila at hihintayin ko na lang sila doon sa uni.
Sakto naman na pagbaba ko ng tricycle ay may kararating lang na jeep. Kaya sumakay na lang ako dito para hindi na ako malate.
Sa medyo gitna at malapit sa babaan ako umuupo para hindi na mahirap kapag bababa.
"Kuya bayad po, isang cl." abot ko ng 25 pesos na pamasahe.
Sa tingin ko puno na yung jeep, pero nung akala kong aandar na ay may biglang sumakay. Sa tabi ko siya umupo kaya alam kong kasasakay niya lang.
Kaagad na dumaan sa ilong ko ang bango niya, bihira akong maka encounter ng ganitong kabangong amoy mula sa isang tao.
Hindi ko na ginawang lingunin pa kung sino man ang sumakay na iyon, dahil malalaki yung katawan ng mga katabi ko ay medyo siksikan dito sa gawi namin. Hays nauna ako pero ako pa itong naiipit ngayon.
Kita ko sa peripheral view ng kaliwang mata ko ang paghawak nung kasasakay na katabi ko doon sa bakal na mahaba sa loob ng jeep. Bahagya siyang umusod paharap kaya nagkaroon ng space sa akin.
"Makiki-abot po. Bayad." baritonong sabi nung lalaki
Dahil mahaba naman ang braso niya ay yung isang katabi ko sa kanan ang nag abot noon.
Straight lang ang upo ko pero nasa driver ang tingin ko. Pero kating kati ang ulo ko na lingunin yung lalaking nasa kaliwa ko.
"Hi!" rinig kong nagsalita yung lalaki, pagka andar ng sasakyan. Teka ako ba ang kinakausap nito. Baka naman kilala ko?
Dahil nacurious ako kung ako nga ang kinakausap niya ay nagpasiya akong tignan na siya
At pagpaling ng ulo ko sa gawi niya ay pinagsisihan ko iyon. Parang tambol at nagwawala ang kung ano sa dibdib ko! Nanlaki ang mata ko at hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
Kaagad kong binalik ang ulo ko at diretso ang tingin ko ngayon, napalunok ako at literal akong na naestatwa ngayon sa kinauupuan ko.
Ang lalaking kasasakay lang..... ang lalaking minsan ko nang kinabaliwan....
Si...si Marcus. Siya ang katabi ko!
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...