Chapter 36: Throwback

77 0 0
                                    

"Who is he?" Seriously? Saan ito nanggaling? Don't tell me na nasa labas na ito ng bahay kanina?

"Ha? Who is who?" Nalilitong tanong ko dito. Aba, I'm no fortune teller. Shocks! Kung maka-english.

"Sino iyong kausap mo kanina? Bakit nandito siya?" Ay pagong! Sinong siya?

"Sinong Lemuel?" Magsasalita na sana ako ng lumabas sa kwarto niya ang nabanggit.

"Talking about me?" Jusko! Bakit ba ang conceited ng kapatid ko?

"Pumasok ka nga sa loob Lemuel at baka masapak kita." Pagtataboy ko dito. I saw Kirstein Pierre's eyes shoot daggers.

He didn't notice that we have the same facial features. 100% sure, he didn't know we are siblings.

Seloso.

Napailing ako sa naisip ko. Nyemas, ayokong kiligin.

"You, umupo ka nga." Bwesit. Ilang araw din akong naghintay na pumunta ito dito. Tumatawag siya but iba pa din kung nandito siya. He's been busy lately at dumagdag pa ang may sakit na si Delaine.

Her mother called him noong minsang dinalaw ito ng sakit nito. Sa tatlong linggo, isang beses itong bumalik sa ospital. At nandoon na naman ito. I was jealous, yes. Why won't I? Parang nahahati ang oras nito.

"Miss, over here." Tawag pansin ni Kirstein sa naglalayag kung utak. Doon ko lang din namalayan na hindi ako nakikinig dito.

"Uh, hmn? Ano nga ulit iyon?" Balik-tanong ko dito.

"Sino iyon?" I rolled my eyes to him.

"Miss!" Pagbabanta nito.

"Kapatid ko iyon! Hindi ba balata ha? Ha? Si Lemuel Marion. Happy?" Sunod-sunod na sagot ko dito. Nakakainis eh.

"Okay, sorry. I saw him kanina na pumasok dito so I called you. Akala ko manliligaw mo." He saw him? Ibig sabihin, nandito na siya kanina pa.

"Idiot. Magpapaligaw pa ba ako kung may boyfriend na ako?" He glared at me na siyang nagpatahimik sa akin. Green-eyed Monster.

"Good, because I'll wring the neck of the man once I hear na umaaligid siya sa pag-aari ko." His face became grim but lightened when I smiled to him. Kahit ganito ang lalaking ito, hindi pa din nagbabago ang pintig ng puso ko kapag nandiyan siya.

"Kumain ka na?" Pag-iiba ko sa usapan. Nakaka-stress kasi.

"Hindi pa nga Miss eh." Naging sweet na naman ang boses nito.

Bipolar, parang oso. Oo na! Corny!

"Diyan ka lang ipagluluto kita." Naghanap ako ng pwedeng maluto at salamat naman, meron. Okay. Sinigang na baboy na lang. Para magamit itong Sinigang Mix ko.

"Huwag ka ngang ngumingiti jan. Batuhin ka ni Lemuel sige ka." Kung hindi pa siya titigil eh ako ang babato sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Are you pregnant?" Mas lalong uminit ang ulo ko sa narinig.

"Isa na lang Lasaca at baka maubos ang bato dito." Tumawa lang ito ng tumawa. Leche plan siya! Hmp!

"Meron ka?" Inirapan ko ito.

"Ano naman!?" Singhal ko dito.

"Easy Miss. Katakot ka talaga magalit. Naalala ko pa noong galit na galit ka sa kaklase natin. Hindi ka makausap ng matino kasi kung hindi sumisinghal, nang iirap." Tumawa ito matapos magkwento.

"Huwag kang mag throwback Kirstein Pierre, hindi Thursday. Ungkatin ba. Masamang alaala iyon." Nakitawa na din ako. Parang mag best friend lang kami, hindi halatang couple. Kinikilig ako, nyemas.

"Pero kahit ganoon, pinagtiyagaan kita. Kahit basang-basa ng luha iyong pisngi mo, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa paningin ko." Nakaupo kami sa Carabao grass sa bakuran namin, ayoko ng Bermuda, masakit sa pwet.

"Minsan lang ako magalit. At ang mga minsang iyon ay ayoko ng balikan. Nahihiya ako! Ikaw Kirstein, saan ka ba nagsuot at ngayon ka lang napunta sa puso ko? Ha?" Tanong ko dito. Namula ata si Kirstein o imagination ko lang iyon?

"Huwag ka Miss, kinikilig ako. Pero seryoso? Noong mga panahong iyon, naghahanap ako ng true love ko. Ang bata ko pa noon, 14 and pag-ibig na ang inaatupag ko." Tumabi ito sa akin at inakbayan ako. Pagabi na rin pero hindi pa ito umuuwi.

"Nakakita ka ba?" Tanong ko dito. Curiosity is killing me. Walang basagan.

"Unfortunately, yes. Sa kanya ko naranasang magmahal ng palihim, patago. Masaya na akong nakikita siyang nakangiti. Pero she's in love with someone else. I waited for years. Hanggang mapalaya niya ang sarili niyang linukob ng pagmamahal niya dito." My eyes watered. Ako ang babaeng sinasabi niya. Ako ang matagal niyang hinihintay. Bakit hindi kl nahalata? Lahat ng pang-iinis, ng pagda-drama niya ay iba na pala ang ipinapahiwatig.

Yinakap ko sya. Umiiyak ako. Bakit pa ba kasi nag throwback eh.

"Those years, I've been waiting for someone. Tumitingala ako sa kalangitan, wishing to a certain star na sana makita ko na ang taong iyon. Thank you. Thank you for being so patient with me." Ngumiti ito sa akin at dahan-dahang inilapit ang mukha. He kissed my forehead. I felt relieved. Nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa akin sa simpleng halik na iyon.

"I hate throwbacks but today's an exemption." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. Securing me and I feel protected.

Loving him felt so right and in his arms, I found a haven. The safest place for me. The place where I belong.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon