Sobrang nakakapagod yung maghapon kaya ito ako ngayon nakahiga sa kama.Kinuha ko yung phone ko at napagpasiyahan kong magpost ng picture
Kinuhanan din kasi ako kanina nina kisha at jess para daw ipost ko, baka sakali mapansin ni Marcus
Iniscroll ko yung gallery ko at nakita ko yung mga kuha nila
Mahina akong natawa, mga gaga talaga ang mga 'yon, kung ano anong post pinagawa nila sa'kin kanina
Meron yung may hawak ako ng raketa tapos hindi ako nakatingin sa camera, stolen kunwari
Meron naman mga shots habang naglalaro ako, hmmm not bad. Ang ganda ng kuha. Ang pogi ko rin talaga e!
Mayroon din yung nakaharap ako sa cam, nasa likuran ko ang badminton net at malawak na nakangiti. Kita tuloy lalo ang bilugan at maamo kong mukha. Cute mo talaga Ivo! ewan ko ba kay marcus at hindi maakit sa'kin
Pero yung isa ang mas nakakuha ng atensiyon ko, yung bahagyang nawala sa net ang focus ko kasi na kay marcus. Hindi siya kita sa picture pero alam kong siya ang tinitignan ko dito
Pinili kong ipost yung stolen shot ko na may hawak na raketa at yung shots habang nakatingin ako kay marcus
Pinost ko iyon sa fb na may caption
"Sa iyo lang ang tingin....."
Siyempre hindi puwedeng hindi tayo lalandi
Pinost ko na siya at maya-maya lang ay sunod-sunod na tumunog ang phone ko, puro comments kaagad
Bianca Aguilar: Kanino ang tingin? Congrats Ivo!!
Jan Castro: Lodi!! Congrats
: Pogi mo Ivo!
:Ivo sa'kin kana lang!!
:Huhuhu! Sino 'yan, selos na ako labs
:Parang kilala ko HA HA HA, congrats idol, walang kupasIlan lang 'yan sa mga comments, iba galing sa kaklase ko tapos karamihan mga hindi ko kilalang mutuals sa fb
Kisha Mariano: Landi! puro ka lang naman tingin
Jess Valiente: At natulala na nga, harot pa more
Comments naman galing sa dalawa kong mahal na kaibigan
Naka ilang likes kaagad iyon, pero yung target ko wala pa rin. Lagi akong tambay sa fb niya, pero kainis kasi hindi man lang siya nag po-post
Nag story siya pero puro about acads lang. Tapos dekada na yata bago maulit. Samantalang ako mapuno na lang yata ang fb ko kaka-post at parinig sa kaniya
Kaya siguro hindi rin ako ina-unfriend no'n kasi bihira niya lang buksan ang fb niya
I-off ko na sana yung phone ko ng bigla akong may maalala
May number nga pala ako ni Marcus!!!! Shit! Ba't ngayon ko lang naalala
Binalikan ko yung chat sa'kin ni bianca kanina, i-copy ko yung number at sinave
"Mr. Cutie"
Ayan ang nilagay ko, nickname namin sa kaniya. My loves sana kaso nahiya naman ako
Tinitigan ko ng ilang minuto iyon, nagdadalawang isip ako if itext ko ba. Baka mamaya niloloko lang ako ni bianca, sasabunutan ko talaga 'yon!
Nagpunta ako sa message box at nagtipa ng itext ko sa kaniya
Hmmm..ano kayang p'wede.
"Hi po kuya."
Teka ang pangit naman, hindi ko naman siya kapatid e
YOU ARE READING
Be mine, Mr. cutie (Siel Series #1) COMPLETED
RomantizmCompleted| Siel Series #1 | Light BL | BxB Ivo Dela Vega has a long time crush for a chinito, popular and very smart Marcus Lim. A happy crush that turns into love. Ivo enjoys looking at Marcus and even stalks his social media accounts, making effor...