40

1.4K 46 6
                                    


"What do you want to order?" inabot sa akin ni marcus ang menu pero hindi na ako nag-aksaya ng oras na tignan iyon.

"Kahit ano na lang, w-wala akong gana e." honest kong sabi

Ngumiti naman siya sa'kin... "Okay, wait for me here.. Ako na ang mag oorder. Here, play a games for while." bigay niya ng phone niya. Pagkatanggap ko ay umalis na siya.

Sa bayan kami kumain, restaurant ito kaya mas maganda ang view. Nakaupo lang ako at hindi ko nilaro ang phone niya. Tinitigan ko lang iyon, mukha ko ang nakalagay sa wallpaper niya. Kahit ang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko naiwasang hindi mapangiti.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko. Parang wala kasing tao sa paligid ko sa sobrang lutang ko.

"Sabi ko na ikaw 'yan. Mag-isa ka?" si jam, siya ang nasa harapan ko ngayon. Hindi siya naka uniform at nakasuot lang siya ng fitted na black crop top at white pants.

"Jam? A-anong ginagawa mo dito?" tumingin ako sa paligid dahil baka nandito rin si kuya kevin pero wala s'ya.

"Mag-isa lang ako. Nag lilibot din kasi at nag-apply ako ng trabaho." napako ang tingin ko sa kaniya at sa envelope na dala niya, bakit? 'di ba may pasok pa sila?

"Paano yung klase mo?"

"Dalawa na lang naman na subject ang ienroll namin this sem. Kaya siguro puwede na akong mag apply. Kailangan din kasi namin ni nanay."

May problema din ba siya? Pareho pala kami. Hindi ko namalayan na napabuntong hininga ako sa harap niya,

"Anyare sa'yo? inaway ka ba ni marcus?" nahimigan ko agad ang inis boses n'ya.

"Hindi, hindi niya ako inaaway."

Kumalma naman siya at umayos ng upo... "'E, bakit ganiyan ang mukha mo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa e." Lumapit siya sa'kin at bumulong... "Kulang ka sa dilig no?"

Agad na umiling ako para itanggi iyon,

Tinignan niya ako ng kakaiba at tumawa siya... "So, sobra ka sa dilig?"

"Jam!" bulyaw ko, ang ganda ng mukha at labi niya pero ang gaslaw ng lumalabas palagi sa bibig niya.

Humahalaklak pa rin siya pero pinilit niyang kumalma.

"Okay okay, serious na. May problema ka?" sumeryoso ang mukha niya, hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga isa si jam sa mga taong naiintindihan ako.

"Paano mo nakaya sa college? fourth year ka na, konti na lang graduate na. Ang galing mo siguro no?" malamlam kong ani

Kumunot ang noo niya, makinis ang mukha niya. Kahit yata tulog ay maganda si jam.

"Patapos na ako...pero madaming nilagpasang pagsubok itong sapatos ko." sabi niya, naguguluhan ako doon kaya natawa siya

"Minsan kasi success lang naman ang nakikita ng tao, pero yung hirap para maabot 'yon hindi." malaman niyang tugon

Kinuha niya ang kamay ko at hawak iyon...

"Nagka problema ka ba sa grades?"

Tumango ako at hindi na tumanggi... "Magreretake ako, mahuhuli at...hindi na ako makakasabay sa mga kaibigan kong grumaduate." malungkot kong sagot

Lumambot ang tingin niya sa'kin pagkatapos kong sabihin ang rason ko.

"Alam mo, halos mababa rin ang grades ko..." ang malambing niyang boses ang nagpapakalma ng paligid kahit na nilalamon ako ng lungkot

"Kung makita mo siguro ang grades ko, puro dos. P.E nga lang yata yung nai-uno ko." sinabayan niya iyon nang tawa.. "Dahil do'n na incomplete ang dalawang subjects ko. Tangina, apat pa ang pre-requisite no'n. Akala ko din hindi ko na maayos." tumingin siya sa kisame na parang may inaalala

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now