10

2.2K 99 27
                                    


Kung panaginip ito, sana huwag na muna akong magising...

Sobrang layo nito sa inaakala ko. Ang tagal kong nangangarap na sana mapansin niya ako o makalapit man lang sa kaniya.

Pero ito siya ngayon, nasa harapan ko, kasabay kumain at sobrang lapit sa akin.

Hindi ko alam kung may nagawa akong mabuti pero... Lord! Thank you po talaga!

"Why you're staring at me and not eating your food? gano'n na ba ako kasarap sa paningin mo?"

Napatigil ang pag-iisip ko nang magsalita siya.... Shit! Nakatitig ba ako sa kaniya? sensiya na, sobrang hindi talaga ako makapaniwala....

Hawak ko lang ang kutsara at tinidor at kanina pa hinihiwa yung baboy sa adobo na binili ko, napansin niya siguro iyon.

"H-hindi ah...." 'di ka lang masarap....sobrang sarap lang

Napangisi naman siya at tinuon ulit ang pagkain. Nilaga ang kinuha niya at kanin. Adobo naman ang sa akin. May inorder din kaming isang bote ng coke at saging.

Hindi naman siguro ito lalagpas ng 200 'diba??

Kumain ako, pero panakaw nakaw pa rin ako ng tingin sa kaniya.

Dati sobrang guwapo na niya sa paningin ko pero iba ngayon kapag malapitan.

Yung pilik mata niya na may kahabaan, yung singkit niyang mata at matangos na ilong. Ang manipis at mapulang labi- ang nakakaakit niyang katawan at ang kamay niya na sa isang beses kong nahawakan, pakiramdam ko gusto ko iyon hawakan ng matagal na matagal.

'Gusto kita, Marcus'

Kung sana ay puwede kong sabihin sa kaniya ngayon 'yan

Yumuko ako at napabuntong hininga ng wala sa sarili

Pati ako nabigla doon kaya napatingin ako kay marcus. Kaagad itong tumitig sa'kin

Nakakunot ang noo.... "Why? Sabihin mo lang kung ayaw mo akong kasabay. I don't want to eat with someone who makes me feel like I am a huge problem." at masungit nitong sabi

Napaigtad naman ako at agad na winagayway ang kamay ko

"Hindi...hindi sa gano'n. S-sorry. Kinabahan lang ako."

"Kinabahan saan? Wala naman tayo sa recitation. Hindi naman kita tatanungin at patatayuin ngayon sa harapan ko." sabi niya na nagpagulat sa akin

Hayop! Paano niya nalaman na madalas akong mapatayo sa klase dahil sa wala akong masagot sa recit????

"H-hoyyy, hindi ah. Nakakasagot naman ako!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Nakaka tsamba naman ako pa minsan minsan

Mahina siyang natawa kaya nagulat ulit ako doon. Nagiging magaan naba ang loob niya sa'kin?

"Okay, if you say so." at nagkibit balikat lang

Nagtuloy lang kami sa pagkain habang nagkuk'wento ako. Sinamantala ko na ang pagka-usap sa kaniya kasi baka hindi na maulit ito.

Wala na akong pake kung sa tingin niya ang daldal ko.

After namin kumain, sinenyas ko sa nag-aassist dito sa karinderya kung magkano at total ng kinain namin. Hindi pa kasi kinukuha ang bayad kapag umorder. After kumain sana ka lang magbabayad

May inabot sa akin yung lalaki na maliit na papel. Halos nanlaki ang mata ko ng makitang 350 iyon.

Tangina! Ang mahal naman, 'yun lang naman ang kinain namin ah! Tinignan ko yung list at nakitang mahal nga pala ang baboy ngayon.

Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now