Chapter 14: Postponed

53 0 0
                                    

Malungkot ako kasi wala na si Kitkit. Kinitil na namin ang kaniyang buhay kahapon. Nagdasal nga ako pagdaan kong simbahan tapos hindi ako kumain ng hapunan. Ayaw kong maalala. Nasusuka ako.

Ngayon pala ang araw na ikukwento ko kina Keila iyong tungkol kay Kirstein.

"Yngrid! Halika, upo ka dito." Sigaw ni Faye sa hindi kalayuan. May mga kasama siya. Iyong nasa National Bookstore minus Stephen and Kirstein. May nadagdag lang na tatlo. Kung makatitig parang may ginawa ako.

"Ha? Hindi ako pwede. May gaga-" Hindi na ako nakahulma ng hatakin niya ako papunta sa mga kaibigan niya. Letse! Nananadya?

"Friends,  kilala niyo naman si Yngrid 'di ba?" Pagpapakilala niya sa akin. Sikat ako, no need to introduce myself. Conceited.

"Faye naman, baka ma-out of place ako rito." Reklamo ko sa kanya. Why include me here when I'm not part of their gang. Kailangan talaga isama ako?

"Don't worry. Just make yourself comfortable." Nakangiting sabi sa akin ni Zachariah na siyang ikinagulat ko. Umungos ako dito na siyang dahilan ng pagtawa nito. This man has a beautiful laugh. No doubt maraming nabibighani ito.

Tumabi ako dito, sa kanya lang kasi ako comfortable. Si Faye naman, iba ang inaatupag. Nasa field kami, dito sana ako magku-kwento.

Dahil nga sa wala akong magawa ay tinext ko nalang sina Gem.

I got stuck in here. Story telling is now postponed.

Hindi nagtagal ay nagreply naman si Gem.

Yeah, I could see your face in here. You sucks.

Aba itong babaeng 'to. Parang hindi ako matanda sa kanya ng isang taon.

Nagreply din si Keila at gusto kong pag-umpugin ang mga ulo nila.

We are having a live show here. Isang babae, nagiging masokista. Nasasaktan na nga, ayaw pang lumayas sa kinauupuan niya.

Tumingin ako sa may bleachers and presto! The witches are there. Kumakain pa ng Piattos. Sinehan to ganun?

I heard someone strum the guitar beside me.

I fell in love with the beautiful girl
And she still takes my breathe away
I fell in love with the morning sun
While the hours slipped away

Sometimes when I hear your name
A smile creeps on my face
And for reasons I can't explain
It's never out of place

'Cause I love you more than you think I do
And I love you, now you don't want me too
'Cause I love you more than you think I do
And I love you, now you don't want me too

"Eh! Ba't ka huminto? Ang ganda na nun. Paborito ko pa naman iyong kinanta mo." Dabog ko dito. Sasabay na sana ako eh. Pero ang ganda ng boses ni Zachariah. Malamyos. Parang hindi galing sa isang lalakeng may ganitong personality.

"Kung ipinagpatuloy ko ba, sasabay ka?" Nakatitig ito sa akin habang nagtatanong.

"Sana, paborito ko nga 'di ba. Tapos ang ganda ng kanta." Nakangiting sagot ko sa kanya. Parang kami lang dalawa sa field. Iyong iba, hindi na namin iniinda.

Kakanta ako. Hindi na para sa iyo Zachariah Castardo. Sasabay ako sa kanta na hindi na ikaw ang iniisip ko.

"Ikaw Yng, sino ang tinitibok ng puso mo? Na siyang pag-aalayan mo ng kantang 'to?" Nabigla ako sa tanong ni Zachariah. Napaisip ako. Hindi ako magaling magpakita ng emosyon pero magaling akong magsalita.

"Tinitibok ng puso ko ngayon? Siya iyong taong ginagawa ang lahat mapangiti lang ako kahit malapit ko na siyang gilitan sa leeg. Pinapatawa ako sa mga mabababaw na dahilan. At pinapaiyak ako dahil sa kasiyahan." Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang taong kinamumuhian ko hanggang bituka. Ang taong ayaw kong makita ngunit hindi ako mapakali kapag wala siya.

"Ang swerte naman ng taong 'yan. Alis na ako, malapit ng umulan." Matapos niyang sabihin ang salitang iyan ang agad siyang tumayo at nagpagpag. His face was grim that even Da Vinci can't paint it.

"Yngrid! Umuulan!" Sigaw ni Gem sa akin.

Umuulan? Bakit hindi ko namalayan. I was that preoccupied the whole time I watched Zachariah leaving?

"Sinigawan kana't lahat-lahat. Nakatunganga ka pa rin." Hindi ko na maramdaman ang patak ng ulan. Tumingin ako sa may bandang ulo ko at nakakita ng payong. He brought an umbrella? Tumingin ako sa kanan ko at nakita ang lalaking tinutukoy ko kanina, si Kirstein Pierre Lasaca.

Nakangiti ako habang tinatahak ang landas papuntang bleacher. His hand is on my shoulder, making sure not to let a drop of rain fall to my skin. I'm glad story telling was postponed today. Kung hindi, hindi ako maliliwanagan kung sino ang gusto ko. Kung sino ang tinitibok ng puso ko.

Song used: I Love You by Alex and Sierra

Cold-bloodedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon