Chapter 8: Solitary

63 0 0
                                    

Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang nasa top list ng bangungot ko. Ang makasal kay Lasaca.

Ayokong isipin. Lilibangin ko nalang ang sarili ko. Nag-iisa ako sa bahay ngayon, parati naman akong nag-iisa dito. Parang hindi na ako nasanay.

"Okay. Ang una kong gagawin ay maglilinis ng rooms." Pumunta ako sa cabinet na mayroong mga bed sheets. Isang linggo na rin simula ng palitan ko ang bed sheet ng kama kong peach ang kulay at may flowers.

"Tama!" Hinugot ko ang kulay asul na tela na may disenyong mga alon.

Tulad ako ng mga along ito, minsan mapaya, minsan mahina at minsan malakas. Nang matapos ko ang dalawang kwarto ay sinunod ko ang sala.

Sinunod ko ang kusinang minsan ko lang ginagamit at ang banyo.

Natapos ko ang paglilinis ng bahay na may mga pawis na tumatagaktak sa pisngi ko.

Ganito ba kadumi ang bahay ko? Gabi lang naman ako namamalagi dito ha.

"Kapagod!" Sigaw ko habang pasalampak na inihiga ang aking katawan sa kama. Akalain niyo yun? Nalinis ko ang bahay na ako lang mag-isa.

Napa-isip ako, kaya ko din bang kalimutan siya ng ako lang mag-isa? Kagaya ng paglilinis ng bahay na ito, malilinis ko ba ang puso ko sa lahat ng sakit at pait na naranasan ko sa kaniya? O kailangan ko ng katuwang upang mawala na siya sa puso ko ng tuluyan. Nasa akin ang desisyon pero sa ngayon hindi ko matukoy kong ano ang gagawin ko.

Aish! Ito iyong ayaw ko kapag nag-iisa ako. Kung ano-anong kabalbalan ang pumapasok sa utak ko. Kung hindi ako kakanta't sasayaw, iiyak naman ako. Baliw.

Nararamdaman ko na unti-unti akong hinihila ng antok. Nagising lang ako ng may marinig akong sunod-sunod na katok sa pintuan ko. Sayang, pahinga na sana oh. Sino ba ito?

"Wait up!" Sigaw ko sa kung sino man ang nasa pintuan. It's either Kila or Geminie. O kaya naman ay both.

Hindi nga ako binigo ng instinct ko. Keila and Geminie are outside. Kagaya ko ay nakapangbahay din sila.

"And? Why are you here?" Tanong ko dito.

"Hindi na kami papasok. Tara, gala tayo. Hanap tayo ng pusa." Walang atubiling sabi ni Gem.

"Wala talaga akong intensiyong papasukin kayo. Magkalat pa kayo, sayang ang pawis ko." Pumunta akong shoe rack para kunin ang sandals ko.

"Ang sama naman nito. Kung makapagsalita. Grabe!" Kunwari pang nasasaktan si Keila.

Napailing nalang ako. Bakit ko ba naging kaibigan ang dalawang 'to? Total, parehas kaming mag-isip.

"Ilock mo na iyang pinto mo at baka pasukin." Tumawa pa talaga ng mala-bruha.

"Hoy! Wag ka nga. Mauna na kayong lumabas. Kayo talaga." Kinuha ko muna iyong susi sa may lalagyan.

Itong mga 'to, panira ng moment. Akala ko pa naman, mag-iisa ako. Pero mabuti na ding nandito sila. May masasabihan ako ng panaginip ko dahil pag hindi mo daw sinabi ang isang panaginip sa ibang tao, magkakatotoo daw ito. Ayoko nun!

"Yngrid! Pakibilisan naman!" Sigaw ni Keila.

Magandang ikaw lang mag-isa. Pero minsan kailangan mo ng kasama. Kapag ikaw lang mag-isa, malulungkot ka at ang sunod noon ang mga luha na. But I guess I won't spend my day alone.

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon