36 _ DREAM

16 2 0
                                    

MYXSICA’S POV

Nang makabalik kami sa Arendelle ay agad kaming sinalubong ng mga taong nandoon. Habang nakatingin sa kanila ay hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti. Sa totoo lang ay hindi ko naman gagawin ang bagay na ‘yon kung kaya lang akong patahimikin ng konsensya ko lalo na sa batang inosente.

“Mabuhay ang ating bagong tagapagligtas!” sigaw nilang lahat.

Itinaas ni Fracia ang kamay ko at ngumiti na lang ako sa kanilang lahat. Habang nagsasaya sila at nagdidiwang sa pagdating namin. Maya-maya ay bigla kong narinig ang boses ni Vox na no’n ay tila tumatakbo patungo sa akin. Agad kong tinapat ang kamay ko sa kaniya dahilan para mapahinto ito at saka napakunot ang noo sa akin.

“Ganiyan ka ba sa magiging asawa mo?” ani nito an siyang ikinakilig ng lahat pero hindi ako.

“Ang lala pala magmahal ng Prinsipe,” ani ni Abriya.

“Asawa? Hindi ko hiniling maging asawa ka,” walang ganang sabi ko at saka siya nilagpasan.

Agad naman akong sinundan nina Abriya at saka ako napahinto nang makita ko ang Mahal na Hari, Reyna at lalo na ang Prinsesa. Nakangiting lumapit ang mga ito sa akin at saka naman hinawakan ang kamay ko at hinalikan ‘yon na para ba akong isang santo. Agad ko namang binawi at wala pa rin akong pinakitang expresyon sa kanila.

“Hindi niyo naman kailangan gawin ang bagay na ‘yon mahal na reyna,” magalang na sabi ko.

“Nagagalak lamang kami dahil sa iyong pagbabalik at ikaw ay ligtas kabilang na ang iba pa,” sabi nito habang nakangiti.

“Maayos na ba ang lagay ng magkapatid?” usisang tanong ko.

“Maayos na sila at maski si Hyx,” sagot naman ng Prinsesa at tumingin ako sa kaniya.

Sa totoo lang ay hindi ko naman tinanong si Hyx at alam ko naman na magiging maayos ang lalaking ‘yon. Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa Hari at Reyna.

“Mayroon lamang akong isang kahilingan. Gusto kong malaman kung nasaan ang lagusan patungo sa mundo ng mga mortal,” ani ko at nagkatinginan ang mahal na reyna at hari sa isa’t-isa.

Nababatid ko ang kakaibang aura sa kanilang dalawa at napasinghap ako nang may humawak sa kamay ko at paglingon ko ay doon ko nakita ang nakakairitang mukha ni Xiphus. Babawiin ko sana ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang hawakan ang kamay ko.

“Ituturo ko sa ‘yo ang lokasyon sa oras na halikan mo ako sa harapan nilang lahat,” sabi nito at saka ko narinig ang mapanuksong sigaw ng mga tao.

Tinitigan ko si Xiphus at ang nakakalokong ngiti nito ang nangingibabaw. Hindi ko na rin pa pag-iinartehan pa dahil halik lang naman ‘yon. Hinila ko siya papalapit sa akin at saka ko siya hinalikan sa maraming tao. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at sa totoo lang ay pati ako nagulat sa kung ano ang ginawa ko. Ilang sigundo lang naman ‘yon at pagkatapos ay humiwalay na ako ng pagkakahalik sa kaniya.

Naroon pa rin ang gulat sa mga mata niya at hindi ko alam kung paano ko siya pababalikin sa katinuan. Pero gano’n pa man sinampal ko siya ng malakas na para bang walang bukas at parang hindi man lang niya naramdaman na sinampal ko siya.

“Hindi ko aakalain na ganiyan pala kiligin ang susunod na hari ng Arendelle,” hindi makapaniwalang sabi ni Fracia.

“Hindi bale na lang,” sabi ko at saka ako tumalikod at bumalik na lang sa dormitoryo.

Nang makabalik ako ay napatingin ako sa buong paligid at wala namang kahit na anong nabago. Gano’n pa man ay ramdam ko ang tila pagod sa katawan ko na para bang galing akong trabaho pero walang sahod. Humiga ako sa kama at saka ko pinikit ang mga mata ko at maya-maya ay nakatulog na ako.

-

Iminulat ko ang mga mata ko at saka ako tumingin sa paligid. Ang gulo at sira ang lahat. Maraming dugo at ang daming mga sugatan. Naroon ang isang batang pilit na ginigising ang kaniyang ina na no’n ay naliligo sa sarili nitong dugo. Nang may makita akong papalapit sa kaniya ay agad ko siyang nilapitan at saka iniligtas sa kung ano man ang bagay na ‘yon.

“Muntik ka na,” mahinang usal ko.

“Mama…” iyak na sabi ng bata. “Ang mama ko…” ani pa niya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Naaawa ako pero hindi ko naman kayang buhayin ang ina niya. “Myxsica~”

Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at sa pagkakataon na ‘yon ay naramdaman ko ang pagbaon ng talim sa kaliwang dibdib ko.

-

Napabalikwas ako ng bangon at saka ako napahawak sa dibdib ko. Napahilamos ako ng mukha ko at saka ako napapikit ng mariin. Hindi ko inaasahan ang masamang panaginip na ‘yon at para akong nalunod kahit na hindi naman. Nagulat ako nang may biglang kumatok sa pinto at napatayo ako para buksan ‘yon.

“Buti naman at gising ka na,” seryosong sabi ni Abriya.

“Ang seryoso ng mukha mo. Ano naman ang atraso ko sa ‘yo?” tanong ko sa kaniya.
 
“Sa totoo lang wala naman pero may gusto lang akong itanong sa ‘yo,” sagot niya at saka pumasok sa loob ng silid ko at sinara ang pinto. “Sabihin mo sa akin ang totoo. Hindi ako si Fracia para pagtaguan mo ng kung ano mang sekreto. Ano ang ginawa mo kina Hellgurd?” tanong niya at saka ako napabuntong hininga.

Napaupo ako sa kama at saka napahilot sa ulo ko. Naalala ko ang panaginip ko at sandali akong napahawak sa kaliwang dibdib ko. Tumingin ako sa kaniya at saka pinagtapat ang kung ano ang ginawa ko kina Hellgurd at sa kung saan ko sila dinala. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ko at halos patayin niya ako sa tingin niya.

“Alam mo sa totoo lang malakas ka naman. Kaso lang ‘yang kayabangan mo ang papatay sa ating lahat,” galit na sabi nito at saka siya lumabas ng silid ko.

Nang makalabas siya ay sumilip ako ako sa bintana at gabi na rin pala. Maya-maya ay may kumatok ulit at binuksan ko ang pinto. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang seryosong mukha ni Hyx at may dala itong pagkain. Tumingin ako sa paligid at wala namang ibang tao pero nakakunot ang noo ko sa dala nitong pagkain.

“Alam kong hindi ka pa kumakain simula ng dumating ka kaya naman hinandaan kita,” sabi nito at iniaabot ang pagkain sa akin.

“Hindi ako nagugutom,” seryosong sagot ko.

“That freaking man!”

Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang tinig ni Xiphus. “Stupid!” inis na sabi ko.

“Ha?” ani ni Hyx at saka ako napatingin sa kaniya.

“Wala umalis ka na at hindi ako nagugutom,” sabi ko saka sinarado ang pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LEGENDARY WARRIOR OF THE ARENDELLE KINGDOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon