(*note: yung image sa taas yung exact, university library na ginamit ko dito. Pic are not mine, so credit to the real owner :p)
~~
Minsan niyo na bang hiniling na sana lumipad na lang yung jeep para makarating kaagad kayo sa pupuntahan niyo?
Kasi tangina, kung p'wede ko lang paliparin itong jeep ginawa ko na. Bakit parang ang bagal bagal pa ng patakbo ni kuyang driver? nananadya ba siya?
"Why you're so quiet. This is not you." sabi nung katabi ko, si marcus. Bakit ba ako kinakausap nito? akala ko ba nakalimutan na niya ako?
Hindi ako umiimik, tahimik lang ako habang nasa driver ang tingin. Bahala siya diyan.
"Hey." biglang patong ng kamay niya sa may hita ko kaya nagtama ang kamay namin.
Para akong kinuryente ng naramdaman ko ang kamay niya. Takte! hindi na ako makahinga sa kaba! bakit ba ganito???
"A-ano ba?" bulong ko sa kaniya pero may bahid ng inis iyon. Hinawi ko rin pabalik ang kamay niya. Pilit kong ginagawang normal ang pag-uusap naming ito dahil ayoko naman na isipin nitong mga katabi at kaharap namin sa jeep na nag-aaway kami.
"Bakit ayaw mo akong kausapin?" bulong niya rin, tsk! gaya-gaya
Napairap ako doon... "Ba't naman kita kakausapin? close ba tayo?"
"Are you mad?" napalunok ako sa tanong niya, may halong lambing sa boses niya. Halata iyon kahit pa itanggi ko.
Oo, marcus. Shit ka talaga! galit ako pero bakit pinabibilis mo pa rin ng ganito ang dibdib ko. Pero ayoko, hindi na p'wede ito.
"Hindi..." malamig kong sabi... "Huwag mo nga akong kausapin." dagdag ko
"Then, talk to me in a normal way."
"Normal naman ito ah."
"No, galit ka. Sorry kung ano man---"
Hinarap ko na siya sa inis ko... "Okay na nga diba. Hindi ako galit. Ang kulit mo. Huwag mo na lang akong kausapin, puwede?" reklamo ko at bahagyang tinalikuran siya.
Alam kong nabigla siya sa inasal ko, hindi ko naman gustong gawin iyon pero.... pakiramdam ko kasi kapag pinagpatuloy ko pa siyang kausapin. Mahuhulog na naman ako sa pinaka malalim at wala na namang sasalo sa akin.
Natigilan din siya at hindi na ako kinulit. Pinagpasalamat ko naman iyon dahil hindi ko din talaga alam kung paano ko siya kakausapin.
Tuloy lang ang biyahe, hindi ko alam kung saan siya bababa. Mayroong siyang maliit na black crossbody bag. Plaid blue flannel jacket na may puting t-shirt sa loob and a denim pants.
Mas naging maangas ang porma niya ngayon sa maputi niyang rubber shoes. Kung puring-puri ko sina kian at jan pagdating sa katawan. Magagalit na lang siguro yung dalawa sa'kin pag sinabi ko sa kanila na mas lamang talaga si marcus sa kanila. Pansin ko rin na mas tumangkad siya, siguro ay 6'1 na ang height niya. Nahiya ang na stuck kong 5'2 height.
Ang buhok niyang hindi nabago sa ayos pero mas naging attractive iyon ngayon, ang singkit niyang mata na gustong gusto ko dati. Ang guwapo niyang mukha- na lahat ng babae ngayo dito sa jeep alam kong kanina pa siya pinagtitinginan.
Inis akong napabuntong hininga. Kahit kailan talaga ang daming nagpapapansin sa kaniya.
Nang sa wakas ay nakarating na kami sa cl, sa second gate ulit ang daan ko dahil doon malapit ang educ building.
Halos dito rin bababa ang mga kasabay namin sa jeep. Pinauna ko lang yung ibang nasa malapit sa pinto at amba na akong tatayo para makababa na rin pero nagulat na lang ako ng bigla akong higlatin ni marcus kaya napaupo ako ulit.
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomanceCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...