Chapter 4: Conversation

95 1 0
                                    

Alas nwebe na yata ng gabi ng maka-uwi ako ng bahay. Gusto kong magpahinga. Madami pa naman akong gagawin bukas. May Thesis tapos maghahanap pa ng puso ay mali hindi puso, pusa.

Total hindi pa naman oras ng curfew ko. Pinuntahan ko ang Facebook account ko. Hindi ako gaanong active. Busy ako.

"Okay, let's see what we got in here." Kausap ko sa sarili ko. May madaming friend request, hindi ko naman kilala. Kaya ayon, deadma. Nag-message ang ate ko na nasa Canada at si Mama na ang adik sa Facebook. Wala akong pakialam sa notifs.

Hindi ko namalayan, pinuntahan ko na pala ang wall niya. Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ang daming mukha ng mga babae sa mga albums nya. Pero walang makakatalo sa nag-iisang litrato doon na siyang ayaw kong makita. Isa lang iyon pero kinabog ang iba.

Litrato ng aking matalik na kaibigan..noon. Bumalik ako sa sarili kong wall at hinalungkay ang mga messages ko.

Trinaydor ako ng mga kamay ko dahil pinindot nito ang pangalan niya. Binasa ko uli iyon at nanghinayang. Nandoong topic namin eh iyong crush kong kaklase niya. He gave regards to Leanna para ka Raim. Ang pinanghihinayangan ko talaga ay iyong hiningi niya ang number ko ngunit hindi ko binigay. Kung binigay ko kaya, may pag-asa kaya ako?

Letseng takot iyan. Bakit kasi may takot takot pa akong nalalaman. Nakaka-highblood.

"Woah!! Ayoko na!" Napasigaw nalang ako sa inis.

I'm Yngrid Mellana Nuevo and I don't give a damn. I'm living alone kaya walang makakarinig. Nasa Davao sina Mama pati na ang bunso naming si Lemuel at nasa Canada ang ate kong si Nyledhar kaya heto ako feeling independent.

I saw a message popped on my wall. Galing lang naman kay KP. Kulang sa pansin na si Kirstein Pierre.

KP Lasaca messaged you.

I opened it and saw something that made me smile.

KP Lasaca: Hi. Nag-eemote ka na naman ba? Ngumiti ka nga!

Nagtipa ako ng sagot dito.

Yngrid Nuevo: Nakangiti na po. Ano ka manghuhula?

Hindi nagtagal ay sumagot din ito.

KP Lasaca: Iyan, maganda ka na ulit.

Kung saan-saang asaran na kami napunta. At ng lumampas na sa curfew ko ay nagpaalam na ako dito.

KP Lasaca: Sige na, matulog ka na. Huwag siya ang isipin mo, ako, para sumaya ka.

Pagkatapos noon ay naglog-out siya. Lalaking iyon may topak. Hindi man lang ako pinag-reply. Pero kahit na, hindi ko ikakailang pinangiti ako nito.

Mabuti pa 'tong lalakeng ito, siya ang unang nagme-message. Masaya namang kasama si Kirstein. Iyon nga lang, nakakapikon. I knew some little things about him pero wala akong alam sa personal life niya. Masyadong malihim ang isang Kirstein Pierre Lasaca.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon