Chapter 40: The Sacrifice

276 19 7
                                    

Chapter 40: The Sacrifice

KINABUKASAN ay agad na nagpadala ng sulat si Apollo sa emperador. Heʼs requesting an audience with him together with the empress and the second prince. Luckily, the emperor responded on the same day.

“Are you ready?”

Nilingon ni Selene si Apollo at malawak itong nginitian.

“Iʼve been waiting for this moment to come. I just want everything to end well today,” she answered instead.

Sa ngayon ay tinatahak na nila ang daan patungo sa throne hall ng palasyo habang nakasunod kay Cadmus. Dumating na kasi ang araw na napagkasunduan nina Apollo at ng emperador upang mag-usap.

“Everything is already set as well. But Iʼm still hoping that the empress will not do something recklessly that would force us to engage in a fight,” Cadmus informed before he opened the door in front of them.

Sa pagbukas ng dalawang mataas na pinto ay agad na bumungad sa kanila ang emperor, empress at ikalawang prinsipe na nakaupo sa gitna ng hall.

“Greetings, Your Majesties and Your Highness, have you been well?” Apollo greeted as they bowed their heads.

“We have been well. But letʼs skip the formalities for now and get straight to the point,” the emperor said, curiosity is visible on his face. “I wonder what the urgent matter is that you need to discuss with us.” Lumipat ang atensyon nito kay Cadmus na kahilera nilang nakatayo sa harap nito ngayon. “That it even involves the crown prince.”

Hindi maipinta ang mukha ng empress habang nakatingin sa kanila. Samantalang si Callus naman ay prente lamang na nakaupo at naghihintay sa mga susunod na mangyayari.

Sa pagkakataong ʼyon ay biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Apollo. “Kung ganoon ay hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. We are here to report an act of treason.”

Bumakas ang pagkagulat sa mukha ng emperor habang ang empress naman ay tila biglang kinabahan.

“Treason? By whom?” The emperor squinted his eyes. “Your Grace, treason is a serious crime that could result in execution. So you better have concrete evidence regarding your claim,” he said in a warning tone.

Apollo didnʼt speak up. Instead, Cadmus is the one who took a step forward.

Mula sa suot na military uniform ay inilabas ni Cadmus ang dala-dala na visual stone.

“This visual stone contains all of the evidence we have, Your Majesty.”

Nanlaki ang mga mata ng empress nang magsimulang lumabas doon ang tungkol sa naging pag-uusap nila ni Callus noong araw na magdaos sila ng banquet party para sa pagbabalik nito. Habang ang emperor naman ay napaawang na lang ang bibig.

Ngunit hindi pa man sila nakakabawi mula sa pagkakabigla nang sumunod na lumabas doon ang naging pag-uusap sa pagitan naman ng empress, ni Vera at Callus. Dito ay naging paksa nila ang tungkol sa paglalagay ng empress ng lason sa iniinom na tsaa ng emperor. The poison was made by Vera and would only deteriorate the health of the emperor to avoid any suspicion.

Halos pigil ang hininga nilang lahat habang pinanonood ang lahat ng mga kaganapan na nakuhanan ng visual stone. Kasama na roon ang naging komprontasyon nila kina Adeline at Vera noong gabi na dinakip nila ito.

Nang matapos ay nanginginig at hindi makapaniwalang nilingon ng emperor ang empress na natulala na lamang sa isang tabi.

“Anong ibig sabihin nito?” Kuyom ang kamao na napatayo ang emperor. “You have been trying to kill me slowly by putting poison in my tea? Kaya pala imbis na gumaling ay mas lalong nagiging malubha ang sakit ko nitong mga nakaraang linggo!” Umalingawngaw sa bawat sulok ng hall ang boses nito.

The Luna is a VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon